"honey, ano iyo ploblema?ha? ikaw bakit simangot na naman?" boses iyun ni mr.chua mula sa likuran ng babaeng ka leave-in niya, si virgie.
"ahm wala naman!" tugon ni virgie.
"hmm, alam ko ikaw melon ploblema, ikaw dapat sabi agad pala aq lutas!"
"talaga? hon,..kasi luma na 'yong mga damit ko. tsaka nagsasawa narin ako dun sa bag at shoes ko eh,." naglalambing na amin ni virgie habang hinihimas ang pisngi ng matandang intsik.
"so, gusto mo bago? no ploblem, diba ako plomise ako bigay iyo gusto basta iyo lagi bigay akin gusto?" bulong ng matanda na ginagapang ang kamay sa hita ni virgie.
hindi naman babaeng kaladkarin si virgie, talaga lang dahil sa hirap ng buhay kaya pumatol sa matandang intsik na iyon. kapit sa patalim ika nga!
kaya naman, nakukuha na niya ang bawat maibigan. pabango, alahas, bagong damit, pera, at halos lahat ng luho. ngunit ang kapalit ay ang dangal na kanyang iniingatan.
" ay oo nga pala hon, balak ko sana magpabili sayo ng kotse, para hindi naman ako nahihirapang magbyahe." dagdag pa ni virgie.
"o sige, ako bigay.!" tugon ng matanda na abalang abala sa paghalik sa katawan niya.
"ah eh honey,..."
"ako na bahala, ako bili agad kotse gusto mo." pigil ni mr.chua.
"hindi yun. kasi-"
"ako nga bigay lahat ,okey?"
"hindi naman tungkol dun eh...sandali nga! wag mo konh hubaran. andyan yung bata mo." angal ni vigie.
dahil sa narinig, napabalikwas si mr. chua at agad na nilingon si cardo na nakatayo sa pinto.
"o cardo, kumusta na iyo talabaho? malami ba sila bigay pela? " usisa ni mr.chua na umupo sa paborito nitong upuan.
"aba syempre boss! takot nalang nila sa'yo." nakangising tugon ni cardo. "eto nga pala ang nakolekta ko." inilapag niya sa mesa ang pera.
"ako bilang,.ako bilang." saad ng matanda na parang hibang na dinapot ang mga pera at muling inilapag ang nabilang.
"o baka iyan kulang pa? ikaw kuha pa!" alok ni mr. chua ng makitang palihim na kinuha ni cardo ang limandaang piso.
"ok na to boss. salamat ha." bawi ni cardo.
"wala iyon. basta ikaw lang honest at loyal sa akin, ako bait, ok?"
"eh syanga pala boss, may kilala akong tao. eh mukhang interesadong sumama sa business natin. baka naman pwedeng isama ko?"
"ikaw bahala! basta gusto ko mapapagkatiwalaan kahit saan." tugon ni mr.chua na abala parin sa pagbibilang.
"sigurado tayo dyan boss. ako'ng bahala!"
"o sige, iyo siya dalhin sa'kin, para ako alam. ok? "
"ok boss!" tugon ni cardo na nakangisi.
"sige, ikaw alis na, at marami pa ako gagawin." taboy ni mr.chua.
"sige boss. salamat!" paalam ni cardo na kagyat na lumabas ng bahay na iyon dala ang mahigit na kalahati ng perang nakolekta sa mga tao.
"pagbilhan nga ng sigarilyo!" sambit ni ato sa isang nagtitinda ng sigarilyo sa tabi niya. "salamat ! eto ang bayad."
"lighter? " alok naman ni cardo mula sa likuran niya, kararating lang!
"s-salamat! "tugon ni ato na atubili pang inabot ang lighter mula kay cardo.
"edi ibig sabihin niyan pareng ato... sasama ka sa raket ko?" tanong ni cardo habang pinapagpag ang alikabok sa bench bago naupo.
hindi naman kumibo si ato.
"alam mo, hindi ka nagkamali ng desisyon." humugot ito ng sigarilyo, sinindihan at humithit. "malaki ang kikitain mo dito.tingnan mo ako, tiba-tiba!" hithit-buga. "pero syempre kelangang paghirapan!" iminustra nito sa daliri kung gaano kalaki. " ganito lang! halos laway at pawis lang ang puhunan. pero tingnan mo naman, bigla kan aangat."
"a-ano bang kailangang requirements? alam mo namang first year lang naabot ko." usisa ni ato na tinapon ang upos ng sigarilyo.
iiling -iling na sumagot si cardo. "wala pareng ato! lakas lang ng loob."
sandaling nagpalinga-linga at tinanaw ang babae sa malayo. "eto pareng ato, kita mo yung babaeng may shoulder bag na itim at pula?"
"o-oo." tugon ni ato na sumipat sa dereksyon na tinuro ni cardo.
"eh yung bag? kita mo?" tanong muli ni cardo.
agad na nabasa ni ato ang gustong mangyari ni cardo. bagaman alam niyang hindi iyon ang trabaho nito, alam niyang ito marahil ang pinto papasok sa trabahong tinutukoy ni cardo.
at kahit na nagtatalo ang isip niya, kailangan niyang kumita at makahawak ng pera.
walang sabi-sabing tinungo niya ang kinatatayuan ng babae, hinablot ang bag at mabilis na tumakbo para umiwas sa napipintong gulo na ginawa niya.
