no.23

24 0 0
                                    

Stacy POV

Hinila niya bewang ko palapit sa kanya. Mas lalong naging malalalim ang halik namin.

Bawat paglakbay ng labi niya'y naramdaman ko na ang umaapoy na pakiramdam sa katawan ko. Naliliyo ako sa halik niya. Kung kaya't napayakap ako ng mahigpit sa batok niya.

"I'm home honey!!! SURPR--- WHAT THE HELL!??"

Napaatras kami sa isa't-isa at nanlaki ang mata sa gulat ng bumukas ang pinto.

"C-cheska." sabi ni yoongi.

Hindi ako makatayo dahil sa gulat gayon din si gilagid.

"What are you doing bitch!??" Tumakbo siya palapit sa akin at sinabunotan ako. Bumagsak ako ng malakas sa sahig.

"Cheska I can explain." Sabi ni Yoongi pero hindi to pinakinggan ni cheska.

Napahawak ako sa kamay niya na hindi tumgil sa paghila. Naiyak-iyak ako sa sakit.

"C-cheska no!!" Awat ni Yoongi sa kanya pero hindi ito tumigil.

"I was about to surprise you. But I'm the one who are surprise. How dare you!!" Sigaw niya sa galit.

Hinayaan ko siyang kaladkarin niya ako. Hindi ako makapagsalita sapagkat alam kong ako yung mali dito.

"Noon pa eh!!! I don't like you. Inaahas mo boypren ko. You stealer! Hayop ka!!"

Wala akong paki sa pasa na natanggap ko at sa sakit na pinagagawa niya sa akin dahil alam ko ako yung nagkamali. Tinaggap ko ang mga masasakit na salita.

Maling mali ang ginawa ko.

"Landi mong babae ka!!! Ang dumi mo! Ganon ba kakati!? At sa boypren ko pa talaga!!?"

"Cheska!!! Tumigil ka na." Binuhat siya ni gilagid at nilayo saakin. Humagulhol lang ako sa iyak at hindi ko na alam anong gagawin ko.

"Wala siyang kasalanan dito!"

"Ano bang pinagsasabi mo!? Kitang kita na kayo! Bakit mo nagawa sa akin yun!? Dahil ba sa kalandian ng babaeng to!?"

"Stop! You don't know what you are talking about."

"I DON'T KNOW? WHAT THE FUCK! Yoongi I can forgive you. But sa kanya hindi! Inahas ka ng bitch na yan!" Turo niya sakin at pupuntahan ulit sana niya ng hinawakan siya ni gilagid sa pulsuan.

"CHESKA!" Napalakas ang boses niya sa galit. Nanlaki naman ang mata ni cheska sa inasal nito.

Nilapitan niya at hinawakan niya ako para tulongang makatayo pero tinapik ko ang kamay niya.

"Mas kinampihan mo pa siya!?"

"Ako dapat ang sisihin mo dahil ako ang may kasalanan. Hinalikan ko siya. Ako ang humalik sa kanya! Kaya pwede ba tumigil ka na sa pagbabato ng masasakit na salita sa kanya!"

"W-what is wrong with you!? Ano bang ginawa ng babae yan sayo at ba't ka nagkakaganyan!?"

"Mahal ko siya." Napatitig ako sa di inaasahang salita na narinig ko kay Gilagid. Mahal niya ako?

"W-what?" Di kapanipaniwalang narinig ni Cheska. "Ano na lang ang maging reaction ng dad mo kapag nalaman niya to. Ikaw pa naman ang tagapagna niya tapos sinisira mo na reputasyon mo para lang sa--" turo niya saakin. "SA BABAENG YAN!?"

Magsalita na sana si Gilagid pero inunahan ko na siya. "C-cheska it's my fault. I'm sorry." Pag-agaw ko ng salita. Nanginginig na ang boses ko.

Tumakbo ako paalis. Nahihirapan na akong huminga.

Hindi ko na alam saan ako dadalhin ng aking mga paa. Patuloy lang ako sa  paglalakad.

Hindi ko dapat ginawa yun. Ayokong makasira ng relasyon. Dahil saakin nasaktan ko si Cheska.

"Bakit ko ba nagawa yun? Bakit!!!"  That's the stupid thing I've done in my life. Letting my crush kiss me kahit alam kong may girlpren siya. Inis na inis na ako sa sarili ko.

Wala akong magagawa kung di ang umiyak habang patuloy ang pagbagsak ng ulan.

"Stacy!!!" Sigaw ng lalaking nasa likod ko. Hindi ako lumingon at mas binilisan ko ang paglakad.

Please, layuan mo ako.

"Stacyy!" Bigla niya akong hinuli ng yakap sa likod. "Please, kausapin mo ako."

Lalong humahagulhol ako sa iyak. Sumikip lalo ang dibdib ko.

"Bitawan mo ako!" Sinubukan kong kumalas pero mas hinigpitan niya ang pagyakap kaya bigo akong makawala.

"Mahal kita." Nanlambot ang mga paa ko sa linyang binitawan niya.

Mas lalo mo lang akong pinapahirapan.

"Stacy ple--"

"Stop it. This can't be! We can't be together." Pagputol ko. Alam kong nasasaktan din siya.

Don't ruin your life because of me.

"Please, Stacy. Don't leave me."

"Yoongi look, wag mong sirain buhay mo para sa sariling kasayahan mo. Magkaiba mundo natin. Kailangan mong tanggapin na hindi tayo para sa isat-isa. Mahal ka ni Cheska. At mahal din kita. Pero hindi tayo an--."

"Mas lalong masisira buhay ko kung wala ka." Malakas man ang ulan alam kong dumadaloy ang luha sa pisngi niya.

"Yoongi, this is not right. Hindi to tama."

Kumalas siya sa pagyakap at humarap. Tinignan niya ako sa mata. Pilit man niyang ngumiti, bakas sa mga munting mata niya ang sobrang lungkot. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"If loving you is wrong. Then I will choose not to be right." Hinawakan niya ang pingsi ko gamit ang mainit na palad niya.

"I love you Stacy."





Yoongi POV

"You!" Turo ko sa kanya.

"Babe." Maiyak-iyak niyang sambit habang hawak niya kamay ko. Nagtiim parin ang bagang ko sa nalamang siya pala ang dahilan sa nangyaring pagdukot kay Stacy school.

"Ganun ka ba talaga ka insecure sa kanya kaya mo yun nagawa!?" Gusto kong manakit pero hindi pwede. Babae parin siya. I feel so stupid na Hindi ko na namalayang sinasaktan na pala siya nito.

Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Sorry s-sorry. Mahal lang kita." Bigla niya akong hinalikan pero wala akong tugon. Wala akng naramdaman sa halik na niya.

Hinawakan ko kamay niya na nasa pisngi ko. "Hindi yan pagmamahal." Nilayo ko sarili sa kanya. "Tigilan na natin to."




A/N
I'm not good in drama guysue:3 OA talaga chapter na to hahaha

Medyo tipid na ang mga chapters ko. Hehehe basta guys basahin nyo. I hope you enjoy

Sorry sa wrong grammar 😭💔

@jvhnssi

⚫ Activate | Minyoongi Where stories live. Discover now