Prologue

9 4 0
                                        


Aviva's POV

"Apo, gising na. Tanghali na oh." sabi nang pinakamaganda kong lola.

"Eto na po, La." sabi ko.

Tumayo na ako sa kama. Bago ang lahat ay magpapakilala mo na ako. Ako nga pala si Aviva Faye Espinosa, "Aviva" ang tawag ng karamihan sa akin and I am 20 years old.

Simple lang 'tong bahay namin, bunggalo. Taga-probinsya ako and I love music.

Kapag bored ako ay nakikinig lang ako ng music.

Nagmumog at nagsipilyo na ako tsaka ako pumunta sa kusina para makakain na kami ng agahan.

"Good morning, La." maligyang bati ko kay Lola.

"Magandang umaga din sayo, apo." sabi naman niya na may kasamang ngiti sa kanyang labi. Kaya love na love ko si Lola eh palagi siyang nakangiti kagit na may problema siya.

"Wow! Ang sarap naman ng ulam natin, La. Tinapa, favorite ko 'to" masayang sabi ko.

"Syempre naman, apo. Alam kong favorite mo yan apo kaya tinapa ang laging niluluto kong agahan natin." sabi ni Lola. Nilantakan ko na yung tinapa. Ang sarap eh.

"Kaya love na love po kita eh." sabi ko habang kumakain ako.

Nakalimutan kong ipakilala sa inyo 'tong pinakamaganda, pinakamabait, pinakamasipag at mapagmahal kong Lola, si Lola Teresita Espinosa and "Ising" for short. 70 years old na siya.

Di ba ang ganda ng pangalan ng Lola ko noh.

"Apo, kailan pala punta mo sa Maynila?" tanong niya kaya napahinto ako sa pagkain.

Pupunta pala ako sa Maynila para magtrabaho. Alangan namang si Lola pa ang magtrabaho, matanda na siya at dapat ako naman ang mag-alaga at magtrabaho para sa kanya.

"Sa susunod na linggo pa po, La." sagot ko sa kanya.

"Mag-iingat ka dun ah. Wala ako dun para tignan ka. Kapag inapi ka ng amo mo eh umuwi ka agad ah." dagdag pa ni Lola.

"Opo, La. Huwag ka pong mag-alala, mabait po yung magiging amo ko." sabi ko sa kanya.

"Basta 'pag sinaktan ka nila eh umuwi ka agad ah. Pwede namang dito ka na lang sa probinsya magtrabaho eh. Para naman hindi tayo magkakalayo." sabi pa ni Lola.

"La, mas mataas ang sweldo sa Maynila. Huwag ka pong mag-alala, kayang-kaya ko po yun." masayang sabi ko pero ang totoo niyan ay nalulungkot ako dahil mawawalay ako sa Lola ko. Nandyan naman si Aling Rose para tignan si Lola. Mabait si Aling Rose.

"Sige! Sige! Makulet ka eh. Basta mag-ingat ka dun ah."

"Opo, La." tipid kong sagot sa kanya.
"Huwag ka pong mag-alala, La. Sa susunod na linggo pa lang ang alis ko." dagdag ko pa.

"Sige! Kain ka lang, apo." sabi niya tapos ayun itinuloy ko ng kumain.

"Sige, apo. Pupunta lang ako sa bahay nila Rose." pagpapaalam niya sa akin.

"Sige po, La. Mag-iingat po kayo."

Lumabas na ng bahay si Lola at pumunta na siya sa bahay ni Aling Rose.

Tapos na akong kumain at hinugasan ko na yung pinagkainan ko.

After that ay kinuha ko na yung cellphone ko tsaka yung headphone ko, pumunta na ako sa kwarto ko tsaka humiga sa kama at nakinig na ako sa music. Ito ang ginagawa ko kapag bored ako. Stress reliever na din. .

--------------

Hi guys! Second story ko po ito. Follow me and vote niyo na rin po ito kung nagustuhan niyo. Thanks you and I love you all!

Ms. Music LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon