Chapter 1: New Clothes

5 4 0
                                    

Aviva's POV

Good morning everyone! Ang sarap ng tulog ko, ang ganda kasi ng panaginip ko.

Napanaginipan ko na nagpakasal daw ako sa isang binatang gwapo, mabait tsaka mayaman.

Pero okay lang sa akin kahit na hindi mayaman yung mapapakasalan ko. Hindi naman ako choosy noh. Ang tipo ko sa isang lalake ay yung mabait, masipag at tsaka mahal ako. Yun lang.

"Apo! Bumangon ka na diyan at pupunta pa tayo sa palengke." sigaw ng Lola kong napakaganda.

"Opo, La. Teka lang po, magmumumog lang ako." sabi ko.

Tumayo na ako tsaka ako nagmumog at nagsipilyo. Tapos kumain na rin ako ng agahan. As usual, tinapa na naman ang ulam namin at may prinitong itlog pa na may kasamang kamatis. Wow! Ang sarap naman.

Kumain na ako at may pupuntahan pa kasi kami.

"Tara na, La!" pag-aya ko kay Lola. Tapos na kasi akong kumain at hinugasan ko na rin yung pinagkainan ko. Ang bait ko noh.

"Tara na!" sabi ni Lola Ising ko.

Nilock na namin yung bahay at tsaka kami naghintay ng tricycle na masasakyan papunta sa palengke.

Ilang saglit pa'y nakasakay na rin kami sa tricycle.

"La, ano po pala ang gagawin natin sa palengke?" tanong ko habang umaandar 'tong tricycle.

"Ano yun? Hindi ko marinig." sabi niya. Ang ingay kasi ng mga tricycle.

"Ano po ang gagawin natin sa palengke?" tanong ko ulit sa kanya.

"May bibilhin lang ako." sagot niya. Napatango na lang ako.

Finally, nakarating na din kami sa palengke. Ako na ang nagbayad ng pamasahe namin.

Ang unang pinuntahan namin ay sa bilihan ng mga damit. Wala na bang damit 'tong Lola ko?

Kumuha ng isang damit si Lola Ising tsaka niya ito ipinasukat sa akin.

"Apo, isukat mo nga 'to." sabi niya sa akin.

"La, marami naman akong damit sa bahay eh. Ayaw ko pong gagastos kayo dahil lang sa akin. Itago niyo na lang po yan at mas kailangan niyo po yan." sabi ko.

"Apo, dapat may bago kang damit na isusuot doon sa Maynila. Puro luma na yung mga damit mo."

"La, wala namang kaso sa akin kung luma o bago man yung mga damit na isusuot ko sa Maynila. Okay lang kahit luma atleast komportable po ako." sabi ko.

"Apo, pagbigyan mo na ako. Ngayon lang ulit tayo bibili ng damit mo."

"Pero, La."

"Sige na, apo." pagmamakaawa niya.

"Sige na nga po. Mapilit kayo eh."  sabi ko tapos nakangiti na si Lola.

"Isukat mo nga 'to, apo." sabi niya tapos ibinigay niya sa akin yung white na t-shirt na may tatak na letter A. Millenial 'tong si Lola.

Pumunta ako sa salamin tapos isinuot ko yung damit. Wow! Kasyang-kasya.

"Bagay po ba, La." tanong ko kay Lola habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin.

"Bagay na bagay sayo, apo." sagot naman ni Lola.

Kumuha din ng dress, short at pantalon si Lola tapos ipinasukat niya sa akin. Kasya lahat ng yun sa akin at nagulat ako dahil binili ni Lola lahat ng isinukat ko. Wow ah! Ang yaman ni Lola ngayon ah. Akala mo naman may trabaho siya. Joke! Pensyonada kasi siya.

"Thank you, La." ang tanging nasabi ko bago kami umuwi sa bahay.

"Welcome, apo." sagot naman niya.

Ms. Music LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon