NAGISING si Natasha sa tunong ng kanyang alarm clock nag-inat muna siya bago pumasok sa banyo at naligo ng makatapos sa pag-aayos ay dali dali siyang bumaba para mag-almusal.
Nasa fourth year high school na silang pareho ng kanyang kakambal na si Nathaniel mula first year ay magkahiwalay na sila ng section nasa special class ito samantalang siya ay sa class A.
"Good morning mom and dad" ang nakangiting bati ni Natasha sa magulang na kumakain ng almusal sabay halik sa mga ito
"Good morning Nat! O halika umupo ka na at mag-almusal" at nilagyan nito ng itlog na sunny side up at hotdog ang kanyang plato.
"Nasan si kuya Nathan mommy?" ang tanong niya sa Ina habang nilalagyan ng butter ang kanyang toasted bread.
"Umalis na kanina pa, kasabay ni Aljon" ang sabi ng kanyang Mommy na hindi tumitingin sa kanya dahil abala ito sa pagsubo.
"Ang aga naman niyang umalis ni hindi man lang ako hinintay, mas gusto pa nitong sumabay sa pangit na Aljon na yon" ang nakasimangot niyang sabi sabay kagat ng mariin sa toasted na kanina lang ay nilalagyan niya ng butter.
"Anak bakit ba pag dating kay Aljon ay galit na galit ka? Mabait naman itong bata" ang tanong ng Daddy niya sa kanya na halos ikabilaok niya imagine mabait daw ang Aljon na yon.
"What Daddy mabait? Si Aljon? Baka naman ang ibig ninyong sabihin ay demonyito, lagi akong inaaway" at lalo pang sumimangot dahil sa narinig na sinabi nito.
"Baka may gusto Lang sayo kaya nag-papapansin Iha, pansinin mo Na lang bagay naman kayo" ang natatawa pang sabi ng Daddy niya kahit noon pa man ay ugali na siyang itukso nito kay Aljon.
"Don't say bad words Daddy" at dali dali siyang uminom at nagdadabog na tumayo dahil nawalan na siya ng ganang kumain.
"Hey Iha you didn't finish your food yet" ang paalala ng Mommy niya sa kanya nang makitang talagang desido na siyang umiskapo sa almusal at kakaunti pa lang ang nababawas sa pagkain niya dahil nakakaisang kagat pa lang siya ng hotdog at toasted bread.
"Im done Mommy mala-late na ako" ang sabi niya saka humalik sa Mommy at Daddy niya at tumalikod na para lumabas sa maluwang nilang kainan.
"See what you've done, alam mo namang allergic yun kay Aljon, sukat na biniro biro mo pa" ang himig paninisi ng Mommy niya sa kanyang ama ng malapi na siyang makalabas ng kainan.
"I just enjoy teasing her, ang cute-cute niya kasing tignan habang nakasimangot" ang narinig niyang sagot ng Daddy niya na halatang tuwang-tuwa.
Pagdating niya sa school ay dali-dali siyang pumunta sa kanilang classroom na kahit nasa malapit na bukana lang ito ng kanilang school ay nag-aalala parin siyang baka ma-late mabuti na lang pagpasok niya ay wala pa ang kanilang English teacher na una nilang subject.
"Natasha dito ka na umupo" ang tawag sa kanya ni Annalyn na siya niyang matalik na kaibigan mula pa noong first year sila.
"Hi mabuti hindi ako na-late" ang Masaya niyang sabi dito na ng makalapit ay humalik sa pisngi nito at sabay upo sa tabi nito na kanyang upuan mula pa nang magbukas ang kanilang klase.
"Wala pa ba si Vera?" at lumingon pa siya sa kanilang classroom para hanapin ang isa pa nilang kaibigan para lang biglang sumimangot dahil nakita niya si aljon na nakangisi sa kanya na kahit abala sa pakikipag usap sa mga kaibigan nito sa likod ng classroom malapit sa banyo ay nakuha pa rin siyang ngisihan.
"Ahh nakakainis talaga" ang nakasimangot niyang sabi kay Annalyn nang mabilis niyang binawi ang tingin sa gawi ng mga ito.
" Bakit naman ang aga-aga nakasimangot ka?" ang sabi ni Vera na nakalapit na pala sa kanilang dalawa ni Annalyn.
BINABASA MO ANG
Be Careful Who You Bully (Book 1)
RandomBAGAMA'T magkaibigan ang mga magulang ni Natasha at Aljon ay kabaliktaran naman nila ang mga ito dahil simula pagka-bata ay para na silang mga aso't pusa basta rin lang magkaharap sila ay siguradong umaatikabong bangayan ang mangyayari. Ngunit sa p...