Chapter 6 - Every Step You Take

415 18 3
                                    

Ilang araw nadin ang nakalipas matapos ang pangyayari sa cafeteria. Hindi padin nga makapaniwala si Hannah sa ginawa ni Ax. Ni iniisip niya kung bakit sa dinami dami pa ng lalaking maaari kong mapaglagyan ng note ko, bakit kay Ax pa.

"Mabuti naman at napadalaw ka. Nahihirapan ka ba sa school mo? Bakit pumapayat ka?" narinig kong sabi ni mama mula sa kusina. Napagpasiyahan ko kasi na mag-absent ngayong araw para bisitahin si mama. Kagabi pa ako bumyahe at sinorpresa si mama sa biglaang paguwi ko. Wala kasi si Kiana sa dorm at mukhang pati siya ay hindi uuwi kaya umalis nadin muna ako sa dorm. Hindi na ako nakaka-uwi ng madalas dito marahil nadin sa pagiging busy sa school. Nasa dining area ako, nakaupo sa isa sa silya sa aming lamesa at busy na tinatanaw ang kawalan sa may bukas na bintana namin. Ilang araw na ata akong lutang. 

"So, bakit? Bakit siya? Shana, bakit?" nandito kaming tatlo ni Zach sa Café Motto upang magpalipas ng oras matapos ang nangyari sa canteen sa school. Nangunot ang noo ko sa katakahan sa kaniyang reaksyon na medyo natatawa pa. Si Hannah, nagiging OA talaga pagdating sa mga bagong nalalaman.

"Hans, kung maka-react ka diyan parang jinowa ko yung Ax na yun!" natatawa kong sabi sa kaniya habang napapailing pa bago ko ininom ang tubig na binili pa ni Zach sa canteen. Umorder naman sila kanina ng caramel float at donut. Napabuga ng malalim si Hannah na parang hindi makapaniwala sa inasta ko.

"Sha, that's the point! Bakit hindi mo sinabi sa akin na yung lalaking yun pala ang napaglagyan mo ng note mo sa locker? Kung sinabi mo eh sana nasabihan pa kitang umiwas sa kaniya. Shana, that's Ax! The Dylan Axel Antonio!" she said, emphasizing Ax's name. Oh ano ngayon? Hindi ko naman alam na siya pala yung Ax that time eh.

"Ano bang meron sa Ax na yan at ganyan ka maka-react?" tanong din ni Zach. Tinignan ko tuloy si Hannah na parang sinasabing 'Di-Ako-Nagiisang-Di-Siya-Kilala'.

"Exactly my point, Hans. Ano bang meron sa ungas na yun?" Ni hindi nga ako makapaniwala na siya ang topic namin ngayon! Hannah let out a deep sigh again out of frustration.

"Just.. Don't go near him. He's danger to everyone." May inis sa tono ni Hannah nang sabihin niya iyon. Bigla tuloy akong naging interesado sa sinabi niya. Ipinatong ko ang magkabilang kamay ko sa lamesa upang mas makalapit pa kay Hannah.

"Danger?" ulit ni Zach nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Shana, lumayo ka sa lalaking yun." At ayon na nga, may ayaw na naman siyang lalaki para sa akin. Wag kang mag-alala Zach, ayaw ko din yun.

"Paanong danger to everyone, Hannah?" Tanong ko out of curiosity. Alam ko iniisip niya kung sasabihin niya pa ba sa akin dahil sa pagkunot ng noo niya at tinignan ako ng ilang segundo.

"He's not the typical student that we usually see." Sabi niya. "Wala siyang inuurongan, lahat ng gang fight napapasali siya. Isang kilos mo lang na mali para sa kaniya, for sure sasaktan ka na niya. Ang mas nakakainis lang kasi, may mga instances na hindi siya ang nananakit kundi ang mga taong gusto siya o takot na sa kanila mabaling yung inis ni Ax. He can make people hate you!"

Napasandal ako sa kinakaupoan ko dahil sa narinig ko. Sa totoo lang, wala akong masabi kaya isinandal ko nalang. Tinignan ko silang dalawa na hinihintay ang reaction ko. Oh sige, hindi ko na matiis!

"BWAHAHAHAHAHAHA!" Hindi ko na napigilang ilabas. Nagtinginan silang dalawa bago ako tignan muli. Hindi ko na talaga napigilan tawa ko dahil sa sinabi ni Hannah.

"S-Sasaktan? Gang fight? Ahahahaha!" hindi makapaniwalang sabi ko. "Ano ba yan, Hans?! Sa kakapanuod mo ba yan ng mga dramas?! Ano 'to, Meteor Garden? Bad boy image si Ax ganon? Tapos ano? Mahuhulog siya sa akin at mapapabago ko siya? Corny ah! Ahahahahaha!" Sabi ko sa gitna ng pagtawa ko. Kinuha ni Hannah caramel float niya at saka siya sumandal sa kinakaupoan niya.

Let Me Be Your ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon