Alyssa's POV
Friday
Meron palang dating youtube channel itong si Caiden, ang channel name nito ay "Happy Kid's Toy Review" ang cute niya dito siguro mga 5 years old palang siya dito, nagbubukas siya ng mga laruan, ang cute niya dati pero ngayon pogi na.
Kanina ko pa naririnig ang usapan nila Lola at Lolo. May darating raw na bisita bukas.
Sino kaya yun?
Kaya tinanong ko sina lolo't Lola kung sino ang darating na bisita pero hindi matinong sagot ang sinasabi nila sa akin kaya hindi nalang ako nagtanong ulit.
Imposible namang si mama yun.
4 years old palang ako ng iniwan niya ako kina lolo't lola, sabi niya may bibilhin lang siya sa palengke pero hindi na siya bumalik.
Para akong tanga na tanong ng tanong kay lola kung kailan babalik si mama pero ang lagi niyang sagot "Malapit na yon."
Ano siya naligaw? Hindi naman siya bata para maligaw.
Kaya ang sama ng loob ko kay mama, hindi man lang siya nagsabi ng rason para iwan ako. Siguro may iba na siyang pamilya, ewan ko basta ganoon ang nasa isip ko.
Uhmmm..?
Siguro si tita Amy ang darating na bisita bukas.
"Kain na apo!" sabi ni lola.
"Sige po papunta na po!" sabi ko naman.
Kaya bumaba na ako sa kama ko para kumain ng umagahan.
Ang ulam namin ay itong imported na meatloaf. Palagi nga akong natataka kung saan nakuha nila lolo't lola ang imported na meatloaf, cornbeaf at mga sabon, pero baka bigay yun ng mga tita ko na pumunta sa America.
Pero ang tagal namang maubos?
Pero baka naman maraming lang silang naibigay kay lola kaya hindi pa nauubos.
Kung sa financial problem naman wala namang problema sina Lolo diyan siguro sapat na ang pension na binibigay ng gobyerno sa kanila dahil naibibigay naman nila lolo't lola ang mga kailangan ko sa eskwelahan pero para makatulong naman ako kahit konti sa kanila nag aral ako ng mabuti para hindi mawala ang pagiging scholar ko.
Nagulat ako ng maitanong ni lola kung galit pa raw ako kay mama.
"Bakit niyo po naitanong?" sabi ko naman
"Wala lang apo." sagot naman sa akin ni lola
Masama parin ang loob ko kay mama, sobrang sama.
Dati naiingit ako sa mga kaklase kong may nanay kasi pag may pinapapuntang nanay para sa activity sa school lagi akong walang nanay kaya teacher lagi ang kasama ko.
Yung mga panahon na kailangan ko ang gabay ng aking ina, walang nandyan para sa akin.
pero ang naging sagot "di naman po ako galit sa mama ko"
Ano bayan!? nangingilid ang luha ko, kaya pinusan ko ito agad.
Tama na nga ang drama, papasok pa ako ng maaga.
Pagkatapos kong kumain, pumunta na ako sa banyo para maligo, pagkapos ko namang maligo, nagsuot ako ng damit at hinada na ang mga gamit na kailangan ko sa school. Pagkatapos non nag paalam na ako kina lola't lola para pumasok sa school.
Sumakay ako sa jeep at nagbayad.
Makalipas ang 8 minuto, malapit na ako sa bababaan ko pero hindi pa ako sinusuklian ni manong driver, 100 pesos pa naman yung binayad ko wala kasi akong barya, yung sukli pa naman yung baon ko sa school kaya sinabihan ko si manong driver pero mukha pa naman siyang bata kaya kuyang driver palang siya.
"Kuya yung sukli ko po sa 100?"
"Hindi ka pa nga nagbayad eh!" sagot ni kuyang driver.
"Anong hindi nag bayad?! Nag bayad na ako isang daan pa yung binayad ko eh!" pasigaw kong sagot sa kanya.
"De joke lang binibiro lang kita." sabi ni kuya
sabay bigay ng sukli.
"Hindi nakakatawang biro ha!" sagot ko naman.
Nang makarating na ako sa pupuntahan ko, padabog akong bumaba sa jeep.
Nakakabwisit tong si kuya!
Pumunta agad ako sa tambayan namin ni Kaira, sa canteen, kahit di kami kakain, doon ang aming meeting place.
Napansin ata ni Kaira na mukha akong naiinis.
"Oh! ano? mukha ka atang inis na inis?" pagtatanong ni Kaira
"Hay nako! si kuyang driver kasi akala ko hindi na niya ibibigay yung sukli ko!" sagot ko naman
Tumawa lang siya. Hmp!
Pero naalala ko yung ikukuwento ko kay Kaira kaya bigla akong napangiti.
"Hoy! Bat na pangiti ka dyan?! nababaliw ka na ata ah" pagtataka ni Kaira
"Sino ba naman ang hindi mapapangiti kung finallow ka ni Caiden!" pagyayabang ko sa kanya
"Caiden as in CAIDEN MILLER??!!" pagtatanong nanaman niya
"Oo siya nga! Sino pa ba?" irritang sagot ko sa kanya
Sabay tili naman itong si Kaira
Nagtinginan naman ang mga tao kay Kaira.
Nakakahiya!
"Oh bat parang hindi ka naman masaya?" tanong ni Kaira
"Masaya ako pero hindi makapal mukha ko para tumili ako sa saya." sagot ko
"Grabe ka naman! pumunta na nga tayo sa klase natin." pag aalok ni Kaira
Hindi kami mag kaklase ni Kaira, iba course namin, si Kaira ay Tourism student, ako naman ay Mascom, gusto ko kasing maging reporter, maghatid ng balita sa mga tao. Kaya yun ang pinili ko.
BINABASA MO ANG
Every Fangirls Dream
Teen FictionHe's Handsome, funny and he's Popular. In love na ata ako sa kanya kaso malayo kami sa isa't isa, ni hindi niya nga alam nanageexist ako sa mundo eh, kasi ang tingin lang niya sa akin ay isang fangirl, isa sa fans niyang baliw na baliw sakanya, at i...