"Hija di ka pa ba tapos maglaba?"
"Hindi pa po tita"
Sabado ngayon kaya wala silang pasok sa trabaho. malungkot padin si Carol dahil pakiramdam niya galit si Gavin sa ginawa ni brent kahapon
Napabuntong hininga si Carol habang naglalaba siya.. Kanina pa siya naglalaba pero hindi padin siya matapos tapos dahil napapatulala siya
First time kasi hindi nagpa-alam si Gavin sakanya kagabi ng umuwi ito.
"Ang tagal mo naman anak, kakain na tayo"
"Mauna kana tita" Malungkot na sagot niya sa tita Guada niya
"Teka, May problema ka ba?" Nilapitan siya nito at sinalat ang kanyang nuo
"Wala ka namang sakit pero bakit matamlay ka?" Nag-aalalang tanong nito
"T..Tinatamad lang ako tita.. Don't worry" Matamlay niya pading sagot
"Sigurado ka?"
"O..Opo" Napabuntong hininga siya.. Di niya din maintindihan kung bakit affected siya? Mas affected pa nga siya ngayon kaysa nung naghiwalay sila ni Alex
Ding Dong...."O teka may tao.. Buksan ka lang muna yung pinto" Umalis si Tita Guada sa loob ng Washroom nila upang buksan ang pinto
Maya maya pa, patakbo itong tumakbo palapit sakanya. May pagmamadali sa kilos ng tita niya
"Bilisan mo! Mag makeup ka nasa Sala si Boss!" Bulong nito sakanya
"Ha?!" Napatayo siya sa inuupuan niyang bangkito
Naku po! Anong ginagawa ni boss dito?!
"Oo dali bilisan mo! hinahanap ka niya"
Naku po Nakapambahay na manipis na Sando lamang siya at maikling short na kupas. At higit sa lahat wala siyang makeup
"Naku! tita wala po yung makeup ko dito. Nasa itaas po" Sobrang pag aalala ang nararamdaman niya
"Osige kukunin k---" Naputol ang pagbubulungan nila ng kanyang tita Guada ng marinig nila si Gavin na papasok sa loob ng WashRoom!!
Ohhhh nooo!!!
"Mrs.Guada?" Tawag ni Gavin sa pangalan ng kanyang tita. Pareho naman silang nataranta. Mabuti nalang nakita ni Carol agad yung Face mask na nakasampay. Mabuti nalang at tuyo na ito kaya mabilis niyang isinuot ang face mask na kulay pink.
"B..Boss!" Sagot nilang pareho ng tita niya. Para silang nakakita ng multo
---–-----------------------------------------------------------------
"G..Good morning" Natigilan si Gavin pagpasok niya ng WashRoom ng maabutan si Mrs Guada at Carol na parang natataranta. Ngunit mas natigilan siya ng mapansin ang suot ni Carol..
She's so sexy in his eyes..
Napansin niya agad ang kurba ng katawan ng dalaga.
She's very different.. Nakasuot ito ng sexy sando at shortshort. He never imagine na magsusuot ng ganitong damit ang kanyang Baduy na secretarya.
parang Coca-cola body pala ang katawan nito
Napansin niya din na walang makeup ito kahit natatakpan ng facemask ang kalahati ng mukha nito. At Maganda pala ang kilay nito parang ipina-ahit sa Salon.
Wala din itong suot na salamin kaya naninibago si Gavin dito
"G..Good morning boss!" Gulat na sagot nito
"B..Boss Halika ho sa Kitchen kain po muna tayo" Aya ni Mrs,Guada kay Gavin hinila pa siya nito
Napalunok nalang si Gavin at sumunod kay Mrs Guada
"B..Boss a..ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Mrs Guada habang pinaghahanda siya ng makakain,
He cleared his throat bago sinagot ang tanong ni Mrs Guada
"May meeting kaming pupuntahan" pagsisinungaling niya
"Meeting po boss?" Nagtatakang tanong ni Mrs Guada sakanya. Malamang nagtataka ito dahil ito ang unang pagkakataon na may meeting siya dahil sabado ngayon.
"Urgent meeting later" Pagsisinungaling niya muli., Ang totoo niyan magpapasama lamang siya kay Carol sa Mall para bilhan ng regalo ang Mommy niya dahil nalalapit na ang Birthday nito
Tumango tango lang si Mrs Guada. Panigurado nagulat ito sa biglang pagbisita niya sa bahay nito. Dahil ito ang unang pagkakataon na pumunta siya dito
"Boss bakit po kayo nandito?" Napalingon si Gavin kay Carol ng pumasok ito sa Kitchen Room.
Gustong mapakunot ng kanyang nuo dahil nakamakeup na ito ng makapal na makapal na kilay at Pulang pulang blush on... Ngunit Hindi ito nagpalit ng damit,
"Bakit nag make-up ka pa?" Balik tanong niya kay Carol
"Ah..Eh.. Pakiramdam ko po kasi mas maganda ako kapag nakamakeup para presentable po""Saan ka natuto mag makeup ng ganyan?"
Kasalukuyan umiinom ng tubig si Mrs,Guada kaya naibuga nito ang ininom na tubig dahil sa tanong niya. Parang gusto nitong tumawa ng malakas ngunit pinipigilan lamang
"S..sorry Boss" Hingi ng paumanhin ni Mrs Guada sakanya naghanap agad ito ng basahan upang punasan ang mga nabasa nito
"K..Kay tita Guada po.. Siya po nag turo sakin magmakeup" Todo ngisi si Carol
Napalingon naman bigla si Mrs Guada sakanya
"W..Wala akong alam diyan boss" Hindi na napigilan ni Mrs Guada ang mapatawa
Pinigilan din ni Gavin ang matawa.
"Boss ano nga po pala ang sadya niyo dito? Bakit niyo po ako dinalaw?" Pabebeng tanong ni Carol sakanya
Lumapit siya dito at binulungan ito
"Sa Mall.. Wag kang maingay kay Mrs.Guada" He smell her scent dahil sa pag bulong niya dito.. Amoy baby cologne ito
Parang nanigas ito sa kinakatayuan at pulang pula ang pisngi
"Howkey hihi" Pabebeng sagot nito na nagpangiti sakanya
"Help me to find gift for my Mom" Bulong niya uli dito, Sa totoo lang na-enjoy niya ang pag bulong dito at ang pag amoy sa mabangong amoy nito.
Halatang halata niya na kinilig ito sa ginawa niya
"Ehem!" Sabay silang napatingin kay Mrs Guada
"Kain na muna mamaya na bulungan"
BINABASA MO ANG
Wanted Ugly Secretary ❤️ Completed
RomanceWANTED UGLY SECRETARY!!! Gavin Salvador is looking for an effective, smart but ugly secretary and he have one special rule, That secretary should never fall in love with him. Dahil sa malaking sweldo napilitan magpangap si Carol bilang "ugly secre...