Few days had passed after that day. Actually, after nung araw na may humarang sa akin at inakalang gusto ko siya ay hindi na ako pumuntang Engineering Department. Baka kasi makita pa ako 'nung epal na yun eh. At baka makita ako ni Kurt at maghinala. Nababagot na tuloy ako kakaisip papaano ko makikita si Kurt. Si Kurt kasi yung tipo ng lalaki na hindi lumalabas. Lagi nalang siyang nasa department nila. Pagkatapos nun uuwi na siya sa kanila. Hays. Kung pareho lang sana kami ng department edi sana happy ang lahat, diba? Ang problema, hindi eh. Kaya lalong lumalabo ang chance na makita ko siya. Yun lang naman kasi gusto ko eh. Ang makita lang talaga si Kurt.
"Si Kurt na naman ba iniisip mo?" Nasa 'cafe motto' kami nina Hannah at Zach dahil ito ang pinaka-malapit na cafe sa school.
Malamang sa malamang, naka-busangot na naman ako kaya nagtatanong si Hannah. Si Zach naman, basta pagdating kay Kurt nananahimik na siya. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ayaw niya, hindi naman siya ang jojowain eh. Ako naman eh. Ako.
"Hindi." Sagot ko na ikinatingin nilang dalawa sa akin. Nakaupo sa harap ko si Zach habang katabi ko naman si Hannah. Um-order kaming tatlo ng frappe.
"Eh ba't ang tahimik mo?" tanong bigla ni Zach. Oh diba ginanahan noong nalamang hindi si Kurt iniisip ko. Hindi ko padin kasi sinasabi sa kanila yung nangyari sa akin sa department nila Kurt. Wala naman na sana akong balak sabihin kaso kasi nakakainis isipin na nang dahil sa lalaking yun hindi ko magawang bigyan ng notes si Kurt. Ang tagal ko na siya hindi nabibigyan!!
"Eh paano ba naman," hindi na ako nakatiis at napaayos ako ng upo para makapag-rant na ako sa kanila. "Hindi ko nabigyan si Kurt ng note sa locker niya noong natalo siya. Hindi ko siya na-cheer."
"Oh, akala ko ba hindi si Kurt iniisip mo?" Natatawang tanong ni Hannah. Napailing tuloy ako.
"Hindi nga. Yung lalaking epal na dahilan kung bakit hindi ko nabigyan at hanggang ngayon hindi ko nabibigyan ng note si Kurt ko." saad ko na napapairap pa dahil naalala ko na naman 'yung araw na yun. Ang kapal lang kasi ng mukha 'nun na sabihing "Did I really win your heart?" at talagang todo lapit pa ng mukha. Hindi siya si Kurt para gawin yun sa akin ah!
"Ano? Hindi ko na nagegets eh. Sinong lalaki?"naguguluhang tanong ni Zach. Uminom naman si Hannah ng frappe niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Eh, kasi napunta sa locker niya yung note na dapat para kay Kurt kaya hindi tuloy nabasa ni Kurt yung sulat ko." paliwanag ko na ikinatango naman nilang dalawa.
"Paano ba napunta sa locker nun yung note mo?" tanong ni Hannah.
"Tsaka ba't kasi binibigyan mo pa ng notes yung lalaking yun?" dagdag ni Zach na ikinabusangot ko lang sa kaniya.
"Oh sige na, paano na napunta?" tanong ulit ni Hannah.
"Nailagay ko sa locker niya eh." Nakabusangot ko pading sabi na pareho nilang ikinatawa.
"Kaya naman pala eh! Hindi kasalanan nung lalaki. Tanga ka lang talaga." Tumatawang sabi ni Hannah.
"Buti nga sayo. Ayan napapala ng kakalagay mo ng note sa locker." Pang-aasar pa ni Zach.
"Okay lang naman kasi talaga sana eh. Aalisin ko na nga sana kaso nahuli ako nung may-ari nung locker." pagtatanggol ko sa sarili ko kasi napaka-supportive nilang dalawa.
"Ano namang sabi sayo?" tanong ni Zach na tumigil na sa pagtawa.
"Nagalit ba?" tanong naman ni Hannah.
"Hindi. Ako dapat yung magagalit eh. Nag-assume ba naman at sinabing gusto ko siya." Hindi niya literal na sinabi pero diba ganon nadin yun? At ayun na naman sila na nagtawanan ulit.
BINABASA MO ANG
Let Me Be Your Man
FanfictionKilala si Shana bilang isang kwelang baliw sa kanilang school. Nasa Grade 12 na siya at anim na taon na siyang may lihim na pagtingin kay Kurt, ang halos di makabasag pinggan dahil sa lagi itong walang imik sa mga tao ngunit pagdating sa kaniyang ac...