Alyssa's POV
Hello I'm Alisandra Mae Buenavista Asolasion but you can call me Alyssa for short, mas prefer ko yun, kesa yung Alisandra, kasi ang nagbigay lang naman sa akin ng pangalan ko na yun eh yung pabaya kong ina, pero huwag namuna nating pagusapan ang mga bagay na yan.
By the way, I'm 18 years old at nagaaral sa College of Saint Bernard Academy.
pak oh yayamanin!
scholar ako sa school na yon, gumagawa ako ang paraan para hindi mahirapan sina Lola Teresita at Lolo Mike Buenavista sa pagpapaaral sa akin.
Ang tatay ko kasi ay sumikabilang buhay na, namatay siya sa lung kanser mahilig kasi siyang manigarilyo pag may problema, eh ang problema araw-araw siyang may problema kaya ayan na dedu na.
And yes I'm a fangirl of Caiden Miller! Isa sa tanyag na youtuber with over 70 million subscribers.
Dati pa ako naka subscribe sa kanya siguro noong may 100k subscribers palang siya pero tignan mo naman ngayon di ako alam na magiging famous siya ng ganto, and well may nakakatandang kapatid rin siya na si Geronimo Miller, well crush ko rin naman siya pero mas malaki ang paghanga ko sa kapatid niya at akalain mo lumalaban itong kapatid niya with 60 million subs na.
Kung ako obsessed fan ni Caiden itong bespren ko na si Kaira inlove na inlove naman kay Geronimo.
Nagkakilala kami ng bespren ko dahil sa pagiging fangirl, nakilala ko siya sa instagram na may sariling fan page kay Geronimo at samantalang ako naman may fan page din para kay Caiden.
And what a small world nalaman ko na same rin pala kami ng school so we hangout a lot.
===***===
This One Saturday Night.
Bago ako matulog lagi akong nagbibinge watching ako ng mga videos ni Caiden, aba'y pinupuyat ata ako eh! pero ok lang yan luv ko sya eh (luv ka ba?)At bago ako matulog nag popost ako ng mga pictures ni Caiden sa Instagram fan page ko usually mga screenshot ng mukha niya sa mga videos niya minsan rin naman nag eedit ako, wala lang nakakatawa lang, at wait lang...
wait what? nilike niya ba yung isa kong post? OMYGAS! merong pang comment niya, ilabas ang beer at tayo'y magsaya!
De joke lang first time niyang ni like ang post ko at nag comment pa! Ang comment niya ay
"This is hilarious 😂"
kasi pinost ko yung nakakatawang pic niya, sakto kasi na pag ka pause ko ng vid niya nakakatawa yung hitsura niya doon hahahaha. Ang bilis ng tibok ng puso ko at legit niya itong account grabe sa sobrang kilig ko na pasigaw ako at parang nagising ko ata sina lola.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto sa kwarto ko, si lola pala iyon.
"Naku naman kala ko kung ano na ng yari sayo apo!" sabi ni lola
Ito talagang si lola masyadong nerbyosa.
"Di wala lang la nilike lang naman ni Caiden itong post ko *sabay sigaw ulit*"sabi ko sa kanya
Nagulat ako ng pinitik ni lola yung tenga ko.
"Naku! tigilan mo nga yang kahibangan mo kay Caiden-Caiden na yan, sumigaw ka pa ulit di lang yan ang aabutin mo sa akin!" sabi ni lola.
Hindi naman po siniseryoso ni Lola yung mga sinasabi niya kaya huwag niyo po siya isumbong na child abuse ha?!
"Aray naman la! Sorry po" sabi ko naman.
at umalis na si lola para matulog ulit.
Pagkatapos non tumunog ang phone ko, may notification ata pagkatingin ko sa cp ko.
Caiden just followed you.
OMAYGAS! Unbelievable! Baka kukunin na ako ni Lord! Abot langit ang ngiti sa aking labi, ayoko namang sumigaw kasi baka magising ko nanaman sina Lola at Lolo.
Hindi talaga ako makapaniwala na mapapansin ako ni Caiden, bilang isang tagahanga niya, ito na ata ang pinakamasayang gabi ko. WOHOO!
BINABASA MO ANG
Every Fangirls Dream
Teen FictionHe's Handsome, funny and he's Popular. In love na ata ako sa kanya kaso malayo kami sa isa't isa, ni hindi niya nga alam nanageexist ako sa mundo eh, kasi ang tingin lang niya sa akin ay isang fangirl, isa sa fans niyang baliw na baliw sakanya, at i...