Chapter 47

245 4 0
                                    


Third Person's POV

Karangyaan.. Yan ang isinisigaw ng siyang naglalakihan at naggagandahang disenyo ng buong lugar kung saan gaganapin ang venue ng coronation for the new king.

Ang pinakamalaking event na magaganap sa buong underground society, hindi lang basta-basta ang mga taong dito'y dadalo, hindi lang isa kundi daang-daang mapanganib na tao'y dito'y magtitipon-tipon upang saksihan ang pagpuputong ng korona. Ang mga pangunahing bisita dito ay hindi lamang mga mafia mula sa Pilipinas bagkus maging ang mga kilalang mafia boss sa iba't-ibang sulok ng mundo.

Kaya naman ganoon na lamang ang paghahanda ng lahat, mula sa venue, reception at ang hotel na tutuluyan ng lahat. Sa isang linggong paghahanda para sa naturang event ay mamayang gabi na masasaksihan ang pinakaiintay ng lahat.. The most awaited part in the underground society.

Sa isang malawak na garden gaganapin ang venue, at ang magiging mistulang reception ay ang mansion na di kalayuan sa naturang venue. It was a masquerade party, kaya naman maski ang maskarang gagamitin ng bawat isa ay customize at pinasadyang gawin batay sa kanilang posisyon.

Mga kilalang coordinator din ang siyang nag-ayos hindi lamang sa venue kundi maski sa maskarang pinasadya. Ang siya namang mga tagapag-luto ay hindi rin pahuhuli dahil maski ang mga ito ay may matataas na posisyon at ilan sa mga kilalang chef sa buong mundo.... Masasabing hindi basta barya ang ginastos upang maging ganito karangya ang lahat ng maaari mong hangaan, well, hindi rin naman basta basta ang mga taong dadalo rito kaya marahil ay angkop lang ang lahat.
(Picture of the masks at the multimedia)

Lingid sa kaalaman ng marami ay ito ang kauna-unahang event kung saan makapag-titipon-tipon ang lahat ng mafia sa buong underground society, ito ang unang pagkakataon na magtatagpo ang lahat ng pinakakinatatakutang mafia boss sa kani-kanilang bansa. Alam din ng lahat kung gaano ito kaimportante at kung gaano ito kapanganib, dahil ang pagsasama-sama ng mga mafia sa isang lugar ay isang malaking kapahamakan at ang posibleng resulta ay mauwi sa patayan upang maagaw ang mga posisyon at yaman na taglay ng napatay na mafia.

Mahigpit ang seguridad sa buong lugar mamayang gabi, mas doble o baka nga triple pa kumpara ngayon na tinitignan kung nasa ayos ba ang lahat, hindi basta-basta nakapapasok dito ang mga taong hindi naman coordinator kaya't tanging pili lang ang nakalalabas-pasok sa lugar. Pili lang din ang pinayagang tauhan na maaaring makasama ng isang mafia. Ang isang mafia ay pinayagan lamang na magsama ng dalawa niyang tauhan upang maiwasan ang gulo at pagpapatayan nito ngunit nakasisiguro naman na kahit anong gawing paghihigpit ang pag-iingat ay basta ninais ng isang mafia ay walang magagawa ang iba kundi ang lumaban upang hindi mapatay.

"Attention everyone, today Mr. Smith and his wife will going to visit us to check if everything is okey." Saad ni Shawn habang pumapalakpak upang maagaw ang attention ng mga tauhang walang humpay sa paggalaw at pag-check kung nasa ayos ba ang lahat.. Mula sa sound system, design, table clothing at ang mga upuan na gagamitin mamaya.

Si Shawn ang siyang head ng coordinator na siyang kinuha ni Alas upang mamahala sa gaganaping event. Iilan lamang ang nakaaalam na ang bagong kokoronahan  ay walang iba kundi si Alas, namamayagpag din ang pangalan nito sa buong underground society ngunit hindi ibinulgar na siya ang papalit sa posisyon ng King dala na rin ng kangyang seguridad dahil sa oras ng malaman ng lahat na siya ang papalit sa pwesto ay baka hindi pa man napuputong ang korona ay pinaglalamayan na siya.

The Mafia SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon