Kabanata 10

172 5 0
                                    

10.

"You deserve that, you poor." Nakita ko si Aileen at ang kanyang mga alipores na binubuhusan ng kape si Airyne. Agad akong napatakbo papunta sa kanilang direksyon. Maraming estudyante ang nanonood sa mistulang teleserye sa kanilang harap.

"Airyne!" Nakita ko ang gulat sa mukha ni Airyne nang makita ako.

"And here comes her bayani, everyone. Nag-eenjoy ba kayo sa little show namin dito?" Humahagikhik na sabi ni Aileen. Umakyat ang galit sa katawan ko nang marinig ito.

"Stop it!" Nanggagalaiti kong sabi. Ikinuyom ko ang aking kamao at pinigilan ang sariling sumugod kay Aileen. These coward people who bully because they can't fight fairly.

"Uy, may matapang na gusto ring mabuhusan ng kape. You're lucky dahil meron pang natirang pangbuhos sa 'yo." Humakbang ng isa si Aileen at akmang ibubuhos sa akin ang natitirang laman ng baso. Napapikit ako at hinintay ang pagdaloy ng kape sa aking ulo. Ngunit ilang segundo na ang nakalipas subalit wala pa ring tumutulong likido sa aking ulo. Iminulat ko ang aking mata at nakita ang isang kamay na pumipigil sa braso ni Aileen. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang tao na hindi ko inaasahang makikita ko ngayon sa aking harap.

"Oh my god... The campus' prince is here. Tara na! Baka kung ano pang mangyari saatin!" Dinig kong bulong ng isang estudyante sa gilid.

"Don't you dare walk out from this place," baritonong wika ni Topher. Mahina lang ito ngunit sapat na upang marinig ng lahat sa gawi namin. Napahinto ang mga babaeng nagtangkang umalis. Ramdam ko ang takot sa mga babaeng nasa gawi namin. Maawtoridad ang pagkakasabi nito kaya kahit sinong makarinig nito ay talagang makakaramdam ng takot. 

Hindi ko inakala na ang lalaking 'to pala ay kinatatakutan sa ewskwelahan na 'to. Minsan lang siya magsalita at madalas pa itong nakasubsob sa lamesa. Hindi rin ito ngumingiti at madalas walang ekspresyon ang kanyang mukha. Hindi ko inakalang ganito pala si Topher.

Nanahimik ang lahat ng estudyante at ni isa ay walang nagtangkang gumalaw mula sa kani-kaniyang p'westo gaya ng sinabi ni Topher kanina. Napapitlag si Aileen nang harapin siya ni Topher. Bakas ang takot sa mukha ni Aileen at tila gusto na nitong tumakbo palayo sa takot.

"S-Sorry," nakatungong banggit ni Aileen. Maging ang mga alipores nito ay hindi makatingi nang diretso sa kanyang mga mata.

"I will remember your faces and report this to the guidance office. Now, leave," matigas na sabi ni Topher. Ang lahat ng estudyante ay wala nang sinayang pang oras at dali-daling naglakad palayo. Nang makaaalis na ang lahat ay napatingin ako kay Topher. Wala pa ring ekspresyon ang mukha nito.

"Don't let that attention seeker do those things to you again," untag ni Topher at tumalikod.

"Topher. Please, 'wag mo munang sasabihin kay Kuya. Ako nang bahala," sambit ni Airyne. Napahinto si Topher at sumulyap rito. Tumitig si Airyne sa kanya nang may nangungusap na mata. Isang tango ang isinagot ni Topher at naglakad na palayo.

Nang mawala si Topher sa aking paningin ay nakakabinging katahimikan ang nanaig sa pagitan namin ni Airyne. Wala ni isa ang nagsasalita saamin.

"I'm just going to wash myself---" Hahakbang na sana ito nang pigilan ko siya.

"Airyne."

"B-bakit?" Iniiwasan niyang magkasalubong ang aming mga tingin. May bahid ng kape sa kanyang blouse at basa rin ang buhok dahil sa ibinuhos na kape ni Aileen. Bagsak at lugmok din ang mukha nito. Kitang-kita ang baba at naaawang tingin niya sa sarili.

"Ano pang ginagawa nila sa 'yo?"

"H-Huh? W-Wala!" she shook her head.

"Don't you dare say lies," mataman kong sabi at napapitlag naman ito. Tila nag-isip muna ito bago muling magsalita.

The Living DeadWhere stories live. Discover now