Chapter 2
Agad sinundan ni Amvin si Czarina sa kusina. Pagdating niya doon ay nakita lang niya ang dalagang nakatayo lamang.
"Hey! Any problem? " tanong niya dito at di nakikita niya ang mukha o reaction nito dahil nakatalikod ito mula sa kanya. Nang harapin niya ito ay ganoon na lang ang gulat niya dahil umiiyak ito.
"Sh*t! What's the problem? Why are you crying?!" natataranta niyang tanong dito. Nagtataka siya dahil wala pa siyang ginagawa eh umiiyak na ito.
"Hik! Baka po kasi magalit kayo..hik! Baka po kasi hindi ko kayo maipagluto." mahinang sagot ni Czarina sa pagitan ng paghikbi. Nanlaki ang mata ni Amvin sa sinagot ng babae sa kanya.
"Bakit? Hindi ka marunong magluto? Naku! Mamamatay tayo sa gutom nito." nagtataka at nag-aalalang sabi ni Amvin. Kukuha na lang ang mommy niya 'di pa marunong magluto eh siya nga mismong amo hindi rin marunong eh. Baka ang gawin na lang nilang dalawa ay magtitigan.
Nataranta naman ang babae sa sinabi niya at umiling.
"Hindi po! Marunong po akong magluto." nakayukong sabi nito at tila nahihiya. Nagtaka lalo si Amvin.
"Eh? Bakit sabi mo na baka di mo ko maipagluluto?" takang tanong ni Amvin.
"Eh kasi po... kasi... ahm!" tila nahihiya at ayaw sabihin ng dalaga.
"Bakit nga?!" tila naiinis ng sabi ni Amvin na nagpapitlag sa dalaga.
"Ehh.... 'di po kasi ako marunong gumamit ng mga ganyang kasangkapan." mahina at magalang na sagot ni Czarina sabay turo sa mga bagong kasangkapan ni Amvin sa kusina na sadyang ngayon lamang nakita ng dalaga. Napatanga si Amvin sa sinabi ng dalaga at tila nagloading pa sa utak niya ang mga sinabi nito. Bigla siyang napangiti at pinigilang matawa. Pero kahit pinigilan niya ay nakita pala ng dalaga ang kanyang reaksiyon. Naiiyak ulit itong nagsalita.
" 'Wag nyo naman po sana akong pagtawanan. Pasensiya na po kayo at wala po kasi kaming ganyan sa probinsya, saka takot po akong gumamit baka masira ko. Wala po kasi akong pambayad." Malungkot napaliwanag nito kay Amvin. Dahil dito ay naalarma si Amvin at napatigil sa pagngiti. Tumikhim ito sandali at saka nagsalita.
"Uhm! Ok! Don't worry! I will teach you how to use all of those things." Mahinang sambit ni Amvin. Napangiti naman ang dalaga sa sinabi ng amo sa kanya. Sa ngiting iyon ay napatanga si amvin at tila lahat ng anghel ay nag-awitan sa harap niya at ilang segundo siyang nakatanga lang at nakatulala dito.
"Sir?! Sir?! Ano pong nagyayari sa inyo? Na-i-stroke po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Czarina at kumuha ng nakitang diyaryo saka ipinamaypay sa amo niya na akala niya ay kung ano na ang nangyayari. Tila nagising naman si Amvin sa isang panaginip at saka pinilig ang ulo.
"Stop it!" Pigil niya sa ginagawa sa kanyang pagpaypay ng dalaga.
"Ok na po ba kayo? May sakit po ba kayo kayo nagkaganoon? Madalas po ba iyan mangyari sa inyo?" Nag-aalalang tanong pa rin ni Czarina sa amo.
BINABASA MO ANG
Maid's Possessive Boss *Possessive Ibañez 2 * ( Completed )
RomanceHe's rich and she's not. He's bold and she is shy. He is such a devil and she's an angel. He's hot and she is the conservative one. He's the boss and she's the maid. Will they fit together? Find out more...... #WhirlwindRomance #Fast-PacedStory Warn...