"wooah! " sigaw ni cardo na humahangos.
nagawa niyang sundan si ato mula sa plasa hanggang sa may ilog. "pinahanga mo ako dun ah!"
bumuntong-hininga lang si ato. hindi malaman kung ngingiti o sisimangot ang mukhang iniharap sa tuwang-tuwa na si cardo.
"pareng cardo nakokonsyensya ako! ibabalik ko!" sambit ni ato na akmang aalis.
"ooops-oops! "pinigil siya cardo. "yan ang wag mong gagawin. hindi tayo magkakasundo. eto tandaan mo pareng ato.. oras na kumapit ka sa patalim, wag ka kaagad-agad bibitaw, masusugatan ka!" banta ni cardo na may malalim na ibig sabihin. akma na siyang hahakbang papalayo ng may maalala.
"syanga pala. ngayong nasa pangangalaga kita, mag ingat-ingat ka, may mga nagmamanman sa mga kilos ko, at sila ang kalaban mo. pero kung tatangkain mong magdalawang isip at bumaligtad, ako ang makakalaban mo. " saad ni cardo. " tandaan mo pareng ato, masamang kaaway ang mabuting kaibigan."
napahinga ng malalim si ato habang nakatitig kay cardo. "tara at ipakikilala kita sa boss ko!"
hindi parin siya makapaniwala na nagawa niyang maging tulad ni cardo. labag iyon sa loob niya.labag iyon sa nais ng asawa niya. labag iyon sa batas ng tao at lalong labag iyon sa batas Diyos.
ngunit nandoon na siya.
nakahawak sa matalas na talim na anumang oras ay maaaring magdala sa kanya sa tiyak na kapahamakan.
wala na siyang magawa.
"boss si ato!" pagpapakilala ni cardo. "siya yung sinasabi ko sa inyo."
sandaling sinipat sipat nang matandang intsik si ato. "ikaw ba sigulado ito ok magtalabaho? baka iyan palpak?" prangkang tanommg ng matanda kay cardo.
"okey 'to boss! wala ba kayong tiwala sakin?"pagyayabang ni cardo. "at eto ang patunay!" sabay abot ng bag na nadikwat ni ato sa plasa.
"ano ito?" usisa ng matanda habang binubulatlat ang laman ng bag.
"si ato ang sumungkit nyan! "pahayag ni cardo.
"siguladuhin nyo lang yan! baka ako linuko-loko nyo lang. ikaw caldo lagot sa akin."
"sigurado boss! pwede ba namang lokohin kita!"
"okey ikaw ato, magsimula na magtalabaho sa akin, cardo, ikaw bahala turo sa kanya dapat gawin." utos ng matanda.
"ok boss!" tugon ni cardo.
sumama si ato sa mga lakad ni cardo. nasaksihan niya lahat ng mga gawain nito at natutuhan niya ang mga iyon.
pero sa konsyensya niya patuloy parin na bumubulong na mali ang paraan na pinasok niya upang itaguyod ang pamilya niya.
alam niya la-laki ang anak niya. at ayaw niyang kagisnan nito ang ganoong buhay.
ngunit wala siyang magawa!
wala siyang alam na ibang paraan kundi ang kumapit sa patalim.
"ano na iyo plano?" usisa ni mr.chua ng minsang dumalaw muli si cardo sa bahay nito.
"boss, medyo nakakaumay na kasi ang pangungulekta ng lagay eh..ano kaya kung maiba iba naman?" tugon ni cardo.
"ano iyo ibig sabihin?" tanong ng naguguluhang matanda.
"eh kung kidnap for ransom naman?"
"ahh!" ungol ng matanda. "mahirap yan! ako ayaw ng ganyan."
"pero boss, mas malaki at biglaan ang pera dito, mas mabilis nating mahahawakan ang pera!" himok pa ni cardo.
"ako ayaw gulo, gusto ko tahimik, ako ayaw malami sawsaw!" sambit ng matanda na tumayo. " pelo kung ikaw tuloy iyo plano..wag mo ako damay dyan! hindi kita kalgo dyan!" pagkasabi'y tumalikod na ito. umakyat ng hagdanan at iniwan si cardo na nakatanga.
hindi nagustuhan ni cardo ang naging desiyon ni mr.chua. ngayon lang ito tumanggi sa plano niya at ayaw niya na maaantala ang kahit anong pinaplano niya.
malalim ang iniisip niya. mayroon siyang nais mangyari. itutuloy niya ang plano.!
