No.27

27 2 0
                                    

Jin POV

"Wala na! Graduate na ako."sabi ko na wagayway ang tugang kanina ko pang' bitbit. Sa wakas!

" And tanda mo na hyung." Sabi ni Hoseok na inakbayan ako. Bastos to ah!?

"Puputulin kaya natin yang matulis na baba mo!?" 

Grabe to. Walang galang sa nakatatanda. I mean yeah, ako yung pinakamatanda sa kanila pero isang taon lang naman ang agwat at isa pa hindi naman halata. Sa gwapo kong to heh!

Nagsidatingan naman sila RM at Jimin na nakangising nagsuntokan ng pabiro. Weird

"Saan na yung iba?" sabi ko na nakataas ang kilay kina RM at Jimin na hindi parin tumigil sa laro nila.

"Nasa resto na. Tayo na lang ang hinintay." Sabi ni Jimin. Umalis na kami. Hindi ko na hinintay si Marie dahil uuwi raw kase siya pagkatapos. Mag aayos na siya ng mga damit na dadalhin. Ngayong gabi na kase ang byahe. 

Nang makarating kame ay pumwesto agad kami kung saan nakaupo sina Jungkook, Hoseok at si Yoongi na tahimik lang na umiinom ng kape. Hindi parin ba siya okay?

"Hoy saan yung Tae natin?" Takang tanong ni Jimin.

"Hinatid si Jenny. Nag prepare raw." Sabi ni Jungkook.

"Exshayted mag date-date sa dilim!" Pabirong sabi ni Hoseok na nangangawit sa sakit dahil nakatanggap siya ng apak sa paa galing Kay RM.

Manyak talaga tong kabayong to. 

"So hyung, sayo naman tong plano nato. Anong masayang gawin sa resort?" tanong ni Jimin kay Yoongi na nakatulala sa may bintana habang umiinom ng kape.

Hanggang ngayon di pa talaga namin gets si gilagid kung bakit siya nagkakaganyan. Kase lahat ginawa namin para malaman namin kung ano ba talaga. Naging stalker na, chismoso, may pa dummy account pa para malaman lang talaga kahit jeje na tignan. Dinaig pa ang mga abogado sa kaso. Pero wala eh.

Gabi na'y nilagay na namin ang mga gamit sa sasakyan. Nasa front seat si Yoongi dahil siya na ang magdadrayb. Single kase. Kami naman mga lovebirds nasa likod. Syempre katabi bebe namin.

"Paki abot sa headseat." Sabi ni Marie na nasa tabi ko.

"Ayoko Ko." Nagpout ako sa harapan niya. Tinignan lang niya ako ng walang emosyon. 

"Kiss muna." Pa nguso ko. May gumuhit na isang matamis na ngiti sa mukha niya na nagpapalambot sakin. Weakness ko talaga ngiti niya.

Palapit na ang mukha namin sa isa't-isa. Ramdam ko and bawat hiningang lumalabas sa bibig niya. 

This is it. 

Napapipikit ako na nakanguso sa mga Sandaling iyon. 

"Aw!" Napasigaw ako sa sakit ng bigla may dumamping libro sa labi ko.

"Hoy! Wag mo akong landiin higante ka. Kiss kissin no pwet kaldero nyo." Inis na sabi niya. Snob.

Narinig ko naman and hagikhik ni Hoseok sa likod kaya tinignan ko siya na seryoso. Napatakip ito sa bibig.

"Sweet mo." sarcastic kong sabi sa kanya habang siya ay naka headseat. 

 She's not an easy girl. Ako pa talaga ang parang pusang umaaligid sa kanya para pansinin ako. Di naman marunong lumambing. Kakaeber din to si beb. Palati na lang akong nakakatanggap ng suntok sa kanya. Tapos ang lakas pa talaga. Minsan napa tanong ako kung babae ba talaga to o lalaki na nagpapababae  lang. Hays!

Ilang oras ang nakalipas sa pagbyahe'y nakarating din. 

Ang laki ng resort. Parang nasa Taipei lang nung pumunta kami duon. Ang ganda, bagay na bagay kung may ikakasal. Hmmm' dito ko kaya ipapakasal Bebe ko hihihi.

⚫ Activate | Minyoongi Where stories live. Discover now