Evelyn's POV
Kring! Kring! Kring!
Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock.
Nakakapagtaka, bakit parang hindi ko yata napanaginipan yung babaeng naka-itim.
Well, mabuti na yun para mawala na siya sa isip ko.
Ginawa ko na ang ritual ng babae tuwing umaga at pumasok na sa school kasabay ng mga kaibigan ko.
Today is Friday...
"Kamusta ka na girl?"— Mhikee
"Ayos lang naman. Medyo nakaka-move on na din ako sa pagkawala ni mommy."— ako
"That's good. Kasi may kailangan tayo pag-usapan."— Elaine
"Huh? Ano naman yun?"— ako
"Meron tayong panibagong problema Eve."— Clark
"About saan?"— ako
Napatingin ako kay Mhikee kasi tahimik lang siya. Pero naguguluhan din siya..
"About sa multo."— Elaine
"Naku naman mga kaibigan wag ganyan. Uuwi muna ako para hindi ko marinig yan. Matatakutin talaga ako promise."— Mhikee
"Wag kang kj. Kasama ka sa barkada."— Clark
"Ehh... Talagang ako ung sinama niyo ha. Eh ako pa yung matatakutin talaga."— Mhikee
"Tumigil ka Mhikee. Tatamaan ka sakin ng kutos."— Elaine
Sige mag-away muna sila...
"Uhhhmmm sasabihin niyo ba o mag-aaway muna kayo?"— ako
"Kasi si mhikee."— Elaine
"Oo na. Kasama na ko."— Mhikee
"So ito na nga yun... Yung multo na naka-itim."— Clark
"Ay oo nga kwekwento ko nga un..."— ako
"Nakikita mo din siya?"— Clark
"Ay kambal hindi... Kaya nga may third eye siya diba."— Elaine
"Kambal, nahahawa ka na kay Mhikee ha."— Clark
"Oh nadamay na naman ako. Nanahimik na nga ako eh dito eh."— Mhikee
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"— kaming tatlo nila Elaine at Clark...
Hindi namin napansin na nasa school na pala kami...
May napansin ako. Parang si mommy. Kumaway siya sakin. Napangiti naman ako.
"Hoy, sino nginingitian mo diyan? Baliw ka na ba?"— Mhikee
"Gaga. Nakita ko lang si mommy."— ako
"WHAT?! Si tita?!"— Mhikee
"Ang oa mo talaga Mhikee. Alam ko binabantayan niya lang ako. Pero alam ko may lungkot sa mga mata niya."— ako na matamlay ang boses..
"Well sis, baka namimiss ka lang niya kaya ganon. Halika na sa classroom."— Elaine
At ayun nagtungo nga kami sa classroom namin...
Natapos ang classes at parati kong nakikita si mommy sa paligid ko...
Siguro nga nagbabantay siya...
Tumambay muna kami ng barkada sa playground. Ngunit wala na si mommy sa paligid...
Baka napagod na kakabantay sakin...
Naisipan kong ikwento ang nakita kong babaeng nakaitim at yung mga panaginip ko...
"Hala, mukhang iisa lang ang sinasabi niyong babaeng itim ang damit."— Mhikee.
BINABASA MO ANG
Third eye (TAGALOG) --- COMPLETE ---
Teen FictionRead the prologue :)) this is my first book hope you guys like it.. Please support :))