Naniniwala ka ba sa multo?
Kung hindi, well parehas tayo.
Pero paano kung may nakikita ka na pala pero binabaliwala mo lang sila.
Paano kung binigyan ka pala ng kakayanan para makakita at makausap mo sila gugustuhin mo ba?
Well para sakin, hindi ko ginusto magkaroon ng gantong kakayanan.
Wala naman akong pakialam sa mga multo multo na yan dahil hindi talaga ako naniniwala.
Pero ung dalawa kong kaibigan sa barkada namin ay katulad ko din at ginagamit nila iyon.
Kaya nga yung isa pa namin kaibigan sa barkada ay takot na takot sakanila.
Gifted talaga sila, kasi pare-parehas silang may kakayanan at kambal pa sila.
At mukhang nagugustuhan nila iyon.
Pero ako? Hindi! Hindi talaga... Aanhin ko naman itong third eye ko... Pakialam ko naman sa mga multo sa paligid kung meron man.
Wala naman akong dapat kausapin na multo dahil buhay na buhay pa at malakas na malakas pa yung mga mahal ko sa buhay.
Pero yun ay bago pa maging mesirable ang buhay namin ni mommy.
Hanggang sa iwan kami ng daddy ko...
At dahil doon, ang taong nagmahal sakin ay nagpakamatay...
Ito na ba ang sinasabi nilang "Makita at makausap ang mga pumanaw"?
Simula ng mamatay si mommy,
Tinanggap ko na ng buong buo ang third eye ko...
Dahil dito sa third eye ko, nakikita ko sya parati...
Pero simula din ng mawala si mommy.
Parati na nagpapakita si black lady.
Sino si black lady at parang galit na galit siya samin?
Sa paglipas ng panahon na kasama ang barkada at grandparents mo,
May malalaman ka tungkol sa mommy at daddy mo...
Ano ang mga un? —- ABANGAN...
Sa paglipat niyo sa bagong school,
May makikilala kayong bagong friends na makakatulong sa inyong mission.
Sa bagong niyong school ay madaming misteryong bumabalot dito...
At dito nagsimula ang mission ko at ng aking mga kaibigan...
Ang kausapin ang mga multo para mapunta na sila sa kanila katahimikan...
Kayo, masasamahan nyo ba kami sa aming mission at subaybayan ang mga pangilabot na storya?
———————————————————————————————————————————————————
Keep reading my story..
Alam ko pangit ung prologue ko kasi hindi talaga ako marunong gumawa ng prologue dahil hindi naman po ako professional..
Supportahan nyo po ang story at ang magiging stories ko..
Comment din kayo kung maganda ba or pangit.. Salamat..
At sana maging fan ko kayo.. Salamat ulit..
:))
—jezzaelainejimenezreyes16—
BINABASA MO ANG
Third eye (TAGALOG) --- COMPLETE ---
Teen FictionRead the prologue :)) this is my first book hope you guys like it.. Please support :))