Chapter 3
Pagkatapos papasukin ang mga di inaasahang bisita ay hinanap ni Amvin si Czarina dahil wala na ito sa sala. Sinilip niya ito sa kusina ngunit wala rin ito doon. Tumuloy siya sa kwarto nito. Naabutan niya ito nakasalampak sa isang sulok ng kwarto at nakayuko habang yakap ng mga braso ang nakatuping mga hita. Nilapitan niya ito at narinig ang mahina nitong mga hikbi. Nag-aalala kung lalapitan ba ito at baka lalo lamang umiyak.
"Czarina! Why are you crying?" iling lang ang naging tugon ng dalagang kahit nakayuko pa rin.
"Yung...yu-yung..nangyari ba kanina? Pasensiya na nadala lang ako. Pipilitin kong 'di na maulit, basta wag ka lang umiyak." Mahinang sambit ni Amvin saka niyakap ng mahigpit ang dalaga. At sa pagyakap na ginawa niya dito ay lalo itong umiyak.
"Tahan na baby! Sorry na! Tara na doon na tayo." Alo ni Amvin dito. Umiling ulit si Czarina habang nakatago ang mukha sa balikat ni Amvin.
"May mga bisita at bawal akong lumabas." Mahinang sabi ni Czarina kasabay ang isang hikbi.
" No! Sila Mommy lang 'yun at gusto ka niyang makita at makilala." Mahinang sambit ni amvin.
"Ok lang ba itong suot ko." Tukoy ni Czarina sa kanyang suot na short at pinahid ni Amvin ang mga luha niya.
"Yes they are! Let's go!" inalalayan siyang tumayo ni Amvin.
Saktong pagtayo nila at lalabas na sana ng kwarto nang biglang bumukas ang pinto.
"The heck, Amvin! Bakit siya umiyak? Anong ginawa mo sa kanya?! Wala ka na talagang pinagbago!" Bulyaw ni Marj sa panganay na anak .
" Mom! Listen first please! " nag-aalala at natatarantang sabi ni Amvin lalo na ng makita ang masamang tingin ng ama sa likuran ng mommy niya.
"Anong paliwanag? Kay bago-bago lang niya at kararating lang ay kung ano na namang kababalaghan ang ginagawa mo! May iba pa bang magpapaiyak sa kanya? Ano? Ikaw dahilan ng pag-iyak niya 'di ba?" Sabay agaw ni Marj sa braso ni Czarina na hawak-hawak ni Amvin.
"No! Yes! I mean no!" nalilitong sagot ni Amvin. "Yes" dahil siya ang dahilan at "No" sa pag-agaw ng ina sa braso ni Czarina.
"Tingnan mo! Di ka makasagot ng maayos!" Galit na sabi ni Marj saka binalingan si Czarina. "Are you ok, Ija? Don't worry hindi ka na magtatagal dito 'coz you're going to stay at my house. Ikukuha ko na lang siya ng ibang maid." Malambing na sabi ni Marj kay Czarina.
"What?! No mom!" Nagpapanic na sabi ni Amvin at kinalaki rin ng mata ni Czarina.
"Anong no? Czarina! Pack your things at i-aalis na kita rito ngayon din! Baka kung anong mangyari sa iyo at mag-alala pa si Manang Amy." Sambit ni Marj sa dalaga.
" P-pero po.." tanggi sana ni Czarina dito kaya lang nahihiya siyang sumagot.
"Don't worry, Ija! Tinakot ka ba niya? Wag kang mag-alala, nandito kami at gagabayan ka namin. He can't harm you in anyway." may lambing na sambit ni Marj dito.
"O-ok po.." Nakayukong sabi ni Czarina at saka nilapitan ang mga gamit. Saktong di pa niya nailalabas mula sa bag ang mga gamit niya ng dumating siya dito, kaya naman sandali lang at naayos na ito. Habang si Amvin at nanlalaki lang ang mata sa nangyayari.
" What?! Wait! Stop this nonsense argument! Hindi siya aalis!" Awat ni Amvin at inagaw ang bag na hawak ni Czarina.
" Umayos ka, Amvin Craige!" Galit na sigaw ni Devin at sadyang galit na ito dahil tinawag na ang buong pangalan niya at tila nababaliw na si Amvin sa kaganapang iyon.
BINABASA MO ANG
Maid's Possessive Boss *Possessive Ibañez 2 * ( Completed )
RomanceHe's rich and she's not. He's bold and she is shy. He is such a devil and she's an angel. He's hot and she is the conservative one. He's the boss and she's the maid. Will they fit together? Find out more...... #WhirlwindRomance #Fast-PacedStory Warn...