no.12

43 1 0
                                    

Stacy POV

Nagising ako na may maingay na kung ano sa side table ng higaan ko.

"Pambihira!" tamad kong sabi sabay turn off ng alarm clock ko.

Ano bang nangyari? Inalarm ko to 6:30am ba't nag ring ng 5am? tss!

Antok na antok pa ako pero hindi na kasi ako makatulog kapag nagising na ako. Lintik na alarm clock!

No choice. Agad akong bumangon sa higaan tyaka pumunta sa harap ng salamin. Kinukusot kusot ko pa mata ko. Naparami ata muta ko.

Kinuha ko yung towel sa cabinet ko at agad na pumunta ng cr.

Pagkatapos ma ligo ay pumunta ako sa tapat ng cabinet ko at binuksan.

Kinuha ko uniform ko at isinuot ko. At tyaka bumaba na ako para kumain.

Nakita ko si manang Nene na nag aayos ng pagkain sa hapag. Bacon at egg ang almusal ko ngayong araw nato.

"Salamat po manang." Ngiti kong sabi kay manang tyaka umupo.

Kami lang ni manang sa bahay nato dahil nasa ibang bansa kasi sila papa at mama. May inimvest daw na bagong project sa company. Hindi ko alam kung anong klaseng project yon. Pumayag naman akong maiwan dito. Total okay lang kasi kay Manang Nene naman nila ako ibinilin. Hindi lang sya basta katulong sa bahay, pamilya narin turi ko sa kanya. Sya ang nag babantay sa akin nung baby pa ako hanggang ngayon. Hindi talaga niya ako iniwan. Kaya napamahal na ako kay manang. Para ko narin syang ina.

"manang, sabay na ho tayo" ngumiti si manang tyaka umupo sa tapat ko.

Masaya lang kaming kumakain ng almusal.

"Manang alis na ho ako." Sabi ko matapos kung kumain.

Kinuha ko ang bag ko na nasa sofa na ni-ready ko kanina.

Paalis na sana ako sabay bukas sa pinto nang biglang nagsalita si manang.

"Iha, cellphone mo." Ay Oo nga pala!

Inabot ni manang ang cellphone ko tapos umalis na ako.

Pagkatapos ng ilang minuto sa pagbyahe, nakarating rin ako sa eskwelahan.

Binilisan ko ang pagpunta sa room ko bago pa ako maunahan ng prof namin.

Pagpasok ko ay nakita ko si taehyung na nasa upuan ko. At binigyan niya ako ng abot tengang ngiti sabay bati sa akin ng magandang araw.

What's up to him?

"Ba't nandyan ka?" takang tanong ko sabay ng pagtaas ng kilay sa kanya.

Nahihiya pa itong magsalita saakin.

"Ah ...ano kasi... Ahm.. Y-yung ... notebook ni yoongi, t-tapos ka na bang h-hiramin?"

Anong pinagsasabi nito?

Tinaasan ko sya nang kilay. "Anong bang hiniram ang pinagsasabi mo? Wala akong hiniram kay gilagid ah? At tyaka never akong naghiram ng kahit ano sa kanya."

Napakamot sya sa kanyang ulo. "Eh, yung notebook na ipinahiram ko sayo, hindi kasi
sa akin yun, kay hyung yun, hiniram ko rin."

ANO!?

"Chi-nat ka niya, hindi ka naman daw sumasagot. Kaya sabi niya kunin ko raw sayo yun ngayon kasi may quiz sila. Patay ako kay hyung kung hindi ko agad to maibigay ng maaga." takot na parang bata ang pagkasabi niya nito.

Nag chat siya?! Gaga ka talaga Stacy! May tampo2x ka pang nalalaman. Yan tuloy, hindi mo na chat si krass.

Bubuksan ko na sana ang bag ko nang biglang napatayo si taehyung sa harap ko na para bang nakakita nang multo.

⚫ Activate | Minyoongi Where stories live. Discover now