Rica's POV
"Ang buhay ko ay parang yung klaseng may teacher na walang kabuhay-buhay kung mag lecture. In short, it's very boring." Sabi ko sa sarili ko, habang tinitingnan ko lang yung news feed ko sa facebook gamit yung cellphone kong 2012 pa nabili.
E kasi naman, palagi na lang ganito. Wala talaganag kabago-bagong pangyayari ang nagaganap sa buhay ko.
Tuwing naka-tingin ako sa news feed ko, sobrang naiinggit ako dun sa ibang mga babae. E pano ba, bagong upload pa lang nga ng selfie, ang dami nang likes.
Tapos ako? Ilang oras na ang nakalipas, ni isa wala pa ring like. Mag-iisang araw na, wala pa rin. Minsan naman, sinuswerte, nagkakaroon ng dalawang likes. Oo, dalawang likes lang yung pinakamataas kong like na natatanggap. T^T Ang saklap lang, di ba?
By the way, ako nga pala si Rica Salonga. Kamag-anak ko nga pala si Lea Salonga. Pero syempre, joke lang! ;) Kaapelyido ko lang si Lea Salonga. Back to the topic, yes, ako nga pala si Rica Salonga na walang ibang hiniling kundi magkaroon ng maraming likes sa picture ko sa facebook. Ang babaw ba ng pangarap ko? Pwes, para sakin napaka-taas ng pangarap na 'to. Ang hirap nga abutin e. T_T
By the way, birthday ko nga pala ngayon. Woo, 17 na ako! Syempre may nag-greet rin naman sa akin sa facebook kahit papaano. Pero pwede bang likes na lang sa pictures?
Summer nga pala ngayon, kakagraduate ko lang ng high school at dahil wala akong pera pang-enroll sa college, tambay-tambay muna sa bahay!
Si mama lang kasi yung bumubuhay sa akin e, hindi ko naman kasi alam kung sino yung tatay ko at never ko pang nameet. Pero okay lang naman yun kasi may kinakain naman ako araw-araw dahil si mama marami naman siyang side kick, kaya medyo carry lang naman ang buhay kahit papaano.
At dahil bored na bored nga ako, magse-selfie muna ako gamit itong cellphone kong 2012 pa nabili. Old style na siya, pero okay lang naman dahil hindi naman low quality yung camera kasi tuwing nagse-selfie ako, halatang halata yung itsura kong puno ng pimples.
Okay, selfie na! Gorabells!
● Duck face - 5 shots
● Pouty lips - 5 shots
● Normal smile - 5 shots
● Side view - 5 shots
● Look up - 5 shots
● Wacky face - 5 shots
Wow nakapag-30 selfies ako kaso ang papanget naman lahat. Huhuhuhu T.T Halatang halata yung nagmamantika kong mukha with matching pimples! Huhuhu ang panget ko talaga. Buburahin ko na nga lang lahat ng 'to.
Sana lang talaga magkaroon na ako nung cellphone na... Andy phone ba yun? Ah ewan! Basta yung phone na may apps, tapos double yung camera! Andy Phone ata tawag dun eh? Ewan ko basta nakikita ko lang yun sa stalls sa mall. Tapos meron pa yung isang phone na Red Apple ba brand nun o Green Apple? Basta mamahalin yun e. MyPhone 5S ata tawah dun? Ay ewan tapos meron pa yung colorful, yung MyPhone 5C ata? Ah ewan, nakalimutan ko na talaga eh.
Birthday ko pero ang boring. Hay... Nothing to do.
"Happy birthday Rica!!!" Wow si mama nandito! Naku, sinurprise pa ako! Wow si mama nandito na!!!
"Mama!!! I miss you!!!" Minsan lang kasi umuwi si mama kasi nga busy siya sa side kick niya. Uwaaah!!! Si mama (☆^O^☆)
"I miss you too, anak! O hali ka, tingnan mo 'tong regalo ko sayo, dali! For sure, talagang magugustuhan mo 'to." Wow ang bait talaga ni mama, nag abala pa.
Tanggal, tanggal, bukas, bukas. Uwaaah! *O*
Android Phone! Waaah, android phone pala tawag dito, hindi pala andy phone! Bwahahaha, ang tanga ko naman!
"Wow ma, thank you! Kaso teka... Paano ba gagamitin 'to?" Ang excited ko, pero hindi ko naman alam kung paano 'to gagamitin.
At yun, tinuruan ako ni mama. Madali lang naman ako maka-gets! Kaya medyo kuha ko na!
Marunong na ako magdownload ng apps, more than 5 na nga nadownload ko eh. Tapos mas maganda pala yung facebook dito, no?
Ang isa sa pinakafavorite ko, itong Retrica. Wow naman, ang ganda talaga! Nawawala yung pimples at yung nagmamantikang mukha ko sa picture! Tapos medyo tumatangos yung ilong ko! Hahaha wow naman! Gandang di mo inakala!
Hmmm, I have a better idea! Gagawa ako ng bagong facebook tapos iibahin ko yung pangalan ko, right? Tapos dadami na yung likes! Oh yeah! Hahaha!
I'm so excited, magkakaraming likes na talaga ako! Woo!
-
A/N: This chapter has been edited. To all my readers, thank you guys so much for reading! Chapter 2 soon!
xo, Raqy ❤
BINABASA MO ANG
Retrica Queen
HumorIsa lang ang inaasam-asam niyang pangarap, ang magka-gain ng maraming LIKES sa facebook. Ang babaw, di ba? Pero para sa kanya, sobrang taas na nito dahil ni LIMANG LIKES, HINDI NIYA MAABOT. And then she found this app called Retrica, at dahan-dahan...