CHAPTER 4: Home!

53 3 0
                                        

Buong biyahe akong nakatulala. Trying to erase his name na patuloy lang ang paglalaro sa ulo ko. Hindi ko nalang namamalayan na nakarating na pala kami sa bahay. 

Bumaba kami agad, napangiti naman ako nang nakangiti ng tumatakbo si Sam kina mama at papa.

"Wow! Our pretty apo, how was your flight, Sam?" Masayang tanong ni mama kay Sam. Nakatingin lang ako sa kanila.

"It was--- hehehee--- I was sleeping the whole flight, mommy-la. Hehehe." Tumawa naman sila dahil sa sagot ng anak ko. Tas niyakap ako ni papa.

"Let's go sa loob. Hayaan niyo na ang mga maids na mag-akyat ng mga gamit niyo sa taas." At ayun, naglakad na kami papasok ng bahay.

Ang dami na palang nagbago dito. Malawak na yung garden tas hanggang 3rd floor na at including yung mini roof deck sa itaas. May small lagoon pa sila sa tabi ng garden and sa likod may swimming pool.

Seguradong-segurado akong gustong-gusto na ni Summer dito. Ayaw na nung umuwi sa America. Aish! ^_^

"Swimming pool~" this is what I am talking about earlier. She's excited habang nakatingin sa pool.

"Do you want to go swimming, Sam?" Excited na tumango naman ang anak ko. "Okay, let's go! Mommy-la will first change these clothes into a swimming-- bikini!" Wahhh, bikini talaga, mama? Nako, segurado akong whole day kong hindi mahahawakan si Summer.

Nung nanganak ako, si mama at papa talaga yung very excited. Si heart naman umiiyak nung mga panahong yun. Hindi siya lumuwas ng America, sa video call lang. Nakakatawa ngang isipin yung mga panahong yun.

Habang si Top naman daw, nasa labas ng hospital. Hindi daw mapakali sabi ni mama. Akala mo naman siya yung manganganak that time.  Ang OA niya. Hahahaha. ^_^

Naglibot-libot muna ako ng bahay, nakita ko naman na nasa kusina si Heart. Magaling kasi siyang magluto at passion niya yun. Habang si Top, ewan ko nasaan. Peru feeling ko, nasa loob yung ng kwarto niya nanunood ng basketball. He's a captain kasi sa isang basketball varsity, noon.

Peru hanggang ngayon, naglalaro parin naman yun kasama mga kaibigan niya.

Pumasok muna ako sa kwarto ko at umupo sa kama. Malinis yung kwarto ko at wala naman gaanong nagbago.

5 YEARS AGO
-FLASHBACK-

"Anak! Itutuloy natin yung operation next month sa ayaw at sa gusto mo. Anak naman, para sa kabutihan mo naman to. Kailangan natin to. Hindi ako tumanggi sa ninong mong surgeon sa America at wala akong planong tanggihan siya. Anak, gusto ka pa naming makasama ng matagal. Intindihin mo naman kami bilang mga magulang mo!"

"I Love You, Boss!"Where stories live. Discover now