Aviva's POV
Hi guys! Musta? Long time no see. Charoot!
Nandito ako ngayon sa kubo namin, malapit lang sa bahay. Tumatambay na naman ako. Ang init kasi ng panahon kaya kailangan kong magpahangin. Oo nga pala! Malapit lang ang dagat sa amin.
Kapag wala akong ginagawa eh sumasama ako sa kapitbahay namin para mangisda at para magkaroon kami ng ulam at kung minsan nama'y ibinebenta ko naman 'to.
"Oh! Mukhang mag-isa ang bestfriend ko ah." sabi ng pinakamabait at mapagmahal kong kaibigan.
"Ang init kasi eh kaya napagpasyahan ko na magpahangin dito." sagot ko.
"Tinawag mo sana ako para naman may kasama ka dito." sabi pa niya.
Siya nga pala si Ashton Claude Alferez, boy bestfriend ko siya. Siya ay medyo payat pero huwag kayo dahil may abs siya. Maputi siya tsaka mayaman din sila, sila ang isa sa pinakamayamang pamilya dito sa amin. Hindi lang siya mayaman, siya ay mabait, masipag, caring, maaasahan at tsaka mapagmahal na kaibigan. 21 years old na po siya.
Hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya, para ko na rin siyang kapatid. Wala kasi akong kapatid eh, ang agang namatay ng mga parents ko. Isang taon pa lang ako noon nung namatay sila. Di ba ang bata ko pa noon, hindi ko man lang sila nakita. Nasagasaan daw sila kaya sila namatay. Hindi nila alam kong isinadya o aksidente lang yun.
"Hoy! Ang lalim na ng iniisip mo." sabi niya.
"Wala 'to."
"Talaga?" tanong pa niya.
"Oo nga. Ang kulit mo din noh." sabi ko sa kanya.
"Okay!" tipid niyang sabi.
"Balita ko pupunta ka raw sa Maynila." sabi pa niya. Chismoso talaga 'to."Oo! Nakalimutan kong sabihin sayo."
"Okay lang. Anong gagawin mo sa Maynila?"
"Doon na ako magtatrabaho." sabi ko.
"Bakit? Dahil ba mas malaki ang sahod dun?" tanong niya.
"Oo." simple kong sagot sa kanya.
"Edi maiiwang mag-isa si Lola Ising. Wala siyang kasama, matanda na siya oh." sabi pa niya.
"Nandiyan naman si Aling Rose eh. Ayaw kong siya ang magtrabaho para sa kakainin namin. Kailangang ako naman ang magtrabaho para sa kanya. Matanda na siya at dapat ako na ang magtatrabaho para sa mga gastusin namin. Kailangan ko ring suklian yung mga naitulong niya sa akin kasi siya na ang tumayong nanay at tatay ko." sagot ko sa kanya.
"Okay! Balakadyan!" galit niyang sabi sabay walk-out. Galit agad? Dahil lang dun?! Mga lalake nga naman. Balakadyan!
Tumambay pa rin ako saglit sa kubo namin, inaantok na ako kaya naisipan kong iidlip mo na ako saglit.
Claude's POV
Iiwan na ako ng bestfriend ko este crush pala. Oo! Tama kayo. May feelings na ako sa bestfriend kong si Aviva. Hindi niya alam na may gusto ako sa kanya, ang alam niya ay kaibigan lang ang turing ko sa kanya.
Ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Simple lang siyang babae.
Hindi tulad ng ibang babae na puro pagpapaganda lang ang ginagawa.
Nagtatampo ako sa kanya dahil iiwan niya na ako. Paano kung may magkagusto sa kanya sa Maynila? Paano na ako?
Paano kaya kung umamin na ako sa kanya na gusto ko siya? Aalis pa kaya siya?
I love her very much!
--------------
OMG! May nagkakagusto na sa bida nating si Aviva. Ang haba ng hair ni Aviva. Super swerte naman ni Aviva dahil may nagkakagusto sa kanya na tulad ni Claude.
BINABASA MO ANG
Ms. Music Lover
Historia CortaIto'y kwento ng isang dalagang mahilig makinig ng music. Siya ay may sariling mundo kapag nakikinig siya ng musics. Para sa akin siya ay matapang at matibay dahil kaya niyang lagpasan lahat ng mga problemang kinakaharap niya. Siya ay ulilang lubos...