Alyssa's POV
Saturday
Sabi ni lola maglinis daw ako ng bahay kasi nga may darating na bisita ngayon kaya agad akong kumilos para maglinis pagtapos non sakto namang nagpost tong si Caiden ng bagong video nakakawala talaga ng pagod kapag pinapanood ko si Caiden hays.
"Ayan na siya" sabi ni lola
Baka nandyan na yung bisita kaya pumunta agad ako sa sala para makita kung sino yung bimisita malay mo may pasalubong diba, yun lang naman ang hinihintay ko kapag may dumadating na bisita eh.
Pero hindi bisita ang nakita ko bwisita pala.
Nakita ko yung nanay ko sa may pintuan. Masayang-masaya siya nung nakita ako pero kabalitaran ang nararamdaman ko sa kanya.
Dali-dali akong bumalik sa kwarto ko sa sobrang pagkadismaya akala ko magiging maganda ang araw na ito pero naging panget pala.
Humagulgol ako sa sobrang lungkot.
Bakit pa ba siya bumalik?? okay na yung buhay ko tas babalik siya ulit tas ano hihingi siya ng tawad tas pagnapalapit ako sa kanya iiwan niya ulit ako. WALANG HIYA!!!!
Madaming beses ko kinailangan ng ina upang gumabay sa akin, oo sabihin natin na nandyan sina lolo at lola pero iba parin talaga kapag meron kang ina na nagmamahal sa iyo.
Hindi ko matanggap ang pag iwan niya sa akin at hindi ko siya mapapatawad dahil doon.
BINABASA MO ANG
Every Fangirls Dream
Teen FictionHe's Handsome, funny and he's Popular. In love na ata ako sa kanya kaso malayo kami sa isa't isa, ni hindi niya nga alam nanageexist ako sa mundo eh, kasi ang tingin lang niya sa akin ay isang fangirl, isa sa fans niyang baliw na baliw sakanya, at i...