Chapter 10

617 53 2
                                    

thank you @jasicyalpia basta thank you kasi binabasa mo ung story ko knowing na baguhan pa lang ako. thanks:)


Clay's POV

One week past... Mula ng lagnatin si Acer at sa pagkalipas ng isang linggo bumalik na naman sa normal na ugali niya si Acer! Mas lalo pa nga yatang lumala. Pero mas okey na sa akin na bumalik sya sa dati kesa nung may sakit sya!

And si Clyde naman one week ng nagtatago... Nakikita ko sya pero kapag lalapit ako kumakaripas ng takbo ang loko! Wag lang talagang magsasalubong ang landas namin lecheng lalaking yon.

"Guys posted na yung results ng exam natin!" Excited na sabi ng classmate ko. Halata din ang excitement ng iba pero ako? Heto patingaw sa upuan ko!

Flashback...(after ng pagpapainom ng gamot kay Acer)

Nagmamadali akong lumabas sa room ni Acer para kumuha ng EXAM... Walang hiyang Clyde yon ansarap sapukin!

Tila pinagbagsakan ako ng langit at lupa ng makitang naglabasan na ang mga classmate ko at isinasara na ang classroom namin.

Nakita ko ang adviser namin kaya't nagmamadali akong tumakbo palapit sa kanya.

Habol hininga ako bago ko nagsalita.

"Sir..." Agad naman syang lumingon sa akin.

"Kuha po ako ng exam" nahihiyang sabi ko. Pano ba naman scholar ako dito tapos ako pa tong hindi nakakuha ng exam on time. Ano na lang ang sasabihin niya diba?

"Bwahahaha!!!" Laking gulat ko ng bigla niya kong tawanan. As in labas ngala-ngala. Mukhang nabaliw na ata si sir---charot!

"Pft. Sorry hahaha" sabi nito habang pilit pinipigilan ang tawa niya.

The Mafia SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon