Kabanata 2

315 3 0
                                    

Kabanata 2

Binuksan ko ang gate at kaharap ko na ang babaeng kumakatok kanina. She's my classmate. Anong ginagawa niya dito? Tinitigan ko lang siya at hinintay magsalita.

"Hello Rhyzel!" she waved while flashing her smile at me. Nginitian ko din siya.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked. This is the first time a classmate of mine came here. Kaya talagang nakapagtataka.

"Uhm, gusto ko lang sanang ibigay sa'yo 'to. Napag-utusan ako ni Mr. Abuloc na ibigay sa'yo ang lecture kanina dahil may quiz daw bukas," she handed me a notebook.

"Quiz?" I curiously asked.

"Oo. At dahil wala ka kanina, kailangan mo 'to para mapag-aralan mo ang lecture kanina nang may maisagot ka sa quiz bukas." May malasakit pa pala ang Bulok na 'yun sa'kin? I smirked.

"Hindi na. Sa'yo na 'yan. Ikaw ang nagsulat niyan kaya sa'yo na 'yan. Sige bye," walang gana kong sambit. I closed the gate. I know I'm being rude but I think that's the right thing to do. Kung 'di ko pa siya sasaraduhan ay malamang ipagpipilitan niya pa sa'kin ang notebook niya. Tsaka, siya ang nagpakahirap magsulat ng notes doon. Dapat ay siya ang makinabang nun. I don't need those lectures anyway. And I don't care. Wala akong pakialam sa mga quiz na 'yun. Pumasok na uli ako sa bahay. I continued watching tv shows until midnight.

Kinabukasan, hindi muli ako pumasok sa school. Pumunta ako sa kusina at nakitang may nakatakip na mangkok sa lamesa. There's a sticky note beside it. Binasa ko ito.

'Pinaghanda kita ng makakain mo. Magpagaling ka ha. Kung may kailangan ka nasa bahay lang ako. 'Wag mo ring kakalimutang uminom ng gamot para gumaling ka.'

Iyon ang nakasulat sa sticky note. I'm really thankful that I met Lolai. Siya lang ang nagparamdam saakin na may taong nagmamahal sakin. Matapos ng lahat ng nangyari saakin.

Ganito lagi si Lolai. She always come here and cook food for me. Minsan nga ay nagpe-presenta pa siyang maglinis ng buong bahay. Pero hindi ako pumapayag. Masyado na siyang matanda para gumawa ng mabibigat na gawain. Lumabas ako ng bahay. Ikinandado ko ang gate at sumakay sa aking bike.

Nagtungo ako sa madalas kong pinupuntahan, ang tabing ilog. Pumupunta ako dito para makapag-isip isip. Sa Greenwood River. Pagdating sa tabing ilog ay bumaba ako ng bike at ipinarada ito sa tabi. Umupo ako sa damuhan at dinama ang preskong hangin na tumatama sa aking katawan. Iilan-ilan lang ang tao at ang iba ay dumadaan lang dito kaya hindi ako naiilang at hindi maingay. Damuhan ang paligid dito at may iilang mga puno. May daanang para sa tao din ilang meters mula dito.

Hanggang kailan kaya ako mabubuhay sa mundong 'to? I want to die right now. Wala na akong nakikitang dahilan para mamuhay pa sa mundong 'to. Siguro kung patay na ako ngayon, kahit papa'no ay magiging masaya akong mamuhay sa langit kung dun man ako mapupunta.

Hindi ko na maalala kung kailan ako huling naging masaya.

I closed my eyes. Hinayaan ko ang hangin na tangayin ang aking buhok. Ibinahagi ko ang aking mga braso na animo'y niyayakap ang hangin. Nang may narinig akong kaluskos mula sa aking tabi kaya napadilat ako.

Nang napatingin ako sa aking gilid ay wala na ang bisikleta ko. Namilog ang aking mga mata. Napatayo ako at tumingin sa paligid. Dumapo ang tingin ko sa isang lalaking nakasakay sa bisikleta ko. A thief!

Nagmadali akong tumakbo para habulin ang kumuha ng bisikleta ko. I ran as fast as I could. Nang mapansin ng lalaki na hinahabol ko siya ay mas binilisan niya ang pag-pedal. Mas nilakihan ko pa ang mga hakbang ko hanggang sa mahawakan ko ang bike ng mahigpit kaya hindi na niya napaandar ito.

"Kung ako sa'yo, bababa na 'ko ng bike at tatakbo palayo," I told him in a casual tone. Napatingin sakin ang lalaki. Kita ang takot sa kanyang mga mata. Pero itinago niya ito sa isang nakakainis na ngiti.

"Ba't ko naman gagawin 'yon? And who are you to talk to me like that?" he smirked.

"Gagawin mo 'yon kasi ayaw mong mabangasan sa mukha. O baka gusto mo? Sabihin mo lang." Ipinakita ko sa kanya ang kamao ko. Namilog ang mga mata niya at ramdam ko ang kanyang takot. Agad siyang bumaba sa bike at hinarap ako.

"Tsk!" Giit niya habang itinuturo ako gamit ang kanyang daliri at mabilis na tumakbo palayo. Bumalik ako ng bahay at nagpahinga. Kinabukasan, napagpasyahan kong pumasok sa eskwelahan.

Papasok pa lang ako ng classroom ay sumalubong na agad ang lumilipad na whiteboard eraser na ibinato ni Mr. Abuloc. Namumula na naman ang kanyang mukha sa galit at nanginginig ang daliri niya habang nakaturo sakin. He looks so pissed. Para siyang bombang sasabog anumang oras.

"Y-You.... You still have the guts to show yourself here!" Salubong na salubong ang kilay ni Sir habang nanginginig ang daliri na nakaturo pa rin sakin. Pakiramdam ko ay sasabog ang bombang ito kapag sumagot ako ng hindi maganda. At kapag nangyari yun ay mawawalan kami ng guro. So I guess I shouldn't do that.

"Sorry po." Naglakad ako papunta sa aking upuan. I can feel my classmates' eyes looking at me. Pero binalewala ko iyon at naupo sa upuan ko. Napatingin ako kay Sir na nasa unahan at huminga nang malalim. Medyo may katandaan na rin si Sir Abuloc. Siguro ang kanyang edad ay nasa mga middle 40s na.

"Okay. Let's continue," At nagpatuloy na sa pag-discuss na si Sir.

The Living DeadWhere stories live. Discover now