"Ms. Montecillo!" Napabalikwas ako sa kinauupoan ko nang marinig ko ang matinis na boses ni Ms. Agoncillo. "Natutulog ka na naman!"
Sa haba ba naman ng kwento mo, sa tingin mo mas pipiliin kong makinig kesa matulog? Pwes, mali kayo doon.
"Ma'am, nakikinig ako!" Saad ko nang tuluyan na akong magising. "Sinusubukan ko lang ilang oras tulog ko bago simulan research namin." Palusot ko na ikinatawa naman ng mga kaklase ko. Napailing tuloy sa akin si Ms. Agoncillo.
"Kapag ikaw hindi umattend sa Entrepreneurship Seminar bukas, expect that you'll get a singko grade." Seryosong saad ni Ms. Agoncillo.
"Ma'am naman, nakikinig talaga ako." Bat naman para akong binigyan ng death threat?!
"Tulugan mo nalang din Seminar bukas, Shana!" Sigaw ng isa kong kaklaseng lalaki na ikinatawa ng iba pa.
"Nice idea, Budoy!" Pang-aasar ko pabalik na lalo nilang ikinatawa. Bumusangot tuloy si Jason dahil sa pagtawag ko sa kaniya na Budoy. Napailing naman si Ms. Agoncillo sa amin at inayos na ang mga gamit.
"That's it for today, class." Saad nito at lumabas na ng classroom.
Lumabas nadin agad ako dahil gusto ko na humiga sa kama ko para ituloy ang naudlot kong tulog.
Lumipas na ang isang linggo matapos yung nangyari sa labas ng school. So far, so good. Hindi ko na nakikita si Ax. At hindi nadin nila ako pinagtripan pa mula 'non. Ayun nga lang, I get constant hates from people who admire him. Hindi nawawalan ng hate comments sa locker ko.
"From Troy, now Ax? Omg the audacity."
"Axel doesn't deserve a bitch like you."
"Shana, please wake up. Hindi ka maganda."
"Witch."and so on, and so forth. Nagrereflect lang sa kanila yung mga binibigay nilang notes sa akin. Mygad, nang dahil sa issue na 'yun hindi ko na mapuntahan si Kurt sa building nila para bigyan siya ng notes. Dahil for sure, mas marami akong matatanggap na pangbabash kapag nagpunta ako sa department nila. Napakabitter ng mga tao na akala mo gusto ko talaga si Dylan na yun!
Kararating kong dorm ko at inalis ko agad sapatos ko para makahiga na ng tuluyan sa kama ko. Nang maramdaman ko na ang antok ko ay siya namang dinig ko sa pagtawag ng pangalan ko.
"Shana, are you still awake?" HINDIIIII!!!! PATULUGIN NIYO AKO DAHIL NAPUYAT AKO MANUOD NG KDRAMA KAGABI!!!!
"Hmmm??" tanging nasabi ko dahil palalim na ng palalim yung antok ko.
"I just have a question. I don't know where to start, though." Huh? Sino ba 'tong kausap ko? Nasa room ba ako ni Hannah? Siya ba kausap ko?
"Hmm??" Ramdam ko na nagiging kumportable na ang katawan ko sa kama at pakiramdam ko wala pang isang minuto bagsak na bagsak na talaga katawan ko.
"Uhm... Do you like Dylan?"
"Hmmm..." Nananaginip ba ako? Bat hanggang sa panaginip naririnig ko pangalan ni Dylan?
"Was that a yes? So it's true? You really like him?" Hannah, wala akong panahon para sa mga tanong mo. Hindi ko alam kung may kasunod pa siyang sinabi dahil bumagsak na nang tuluyan ang katawan ko at pahimbing na ng pahimbing ang tulog ko.
Nagising na lamang ako sa hindi matigil na pag-alarm ng phone ko. Nakapikit habang humihikab kong kinuha ang phone ko para tignan ang orasan ko.
"ALAS OTSO NA?!" Napabalikwas ako at tumaas bigla ang dugo ko na tila nagising silang lahat. 7:30 yung start ng seminar namin!
At teka, ibig sabihin ang tagal ng tulog ko kagabi? Ni hindi na ako nakapagdinner. Kaya pala ang dami kong panaginip. Ni hindi ko na sila maalala ngayon basta alam kong madami. Ano ba naman 'to! Imbes na mag-apura ako, inaalala ko pa ano napanaginipan ko kagabi!
BINABASA MO ANG
Let Me Be Your Man
FanficKilala si Shana bilang isang kwelang baliw sa kanilang school. Nasa Grade 12 na siya at anim na taon na siyang may lihim na pagtingin kay Kurt, ang halos di makabasag pinggan dahil sa lagi itong walang imik sa mga tao ngunit pagdating sa kaniyang ac...