"Anak, mag-iingat ka sa Maynila ha? Marami raw manggagantso doon! " Habilin ng ina ni Czarina bago umalis ang anak.
"Opo, Nay! Saka tatawagan ko po kayo agad sa cellphone 'pag dating ko doon." Magalang na sagot ng dalaga sa kanyang ina.
"Oh sige! Kung magkita na kayo ni Tiyang Amy paki kumusta mo na lang ako kaagad ha?" Bilin pa nito.
"Makakaasa ho kayo, Inay." Hinalikan ni Czarina ang ina at ang amang nakaratay sa higaan. Ang dahilan kung bakit kailangan niyang magtrabaho.
"Tuloy na po ako at mag-ingat ho kayo lagi, Inay. Pagsahod ko po ay magpapadala agad ako ng pang gastos niyo at pambili ng gamot ni Itay.Pati na rin pambayad ng ilaw at tubig." Sambit niya sa ina bago tuluyang umalis. Isang ngiti lang ang binigay nito sa anak at tinanaw lang ito sa pag-alis hanggang tuluyang mawala na sa kanyang paningin.At saka lamang kumawala ang mga butil ng luha sa mga mata ng ina ni Czarina
"Ngayon ka lang mawawalay sa amin anak! Sana'y palagi kang mag-iingat." Malungkot na bulong ng ina sa pagkakawalay sa kanya ng kanyang anak.
Meanwhile.....
"Mom! I'm here! Ano po bang kailangan nyong sabihin at pinapunta nyo pa ako?" Sigaw ni Amvin pagpasok ng kanilang tahanan.
"Ganyan ba ang pagbati mo sa amin huh Amvin?" Galit na sabi ni Devin.
"Sorry Dad! I just got tired from something." Cold na sagot sa ama ni Amvin.
"Saan ka napagod? Sa mga gimiks at mga babae mo? Kailan ka ba magbabago? Why don't you try to find the right girl for you, Amvin?" Malamig din na sermon ng ama sa panganay na anak.
"Right girl? Wala ng right girl ngayon, Dad! Halos pare-parehong gold digger ang mga iyan at kung 'di ka naman maitsura ay hindi ka papapansinin. True love meron ba noon? Kayo lang yata ni mom ang huling nakaranas niyon, Dad! Kahit gumastos ako o gumimik at kahit mambabae pa ako eh di ko naman pinababayaan ang bussiness ko. Can't you see? I'm a millionaire by my own and almost a billionaire, kaunti na lang." Nakangising sagot ni Amvin sa ama.
"Oo kaunti na lang! Kaunti na lang masasapak na talaga kita! Umayos ka sa akin at baka masapak ko yang mukha mong sinasabi mong goodlooking! Sa lahat ng mayaman ikaw lang ang walang bahay, nakukuntento ka na sa maliit mong unit? Why don't you bought your own house, para kapag nakahanap ka na ng mapapangasawa mo may bahay ka na?" Sermon ni Devin sa anak.
"Mapapangasawa? Hahaha! I don't even have plans to have one, Dad. Kung pare-pareho lang sila ngayong mga babae ay mas mabuting wag na lang! I'm just too happy being single! Saka nandiyan naman kayo nila Mom." Natatawang dahilan ni Amvin.
"But we won't always be here at tatanda rin kami. Pati mga kapatid mo magkakaroon na rin yan ng sariling pamilya balang -araw. Ikaw ang panganay at sa iyo ako nag-eexpect magkaroon ng unang apo pero mukhang malabo." Sermon pa rin sa anak ni Devin.
"Anong pinag-aawayan niyong mag-ama?" Takang singit ni Marj na galing sa kusina. Taglay pa rin nito ang kagandahan na nagpabaliw at nagpatino kay Devin. Animo'y hindi ito nadadagdagan ng edad.
"Itong si Dad ay pinipilit na akong mag-asawa at magkaanak! " Nakangusong sumbong sa ina ni Amvin.
"Naku! No comment ako diyan!" Sigaw ni Marj. Playing safe si Marj at baka madamay sa pinagtatalunan ng kanyang mag-ama.
BINABASA MO ANG
Maid's Possessive Boss *Possessive Ibañez 2 * ( Completed )
RomanceHe's rich and she's not. He's bold and she is shy. He is such a devil and she's an angel. He's hot and she is the conservative one. He's the boss and she's the maid. Will they fit together? Find out more...... #WhirlwindRomance #Fast-PacedStory Warn...