Chapter 4

44.4K 790 44
                                    

Chapter 4

                       Parang tanga lang na tatawa tawa si aAmvin sa pinaggagawa niya. Kukuhanin na sana niya ang susi para sumunod sa mga ito ng madaanan ng kanyang paningin ang paper bags na ipinamili niya para kay Czarina. Nagdadalawang isip siya kung dadalhin ito at baka pag pinagsuot niya ito ng ganuong short ay may mkakitang iba sa mga magaganda nitong binti, baka makatusok siya ng mata ng wala sa oras..pero...naisip rin niyang baka pagtawanan ito ng ibang tao pag lumabas ito ng bahay na ang suot ay panglola. Baka makapatay naman siya ng dis-oras pag ginawa nila itong katatawanan kaya mas pinili na lang niya itong bitbitin para dalhin dito. Babantayan na lang niya ito palagi para sigurado.

                   Agad niyang tinungo ang parking lot at sumakay ng kotse. Walang pagdadalawang isip na tinungo ang tahanan kung saan siya lumaki. 

                      "I'm coming home baby! Wait for me!" Nakangising sabi ni Amvin.

                   Wala pang kalahating oras na nakakauwi sila marj ay nagulat sila dahil nakabuntot na ang panganay niya sa bahay. 

                    "Hmmm?! Mukhang may magpapatino na sa panganay ko huh?" Napangisi bigla si Marj sa kanyang sarili. 

                  "Mom..... Where is she?" Hinihingal na tanong ni Amvin sa ina.

                  "And why?" Naiuwi ko na siya dito kaya di mo na mababawi! Naintindihan mo? Magpapadala na lang akong ibang maid sa bahay mo." Inaantay ni Marj na magwala ang anak pero wala itong anuman ginawa at nginitian lang siya na buong pinagtaka niya. Dire-diretso siya nitong dinaanan. Nakapasok na ito ng bahay ng muli siya nitong binalingan. 

                  "Yes mom! Magpapunta ka po now ng maidsa unit ko para malinis yung mga kinalat ko. Thanks Mom! I love you!" Saka nakangiting dumiretso ito papasok ng bahay.

               Si Czarina ng oras na iyon ay naghihimay ng kangkong na gagamitin sa lulutuin nilang sinigang ni Cora.

               "Ikaw bang bata ka di ka ba naiinitan diyan sa suot mo?" Tila si Cora pa ang hirap na hirap sa suot ni Czarina. Napatingin naman si Czarina sa suot niya. Nagpalit siya kasi kaagad ng damit dahil naiilang talaga siya sa suot na short.

              "Eh... Naiilang po kasi ako kapag nagsusuot ng short, nasanay po kasi ako sa ganitong damit pambahay at pang-alis. Saka baka po magalit si Sir Amvin." Nahihiyang sabi ni Czarina at biglang nanlaki ang mata niya sa nabanggit na pangalan. Bakit nga ba nabanggit yun eh wala naman na siya sa poder nito. Itigil na dapat niya ang pag-iisip dito.

              "Anong baka magalit yung hinayupak na batang yun? Bakit mo naman iisipin yung batang yun eh once in a blue moon kung umuwi yun. Kapag may kailangan lang saka lang yun nakakaalalang umuwi." Tila inis na sabi ni Cora.

              "Pasensiya na po. Iyon po kasi ang binilin ni Sir Amvin, baka bigla po kasing dumating at magalit.." Nag-aalalang sabi niya dito dahil naalala rin kasi niya kung paano ito magalit. Kinakabahan na siya isipin pa lang niyang magalit nga ulit ay baka ituloy na nito ang ginawa sa kanya. Namula si Czarina sa kanyang naisip. Napatingin siya kay Cora at at inakalang nakatanga ito sa kanya ngunit hindi pala sa kanya dahil tagos ang tingin nito sa kanya.

             "Ibig sabihin may tinitignan ito sa likod ko?" Tanong ni Czarina sa isip. Lilingon na sana siya ng biglang may mga labing dumikit sa gilid ng kanyang tenga.

Maid's Possessive Boss *Possessive Ibañez 2 * ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon