RQ - 2

81 2 1
                                    

Rica'sPOV

"Tootstootstoots
Tututututututuz
Tututututututut
Duts duts duts
Dududududutz"

Oh yes, ang ganda talaga ng tone ng alarm clock ng napaka-bagong android phone ko! Budotz nga pala title nun, pakinggan niyo 'yung kantang 'yun, ang ganda! By the way, tumunog na nga 'yung alarm clock ko, oras na para tumayo sa higaan! ┗(^0^)┓

4:30 pa nga lang pala, sobrang bago ito sa buhay ko dahil 5:30 ako nagigising kung may pasok at ngayong summer, 8:30 ako nagigising pero ngayon ang aga. Hindi na talaga ako mabobored dahil may bago nang nagaganap sa buhay ko, thanks to android phone. (*^▽^*)

Tapos na rin ako sa mga ginagawa kong gawaing bahay, nalinisan ko na yung kwarto ko, nalinisan ko na yung buong bahay, nakapag-luto na ako ng almusal at nakapag-almusal na rin ako, at nakaligo na rin ako. Isa na lang ang kulang, ang kumuha ng pamporma ko ngayon at magpaganda. May pupuntahan kasi ako ngayong napaka-importante e! Hihihi, I'm so excited like oh my golly tama na please! ( ^∇^)

Hmmm, damihan natin ng tawas yung kilikili ko, para hindi mangamoy at mamawis! Tapos oh yeah, lotion mode! And, perfume! Sa mukha ko? Wala akong nilalagay, lalo lang dadami 'yung pimples ko e, pag nilagyan nung mga products na sabi na pampawala daw ng pimples.

Tapos yung buhok ko? Hindi ko na sinuklayan. Yan daw kasi uso ngayon e, yung waivy-waivy 'yung style. Kaya feeling wavy na talaga 'yung buhok ko ngayon.

At nakapili na nga pala ako ng porma ko! Wedge nga pala na color brown with matching knee sock na color yellow, hindi ko kasi maa-appreciate yung stockings e, polo shirt na color pink tapos inunbutton ko yung mga botones, tapos sando na color orange sa loob. O di ba, ang colorful ng porma ko! ;D

--

6:00 a.m. na nga pala, akalain mo 'yun nagawa ko lahat ng gawain ko for only 1 hour and 30 minutes? Ang laki talaga ng tulong at pagbabago ang binibigay sa akin ng Android Phone ko! (/^▽^)/

Ready na ako sa pupuntahan ko. Alam niyo ba kung saan ako pupunta ngayon at talagang napaka-ganda ko tapos pormadong-pormado ako? Pupunta lang naman ako sa Internet Cafe. ;) E kasi nga di ba, gagawa ako ng bago kong facebook account. Sabi kasi nila, mas maganda daw gumawa ng facebook account sa Computer para mas madali maconfirm ang email compare sa cellphones.

So tara na't lumakbay sa Internet Cafe ng bayan! Ayy wait, syempre kukunin ko muna 'yung shoulder bag ko na color violet. Pandagdag sa porma! ;) Alam mo ba, ngayon lang ako pumorma ng ganito kaganda, kasi ang words of wisdom ko ngayon sa buhay ay, "Bagong cellphone, bagong buhay." O di ba, ang taray?

Oh yeah, lahat ata ng tao na nadadaanan ko tinitingnan ako? Ganun na ba ako kaganda? Natatawa ata sila, haha! Sigurado akong naaamaze talaga sila sa porma ko! Naku, ako na talaga ang susunod na Tania Pilar, yung napakagandang model!

(A/N: Plug alert. (^▽^) Guys, si Tania Pilar 'yung character na model sa story kong Skinny Love. Guys, please read it, please, please. It would mean a lot.)

Yes, nandito na rin sa Internet Cafe!

"Good morning Ms. Nene Cruz! I'm Rica Salonga, 17, Philippines!" Sabi ko habang papasok ako sa Internet Cafe at rumampa pa ako na parang Miss Universe. Syempre, kilala ko 'yung taga-bantay dito e, Nene nga pala pangalan niya, kaibigan ko yan.

"Rica baki --- HAHAHAHAHAHAHAHA BAKIT HAHAHA ANG AHAHAHAHA AGA MO HAHAHAHA!!!" Ano bang problema nito ni Nene at halos wagas kung makatawa. (-_- ")

"Ano bang tinatawa mo? Syempre as usual, e di mag iinternet tapos may ikukwento ako sayo! I'm so excited! Pero ano bang nakakatawa? Ikwento mo nga sakin para sasamahan kitang tumawa!"

