chapter 4 Saved by you

134K 2.8K 22
                                    




Habang nagkakape si Carol at Gavin, hindi maiwasan ni Carol ang kiligin. Sobrang gwapo kasi nito at napaka-Gentleman pa! Pinaghila pa siya nito ng upuan kanina

"B..Boss" Pukaw niya sa atensyon ni Gavin.. Tahimik lang kasi ito kanina pa

"Hmm?" Tanong nito habang umiinom ng Dark Hot Chocolate, Ayaw kasi nito ng kape gusto nito chocolate lang ang inumin.

Tuwing umaga pinagtitimpla niya ito ng Chocolate coffee.. Siguro Mahilig ito sa chocolate

"Bakit po ang tahimik niyo palagi?"

"Tahimik ba ako?" Napangiti ito ng konting konti

parang gusto naman mapangiti ng todo ni Carol dahil napangiti niya ito.

"Opo Boss. Palagi kang tahimik.. Dapat enjoy enjoy din po pag may time" Sabi niya habang nakangiti

"I'm not aware of that.. Baka ganito lang talaga ako" kibit balikat nito

"Ganon ba boss?" Napa-isip naman si Carol baka nga personality lang talaga ni Gavin ang pagiging tahimik

"yeah" tipid itong ngumiti sakanya

"Sabagay mas okay na yung tahimik kaysa kasing daldal ko.."

"You're right" napangiti ito sa sinabi niya

She blushed..

He smiled?!

"Boss may joke ako for you para naman hindi ka mabored"

Uminom muna ito ng Dark Hot Chocolate bago ito sumagot

"Okay"

"Knock knock! Fries!" Todo ngiting tanong ni Carol

Napatitig naman si Gavin sa ngiti ng kanyang secretary. He will admit panget ito dahil sa pananamit at pagmakeup nito. But he still noticed na may itsura ito kung magbubura ito ng makeup.. Lalo na napakaganda ng ngiti nito

Lumunok si Gavin upang alisin ang pagkakainteres niya sa ngiti ni Carol dahil ayaw niyang mawalan ng isang mahusay na sekretaya

"Fries who?" Pakikisakay ni Gavin sa tanong ni Carol

"On the wings of Loveeee, Up in above the clouds the only way to friesssss" Humagikgik pa si Carol habang kumakanta

Iniwas ni Gavin mapatingin sa paraan ng pagtawa ni Carol.. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dahil nagagandahan siya sa ngiti nito!

damn

Ngumiti nalang siya ng tipid sa Joke nito

"Let's go.. It's getting Late" Inaya na niya umuwi si Carol. Sa tingin niya dapat niyang iwasan ang mapalapit dito dahil mukhang nagugustuhan niya ang pag ngiti nito

Napansin naman ni Carol na mukhang hindi nagustuhan ni Gavin ang Jokes niya kaya tumahimik nalang siya at sumunod dito sa paglabas ng coffee shop

Paglabas nila ng coffee shop may isang babaeng sexy matangkad at maganda ang biglang yumakap kay Gavin

"Gavin! I missed you!" Todo yakap nito kay Gavin

"A..Aliah? Stop it" Mukhang hindi naman nagustuhan ni Gavin ang pagyakap ng babae dito kaya umusok lalo ang ilong ni Carol

grrrrr! Kung makayakap wagas?!

"Hoy! Haliparot na babae! Bitawan mo yang boyfriend ko kung ayaw mong kulamin kita!" Nilapitan ni Carol si Aliah at mukha naman itong nagulat sakanyang itsura

"Who are you?!" Napabitaw ito sa pagkakayakap kay Gavin

"Hindi mo ba ako narinig ha? Kukulamin talaga kita! Ako ang--"

"She's my girlfriend" Pinipigilan mapangiti ni Gavin dahil sa sinabi ni Carol na kukulamin nito si Aliah mukha kasing totoo ang sinabi nito. lalo na makapal ang makeup nito.

"Girlfriend?! This witch?!" Napaatras naman si Aliah dahil mukha itong natatakot sakanya

"Oo kaya makaka-alis ka na wag na wag mo ng lalapitan yung boyfriend ko kung hindi kukulamin talaga kita!" Tinakot niya ito at nagkunwaring lapitan ito.. Atras naman ito ng atras

effective? haha naniniwala siyang mangkukulam ako?!

"Fine! Mag-sama kayo! May araw ka din sakin! panget na mangkukulam!" tumakbo na ito palayo sakanila ni Gavin

"That's nice.." Napalingon naman si Carol kay Gavin

"Haha Natakot siya sakin Boss.. Nakita mo ba yung mukha niya? Akala niya siguro mangkukulam talaga ako no?"

