The SWAGGERS
Jungkook: Tao po
Jungkook: ba't ang tahimik dito
Jungkook: kinain naba kayo nang zombies ? 😭😭😭
seen by stacy.Jungkook: Noona ?
Stacy: hmm?
Jungkook: haay ! Buti naman hindi ka kinain ng mga zombies
Stacy: hahahaxd ano bang pinagsasabi mo jungkook
Jungkook: ahaha boring lang sa room noona
Stacy: wala bang teacher ?
Jungkook: wala po tapos hindi pa nagparamdam sila hyung 😟
Stacy: haha gusto mo ice cream tayo?
Jungkook: seryoso ka noona ?😍
Stacy: oo nga punta ka sa klasrom ko
Stacy: kung ayaw mo, wag nalang 😌
Jungkook: naku noona gusto ko! papunta na ako dyan hintayin moko 👣
Stacy: bilis ! Haha
seen by minyoongi.
Stacy POV
"Noona!" nakahingal na sigaw ni jungkook sa pinto ng klasrom ko.
"Gagawin lahat para sa Ice cream" natawa ako sa sinabi niya. baliw talaga to'
Lumabas na kami ng klasrom at naglakad
Napag isipan kong mag libang muna para mabawasan ng konti yung inis ko kay yoongi. Kapalit-palit ba talaga ako? kaya ako iniwan ng ex ko? tss! Nasaktan talaga ako sa sinabi niya sa totoo lang
Pagkatapos naming bumili sa labas chikaminute lang ang peg.
Sakit ng tyan ko sa katatawa. Kasi naman tong batang to kahit ano-ano ang sinasabi, sinali pa yung na ihi si jin sa pantalon dahil sa nerbyos sa pagsakay ng roller coaster, si namjoon na hiniwalayan ng girlpren dahil nasira niya ang mamahaling bag nito at si hoseok na hindi pinalabas sa zoo dahil napagkamalang kabayo hahaha
"Noona, salamat po" binigyan niya ako na abot tengang ngiti 'kyupta!
"naku walang ano man yun" tinapik ko sya sa likod "sge na pumasok kana ulit"
"hatid na kita noona"
"wag na baka mahuli kapa sa klase mo, sge na" tyaka kumaway na ako
habang naglalakad ako sa hall nakita ko si gilagid kasama si cheska
Oo kilala ko sya dahil naging sikat sya sa school simula ng nagtransfer sya dito. Yes, maganda sya pero di sya sexy noh' payat lang talaga, malaanghel ang mukha pero halata naman na demonyo ugali. Nakita ko nga sya nung isang araw na may binubulling babae sa Cr, timing nandun din ako nag babawas nga lang, kaya hindi ko tuloy natulungan yung babae. Takte talaga tong taeng to! dun pa lumabas kung kailan may nangailangan ng tulong
Hinawakan ni girl ang kamay ni yoongi at ito namang si gilagid ngumingiti lang. Gago! Hindi ko alam kung anong e-rereact ko, magseselos ba ako, dahil may kasamang iba si krass o magseselos ako dahil mas makinis balat niya kesa sakin?
Napansin ako ni yoongi kaya agad akong umiwas ng tingin tyaka umalis.
A/N: medyo corny tong chapter nato sensya 😂
Sorry po sa nga wrong grammar ... Hindi po ako purreee tagaloggg hehehe