"E KASI HAHAHAHA! HAHAHA OKAY TAMA NA HAHAHA! Okay ang sakit na ng tiyan ko. Gusto mo ba talagang sabihin ko sayo? Hahaha! Wag na! Ano nga bang sasabihin mo?" Hanggang ngayon hindi pa rin matanggal 'yung tawa sa mukha niya, natawa ba siya dahil nagulat siya sa itsura ko dahil napaka-ganda ko at isa ako sa mga babaeng gandang di mo inakala?

"O sige ako muna ang kukwento. Alam mo kasi meron na akong bagong cellphone! Ito o, android phone! Dreams do come true nga naman talaga, di ba? O tapos tingnan mo 'tong Retrica! Grabe, umiba itsura ko, friend!" Sabi ko sa kanya habang pinapadyakpadyak ko yung paa ko, kasi ganun 'yung way na pag express ko ng masaya kong feeling.

"Oh ano agad nangyari? Hahaha!" Tawang-tawa niyang sabi, pero hindi naman tulad nung kanina niyang tawa.

"Syempre, dahil mabait kang kaibigan, tutulungan mo akong gumawa ng bagong facebook account! Dahil ako'y naniniwala sa kasabihan na, bagong facebook account, bagong pictures! And this time, magaganda na." O di ba, may bago na naman akong words of wisdom?

"Ah sige, kaya pala ang aga mo dahil may gusto kang gawin. Sige haha, dun tayo sa number one at gagawa na tayo ng facebook account mo. By the way, ganda porma natin ngayon a? Hahahaha!" Wow tama talaga 'yung iniisip ko, natatawa siya dahil ang ganda ng porma ko. Haha, ang galing ko talaga! ;D

--

Yey, natapos na rin 'yung pag gawa ng facebook ko.

Name : Riri Ca

Yung profile picture ko? Syempre yung picture ko kagabi na Retrica ang gamit na camera! ;) At yung cover photo ko, yung picture kong Retrica rin, syempre!

Time to add friends na!
Syempre ia-add ko muna si Nene. Tapos yung mga kakilala ko. At pumunta ako dun sa mga pages na,

"Pogi Spotted"
"Crush ng Bayan Spotted"
"Maganda/Gwapo Spotted"
"Crush spotted"
"Famous Spotted"

At kung anu-ano pang mga pages na may nakalagay na spotted-spotted.

Ang daming gwapo at magaganda. Tinry ko ngang i-add e kasi naka-tag naman yung accounts nila. Kaso 'yung iba, hindi na ma-add kasi full na daw. Huhuhu. Pero may iba rin namang na-add ko. (*^▽^*)

May na-add nga akong napaka-gandang babae e! Si Ma. Bianca Isabela Dela Cruz! Ay grabe, para kang matotomboy sa sobrang ganda!

Lima na nga 'yung na-add kong pogi. Yung apat inaccept na friend request ko. Gwapo sila, promise, kaso iba itong dating ng isa para sa akin e. Kaso siya 'yung hindi pa inaaccept 'yung friend request ko. Hindi pa siguro online.

Hahahaha, wow. In one day, 894 na agad 'yung friends ko!

Uy, may notification!

*154 people like your profile picture.*
*104 people like your cover photo.*

WOW ⊙ω⊙
WOW ⊙▽⊙
WOW ⊙△⊙

Totoo ba 'tong mga nakikita ko? Wow, 100+ na 'yung likes? Wow. Wow. Wow. Hindi ako makapaniwala! Wow! Ang dami ko nang likes! (≧∇≦)/

Huhuhu, iiyak na ako sa tuwa! Nagkaka-likes na ako! Huhuhu.

Uy, may notification ulit! Likes na naman kaya ito? Yay, I'm so excited tingnan!

Rico Andrino accepted your friend request.

Dugdugdugdugdugdugdug!

Inaccept niya na! o((*^▽^*))o

New crush ko 'to e, grabe nakakalaglag panty siya sa sobrang gwapo! Ay nako, grabe talaga!

Rico Andrino likes your profile picture.
Rico Andrino likes your cover photo.

Ay shit, nilike pa pati profile picture at cover photo ko! Shet, grabe talaga ang tulong nitong bago kong ANDROID PHONE! <3

--

GUYS!!! YES NAKAPAG-UPDATE NA TALAGA AFTER 5 MONTHS YES YES YES!!! I'LL EDIT THIS CHAPTER REAL SOON.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Retrica QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon