ARAW ng pasko pero parang wala siyang gana hindi niya maintindihan siguro dahil halos isang linggo na niyang hindi nakikita si Aljon bagamat katabing bahay lang nila ang mga ito ay wala naman sila Aljon nagbakasyon kasi ang buong pamilya ng mga ito sa America para doon magpasko kasama ang iba pang kamag-anak ng mga ito.
"Natasha iha, bakit nakasalumbaba ka diyan" ang tawag pansin sa kanyang Ina hindi man lang niya ito napansing nakalapit na.
"Wala naman po mommy medyo naiinip lang po ako" ang matamlay na sagot niya rito.
"Anak may sakit ka ba? May masakit ba sayo?" ang sunod sunod na tanong ng nagaalala niyang ina at isinalat pa ang kamay nito sa kanyang noo.
"Wala naman po akong sakit mommy pero hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako" Ang naguguluhan niyang ring sagot sa Ina.
"Bakit anak?" ang nagtataka nitong tanong sa kanya
"Hindi ko po alam basta parang may gusto ako na hindi ko maintindihan" ang nakayuko niyang sagot dito dahil Hindi niya talaga maintindihan Kung ano ang nangyayari sa kanya basta ang alam niya lang ay malungkot na malungkot siya.
"Napapansin ko nga Anak mula ng dumating kaya galing sa Mt. Arayat parang lagi kang may hinihintay" Ang sabi nito sa kanya na hinawakan pa ang kanyang buhok at hinimas ito.
"Mommy paano mo nalaman na inlove ka kay daddy?" ang nahihiya niyang tanong dito
"Oh simple lang anak lagi kong namimiss ang daddy mo pag nakikita ko naman siya parang sasabog ang dibdib ko dahil so sobrang excitement at higit sa lahat lagi ko siyang naiisip at parang ayaw kong matapos ang mga sandaling magkasama kami" ang sabi nito na nagniningning ng sobra sobra ang mga mata.
"Oh don't tell me inlove na ang baby ko?" ang sabi nito sa kanya na nanlalaki pa ang mga bilugan nitong mata.
"Naku hindi po Mommy bata pa ako" ang sabi niya sabay pinamulahan ng pisngi dahil sa sinabi ng kanyang ina.
"Nagbablush ka Iha your inlove tell me who's the Lucky Guy huh?" ang patuloy na pangungulit ng kanyang mommy at pilit hinahagilap ang kanyang mga mata na naglilikot.
"Wala talaga Mommy kanino naman ako magkakagusto noh" ang patuloy niyang sabi habang umiiling- iling pa
"Iha I'm your Mother so I know when you're telling the truth and I think right now you're inlove and let me guess its Aljon" ang tudyo nito sa kanya na ikinapadyak ng kanyang mga paa.
"Ang Mommy talaga bakit ko naman magugustuhan ang mukhang tuko na yon" ang namumula niyang sabi sa Ina hindi rin niya maintidihan ang sarili kung bakit namimiss niya ito at habang naguusap sila ng ina ay ito ang kanyang naiisip.
"Ok kung ayaw mo talagang umamin" ang pagsuko nito na may nakangiti ng pagkalapad-lad.
"O siya pasok na at aalis na nyan tayo" ang sabi nito at tinalikuran na siya dahil kailangan na nilang pumunta sa Lolo't Lola niya dahil taon taon sa bahay ng kanyang Lolo sa Father side sila nagpapasko at pag bagong taon naman ay sa kanyang Lolo sa Mother side naman sila.
Bagamat napakasaya ng atmosphere sa buong paligid ng bahay ng kanyang mga Grand parents ay hindi pa rin niya maramdaman ito nakangiti siya pero hindi tumatagos sa kanyang mga mata, kaya ninais na lang niyang pumunta sa may Swing malapit sa Swimming pool napakatahimik doon at payapa nagulat pa siya nang lapitan siya ng Kakambal at iabot sa kanyang ang Cellphone nito.
"Bakit kuya?" ang nagtataka niyang tanong bagamat kinuha na rin niya rito ang cellphone at sinenyasan siya nitong sagutin ang phone bago ito tumalikod.
BINABASA MO ANG
Be Careful Who You Bully (Book 1)
RandomBAGAMA'T magkaibigan ang mga magulang ni Natasha at Aljon ay kabaliktaran naman nila ang mga ito dahil simula pagka-bata ay para na silang mga aso't pusa basta rin lang magkaharap sila ay siguradong umaatikabong bangayan ang mangyayari. Ngunit sa p...