Elaine's POV
Nung uwian na...
Nag-aaya si Mhikee mag-food trip.
Pero may naramdaman akong multo na tila bang nagsasabing wag kami tumuloy.
Kaya sinabi ko na lang,
"Wag muna. Kinakabahan ako eh. Parang may masamang mangyayari."
Yung mukha ni Mhikee naguguluhan na naman.
Si Evelyn naman, nagets na niya agad yung sinasabi ko.
Si Clark, ayun nasa school pa. Captain ball kasi ng basketball eh. May training pa yun.
Habang naglalakad kami sa loob ng village, napahinto si eve at sabay sabi...
"Mommy! Ano ginagawa mo dyan!?"— Eve
Napahinto naman kami ni Mhikee.
May naramdaman akong multo.
"Hoy teh, wala naman si tita sa playground ah."— Mhikee
Pero walang kausap si Evelyn.
May sinasabi yung multo kaya napapikit ako.
"Ang mommy niya nasa rooftop."— multo
Kaya napadilat ako at napatingin sa bahay nila Eve...
At nagulat ako sa nakita ko... Si tita tatalon!
"Eve!! Mommy mo yun diba?" — ako
"Saan?" — Eve.. At itinuro ko..
Tumakbo si Eve kaya napatakbo kami...
"MOOOOOMMMMMMMYYYYYYYY!!!"— Eve
Huli kami ng dating... Ang mommy niya nagpakamatay...
Nagpakamatay nga ba?? Or may nagtulak sakanyang magpakamatay???
Paano ko nalaman? Dahil may nararamdaman ako sa paligid ulit at alam kong masama ang multong ito...
Kaya napag-isipan kong tawagan ang kambal ko...
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si kambal...
Ring!r Ring! Ring!
"Hello kambal?"— Clark
"Kambal tagal sumagot ha..." — ako
"Pasensya naman kambal. Kakatapos lang kasi namin dito."— Clark
"Buti kung ganon. Pumunta ka na dito kina Evelyn. Nagpakamatay si tita pero iba ang nararamdaman ko."— ako
"ANO???!!!"— Clark
"Kailangan ulitin ko?? Ulit-ulit??" — ako
"Sige papunta na ako diyan."— Clark
Binababa ko na ung cellphone ko...
After ilang minuto nandito na ang kambal ko...
"Evelyn!!!" — Clark... sabay yakap...
Ay hindi naman halatang may gusto yung kambal ko kay Evelyn noh. Hahaha.
Oo tama kayo sa nabasa niyo may gusto ang kambal ko kay Evelyn. Bagay naman sila eh. At boto ako sakanila.. Hahahaha.
"Kambal!!!" — ako
"Elaine!!!"— Clark
"Meron dito. May nararamdaman ako dito... Masama siya clark... Nararamdaman kong masama siya..."— ako... at ramdam sa boses ko ang takot...
BINABASA MO ANG
Third eye (TAGALOG) --- COMPLETE ---
Teen FictionRead the prologue :)) this is my first book hope you guys like it.. Please support :))