"Saan yung 168 Mall na sinasabi ni Mrs.Guada?"Tanong ni Gavin sakanya habang nagmamaneho ito. Kanina pa sila tahimik pareho parang nagkakahiyaan sila
"S..Sa divisoria po yun, Malapit lapit po dito.. Pero Boss magulo po dun baka hindi niyo magustuhan yung lugar" Patingin tingin lamang siya kay Gavin dahil naiilang pa din siya sa kagwapuhan nito
"Divisoria? Saan yun?" Napakunot nuo ito
grabe rich kid naman masyado.. Sikat na sikat yung divisoria pero hindi man lang nito alam???
"Di mo ba alam yun Boss? Doon nabibili lahat ng gusto mong bilhin, At the lowest price! Madaming tao dun boss masikip pa. Pero sulit naman kasi madami kang mabibili"
Napatango tango lang ito
"Oh i see.. Okay Lead the way"
Naku di ako pwedeng pumunta ng Divisoria na ganito ang makeup ko baka pagtawanan ako???
Kapag kasi pumapasok at umuuwi ako galing opisina nakasakay ako palagi sa Taxi para walang makakita ng makeup ko.
"M..Madaming tao dun boss.. At wala din Parking dun.. Mahihirapan lang po tay---"
"I want to go there" Seryoso nitong sabi sakanya. Para bang isang utos iyon na kailangan niyang sundin
Naku naman oh? Nakakahiya huhu
Napabuntong hininga siya "Sige po boss.."
bahala na!!!
Wala siyang nagawa kundi sundin ito.. Itinuro niya ang daan papuntang divisoria.
Dinala niya si Gavin sa Lucky China Mall at duon niya ito pinag parking
"Akala ko ba 168 Mall bakit Lucky China Mall to?" Tanong ni Gavin sakanya habang naglalakad sila sa loob ng Lucky China Mall
"Wait lang Boss tatawid pa tayo sa kabilang Mall.. Wala kasing parking dun kaya dito tayo nag park sa Lucky China" Sagot niya dito habang tinatakpan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang buhok
grrrr ang dami naman tumitingin kay Gavin!! Halatang gwapong gwapo sila kay Gavin
"Hey? Why covering your face?" Tanong nito habang nagtataka sa kinikilos niya. Nakarating na kasi sila sa 999 tinatago niya padin ang kanyang mukha gamit ang buhok niya at halos madapa siya sa sobrang pagyuko
Paano hindi mahihiya? kasing kapal ng Linta itong Kilay ko paano ako hindi magtatgo huhu
"B..Baka kasi may makakilala sakin.. Alam mo ba boss sikat ako" Pagsisinungaling niya
"Kaya pala kanina pa nila tayo tinitignan?" Napataas kilay nito at pinipigilan lang mapangiti
Muntik na matawa si Carol sa sinabi ni Gavin. Hindi ba ito aware na Sobrang Gwapo nito? Di niya ba alam kaya sila tinitignan dahil nagwagwapuhan sakanya lahat ng babae dito sa divisoria?
"Dahil Pogi ka kaya ka nila tinitignan.. Minsan lang kasi may maligaw na kasing pogi mo sa Mall na to" Hindi napansin ni Carol na namula si Gavin sa sinabi niya. Nakayuko kasi siya kaya di niya iyon nakita
"Uyyy ang gwapo sheeeyt!" sabi ng isang tindera
"Oppa!!! Oppa!!" sabi din nung isa pang tindera
nakuuuu di talaga pwede si Gavin dito sa 999 eh!
Lumapit si Carol sa Shop ng mga damit.. Baka magustuhan ito ng mommy ni Gavin. Juanata ang tatak ng Shop magaganda ang mga tinda dito mukhang class
"Boss dito tayo.. Pili ka ng Blouse para sa Mama mo"
"Ikaw na bahala.. Extra Large siguro si Mommy"
Napatingin naman si Carol kay Gavin.. Mataba ba ang mommy nito?
"Sure ka boss? M..Mataba ba yung Mama mo?" nakayuko padin si Carol at pilit tinatago ang mukha niya
"Yeah." sagot nito kaya di na siya nag tanong.
"Nakaka-ilang pala mga tao dito?" Natigil sa pagpili ng si Carol dahil biglang lumapit si Gavin sakanya at bumulong.. Pakiramdam niya pasimple siyang inamoy ni Gavin!naku baka amoy pawis nakooo!!!
Nawala tuloy yung pagkakahawak niya sa kanyang buhok
"Halaaaa Nakakatakot!" Nagulat naman yung tindera sa mukha ni Carol. Lalo na sa makapal na kilay niya. Napahawak pa yung tindera sa dibdib sa sobrang gulat
"A..Ay sorry po maam nagulat lang po" Hinging paumanhin nito at nagmadaling umalis sa pwesto
BINABASA MO ANG
Wanted Ugly Secretary ❤️ Completed
RomanceWANTED UGLY SECRETARY!!! Gavin Salvador is looking for an effective, smart but ugly secretary and he have one special rule, That secretary should never fall in love with him. Dahil sa malaking sweldo napilitan magpangap si Carol bilang "ugly secre...