Chapter 5
Sinag ng araw ang nagpagising kay Amvin. Tila naalimpungatan pa kung bakit siya may yakap-akap na babae pero bigla din napalitan ng pagkabigla ng masilayan ang mala anghel na mukha sa kanyang tabi. Masarap pa rin ang tulog nito, marahil ay napagod sa naging biyahe nito mula probinsya at dahil na rin siguro sa lahat ng tensyon na naranasan nito kahapon. Napangiti ang binata ng maalala ang lahat ng kalokohan na ginawa niya dito. Binigyan niya ng mabining halik sa pisngi si Czarina at siniguradong hindi ito magigising. Maya pa ay marahang lumabas at tinungo ang sarili nitong kwarto upang maglinis ng katawan dahil papasok pa ito sa trabaho. Lunes ngayon kaya kailangan niyang pumasok at maraming aasikasuhin.
Isang tawag mula sa secretary niya ang kanyang nareceived. Kailangan raw na 9am ay makarating agad siya sa isang 5star hotel para sa kanyang breakfast meeting with an important client. Agad siyang gumayak at nagpaalam sa kanyang ina na nuon ay gising na at hinihintay lang ang pagdating ni Cora. Ang kanyang ama naman ay busy na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Maya din ay busy na rin sa phone ang ama dahil may kausap din na importante ukol sa business nito.
"Amvin! Nagsumbong yung katulong na pinapunta ko sa unit mo! Dios mio! Bakit puro wasak ang gamit mo roon? Ano bang ginawa mo?" Nagagalit na tanong ni Marj.
"Mom! Wala lang yun! Hahaha! I need to go mom! Bye!" Sabay halik sa pisngi ng ina.
"Malinis na sa unit mo. Saan ka uuwi mamaya? Dito ba? Pagluluto kita ng paborito mo kung dito ka uuwi." Habol ng ina sa papalabas sa pinto na anak.
"Yes mom! Definitely!" Nakangising sabi nito at kumindat.
"Bye dad!" Sigaw din nito sa amang busy sa phone. Tanging tango lang ang sinagot ni Devin dito dahil di magawang makasagot sa kanya habang kausap ang isang kliyente.
Nagising na rin ng oras na iyon si Czarina at biglang napabalikwas sabay tingin sa orasan.
"Hindi!! Tanghali na! Hala baka pagalitan ako! " Tarantang sabi nito at saka inayos ang pinaghigaan. Kasalukuyan niyang inaayos ang higaan ng mapansin ang isang wallet na panlalaki. Nanlaki ang mata niya ng buklatin niya ito at makita ang id ni Amvin.
"Bakit andito yung wallet niya sa higaan ko? Hindi kaya pinasok niya ako dito kagabi? Hindi!!!!" Tila nabigla si Czarina sa naisip at pinakiramdaman ang sarili. Nakahinga rin siya ng maluwag ng maramdaman na walang anumang nagbago sa kanya maski sa suot niya ay wala.
"Bakit nga ito nandito?" Naguguluhan pa rin niyang tanong sa sarili.
Lumabas siya at naabutan si Marj na nag-aayos ng umagahan kasama ang ibang katulong at si Cora.
"Ma'am pasensiya na po at napasarap ang tulog ko." Hinging paumanhin niya dito at hiyang hiya.
"Ayos lang yan! Napagod ka siguro sa biyahe mo kahapon." Nakangiting sabi ni Marj at napatingin sa hawak ni Czarina. Naalala naman ni Czarina ang wallet na isasauli.
"Ito po ma'am." Sabay abot niya dito ng wallet.
"Ano ito?" Takang tanong ni marj.
"Ahm.. ahh.. na-napulot ko po ka-kanina habang pa-papunta rito ma'am." Kinakabahang sabi ni Czarina dahil hindi siya sanay magsinungaling at hindi masabing sa mismong tulugan niya ito nakita. Natutulog kasi si Czarina sa isa sa bakanteng guest room dahil wala na siyang pwesto sa kwarto ng mga katulong at hindi rin niya alam na request ito ng magaling na si Amvin.
BINABASA MO ANG
Maid's Possessive Boss *Possessive Ibañez 2 * ( Completed )
RomanceHe's rich and she's not. He's bold and she is shy. He is such a devil and she's an angel. He's hot and she is the conservative one. He's the boss and she's the maid. Will they fit together? Find out more...... #WhirlwindRomance #Fast-PacedStory Warn...