kanina pang naglalakad si ato, hindi niya alam kung saan tutungo.
tila wala siyang dereksyon. wala sa sarili.
nasa ganoong ayos siya ng may tumapik sa balikat niya. agad niyang nilingon ito.
"pareng cardo! ikaw pala,." bati ni ato.
hithit-buga si cardo ng sigarilyo, tinapon ang upos at nagsindi ng panibago.
"balita ko e may sakit si inaanak!."
"meron nga eh. kaya nga aq lumabas eh...nagbabakasakali." tugon ni ato na bakas sa mukha ang kawalang pag asa.
"buti nalang pala at nakita kita!" nakangising saad ni cardo habang hinuhugot ang pitaka sa bulsa at nag labas ng apat na lilibuhin. "oh pareng ato! pampagamot kay inaanak."
"ah eh-" pag aalangan ni ato.
"sige na! wag ka nang mahiya, at saka wag kang mag alala, hindi yan utang. papasko ko na iyan kay inaanak!" nakangising saad ni cardo.
"eh marso pa lang naman pareng cardo ah, at tsaka baka kailangan mo 'to?"
"naku!-" tinapon niya ang sigarilyo bago inilahad kay ato ang pitakang busog sa kwalta. "-barya lang yan sa kinikita ko...ano pareng ato! tutal naman e tambay karin lang ngayon e bakit di ka nalang sumama sa mga raket ko!"
inakbayan siya ni cardo at tinapiktapik sa balikat.
"pa-pag iisipan ko!" tugon ni ato na nag aalangan.
"sana mapag isipan mo. pano pare? magkita tayo sa plasa kung oks sayo,ha!"
saad ni cardo habang humahakbang papalayo.
bahagya lang na tumango si ato habang binubulsa ang pera.
nagdudumaling umakyat ng hagdanan si ato. bitbit niya ang mga supot ng pagkain.
"celing! magluto ka para makakain tayo."saad niya na maaliwalas ang mukhang iniharap sa asawa.
"san ka nakakuha ng pera?" masaya ngunit nagtatakang tanong ni celing. kilala niya si ato, kahit kailan ay di ito maalam mangutang o manghingi.
ngunit sa halip, di sya sinagot ni ato." o eto nga pala ang gamot, painumin mu narin si bunso."
"ato! saan galing ang pera?" muling usisa ni celing.bahagya siyang nilingon ni ato, halata sa mukha nito ang pag iwas.
"ato, tinatanong kita." pag uulit ni celing na nagawa pang lumapit sa kinatatayuan ni ato.
tinakpan ni ato ang lalagyan ng bigas bago umimik. "k-kay pareng cardo!" pagkasabi'y lumakad patungo sa lababo.
"kay cardo? diba napag usapan na natin na di tayo tatanggap ng kahit na ano mula sa kanya? kala ko b nagkakaintindihan na tayo?" muli siyang nilapitan ni celing.
"pero celing-"
"alam naman natin na sa masama galing ang kinikita ni cardo,di ba?" pagputol ni celing sa sasabihin ni ato.
"oo na, andun na ako. kahit ngayon lang celing, makaraos man lang tayo, ha!" pagkasabiy humarap kay celing at yumakap.
wala nang magawa pa si celing kundi ang sumang ayon, maging siya man ay humahapdi narin ang sikmura.
samantala sa palengke,
"hoy! ikaw dyan! akina!" singhal ni cardo sa isa pang tindera sa palengke.
"naku cardo, wala pa akong kita eh, pasensya na muna!" tugon ng nahihintakutang tindera.
"wag mo nga akong maloko loko! ikaw ang pinakamalakas ang benta dito, tapos dadaing-daing ka ngayon, asan na ? akina na!" bulyaw ni cardo.
"h-halos napunta na sayong lahat ang kita ko eh, wala na talaga."
"tarantadong 'to! panong nangyari yun eh kahapon lang ako huling nangolekta?. "pagkasabi'y pinasok na niya ang mismong tindahan. "mangangatwiran ka pa! baka nakakalimutan nyo, kontrolado kayo ng boss ko..akina ang pera! asan na?"
"wala nga talaga."
"eh anong tawag dito?" tanong ni cardo ng makuha ang lalagyan ng pera. " diba pera ito? tinatarantado mo ako eh!"
"bente pesos nalang yan eh, pambigay ko pa yan sa anak ko." katwiran nito.
"wala akong paki alam sa anak mo. alam mo, kung lagi kang ganyan magsarado ka na! o kung gusto mo, ako na magpasara nito.? sige! bukas babalik ako." banta ni cardo na lumakad papunta sa kasunod na hanay ng tindahan kasama ang limang bataan niya.
mula sa malayo, dinig na dinig ang ingay na idinudulot ng grupo ni cardo. ang pagsigaw at pagmumura niya sa bawat matapatang tindahan. may mangilang-ngilan ang napapatigil upang panoorin siya.
Trabaho na niya ang hingan ng lagay ang lahat ng nagtitinda sa palengke. doon siya kumikita.doon siya nabubuhay.
kung gaano kasi ang makolekta niya, malamang na kalahati niyon ay sa kanya. at ang kaunting bahagi ay sa mga tauhan niya. at ang matitira ay sa boss nya. kay mr.chua.