"Maybe" Pinipigilan padin ni Gavin ang mapatawa dahil sa ginawa ni Carol

"Hahaha. Sa ganda kong ito? Napagkamalan niya pa akong mangkukulam?"

Napatingin naman si Gavin sa sinabi niya

"I..I mean siyempre boss nagagandahan ako sa sarili ko.. Kayo kayo lang naman hindi" Palusot ni Carol sa sinabi niya

"beauty is in the eye of the beholder" Mahina nitong sabi ngunit hindi narinig ni Carol

"Po?"

"Nothing.. Tara uwi na tayo maaga pa tayo bukas" Nauna na ito lumakad papunta sa kotse nito

"Bye boss" bulong nalang ni Carol sa kanyang sarili at lumiko na siya sa kabilang daan. Mag jejeep siya pauwi

"Hey? Carol!" Tawag ni Gavin sakanya sa di kalayuan nakatayo ito sa harap ng kotse nito

"Po?" Sigaw niya baka may nakalimutan ito. Lumapit ito sa kinakatayuan niya

"Hatid na kita" hinawakan nito ang kanyang kamay kaya hindi na siya naka-angal

"Boss malapit lang naman ang bahay ko kaya mag jejeep nalang po ako" Sabi niya Bago siya sumakay ng kotse nito

"I insist" Pinagbuksan siya nito ng kotse

"Boss Gavin nakakhiya naman po"

"Get in"

Nagmadali naman agad siyang sumakay dahil sa seryosong boses nito baka magalit pa ito kung magmamatigas siya

"Saan  ka nakatira?" Tanong nito habang iniistart ang kotse.

"Sa Felix Street po, Malapit sa Golden bee bakeshop"

"Okay"

Habang nagmamaneho ito patingin tingin naman si Carol dito.. Grabe ang gwapo talaga ng boss niya

Paglingon ni Carol sa salamin ng kotse muntik pa siyang magulat sa itsura niya..

Oo nga pala panget ako paano niya ako magugustuhan?

Napatitig siya sa kanyang kilay.. Bukas babawasan niya ito ng konti dahil ang Taba ng Linta sa kilay niya. Square na Square pa

"Bakit nakasimangot ka?" Nagulat sa tanong ni Gavin si Carol habang nag sasalamin siya

Inayos niya yung salamin niya

"Ang Panget ko kasi"

Napangiti lang ito ng tipid sa sinabi niya

"Buti po hindi ka nahihiyang kasama ako kanina?" Tanong niya dito

"Why should i?"

"Dahil panget ako.. Madaming tao ang pwedeng mag isip na may kadate kang panget"

"Nevermind what other people might think.. Lagi mong tandaan na hindi mo dapat iniisip ang sasabihin ng ibang tao ang mahalaga naman wala kang ginagawang masama, Yes you are Ugly but also cute" Napangiti pa ito habang nagmamaneho

Parang umurong naman ang dila ni Carol sa sinabi ni Gavin.. Siya Cute????

Oh my God.. Bakit ang bait niya

"T..Thank you boss.." Napayuko siya upang pagtakpan ang kanyang mapulang pisngi

"M..Malapit na ba tayo sa bahay niyo?" Narealize naman ni Gavin ang kanyang sinabi at parang gusto niyang batukan ang kanyang sarili

"O..Opo boss yun pong kulang purple na bahay"

"That one?"

"Opo Boss"

Itinabi nito sa purple na bahay ang kotse nito

"This house is Mrs.Guada's house.. Magkamag-anak kayo?" Nakakunot nuong tanong nito

Napalunok naman si Carol sa tanong nito.

Nakuuuu pooo Yareeee!!! Nakalimutan ko!

"B..Boss wag ka sana magagalit.. Si Tita guada po kaibigan siya ng mommy ko.. Simula mamatay yung mommy ko siya na po nag alaga at nag paaral sakin.. Kaya ako nalang ang kinuha niyang secretary mo para makatulong na din ako sa gastusin namin sa bahay" Napayuko siya

"Ahh" Nakinig lang ito sa kwento niya

"Hindi ka galit boss?"

"Nope.. Mahusay ka naman magtrabaho eh" Ngumiti ito ng tipid

Nakahinga naman ng maluwag si Carol. At napangiti

"Ang bait mo talaga boss!"

Wanted Ugly Secretary  ❤️ CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon