May lalaki, malabo ang mukha. Umiiyak siya at may dala dala siyang bag.
Lumapit siya sakin...
"Sumama ka na sakin..." sabi ng lalaki.
Naguguluhan ako, sino ba siya? Bakit naman ako sasama sakanya?
Hindi naman ako sasama sakanya kasi hindi ko kayang iwan ang aking ina at ama.
Halata sa mukha kong naguguluhan at sinasabing bakit ako sasama sayo.
"Babalikan kita anak. Iiwan kita sakanya pero hindi ibig sabihin nun na hindi kita mahal, na hindi ko kayo mahal ng mommy mo." sabi ng lalaki. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Dahil bigla na lang luminaw ang mukha ng lalaki.
Dad??? Bakit daddy??? Bakit???!!!
KRRRRRIIIIIIIIIINNNNNNGGGGGG!!! KRRRRRIIIIIINNNNNNGGGG!!!
Napadilat ako at napatingin sa aking alarm clock. First day nga pala ngayon.
Grabe ang mga panaginip ko, kung hindi about sa pag-iwan samin ni daddy yung napapanaginipan ko, about naman sa masasamang panaginip na parang may sinasabi sakin na hindi ko maintindihan.
Itong panaginip na ito ang naging panaginip ko nung araw na iwan kami ng daddy ko at sumama sa ibang babae. Grabe, one week akong umiyak nun. Pero si mommy, ayun iyak pa rin ng iyak. Napapabayaan na niya yung business.
Ay daldal ako ng daldal hindi niyo pa pala ako kilala.
Well ako nga pala si EVELYN YOLANDA EVANGHELISTA. 3rd year na ako ngayon pasukan. Meron akong 3 na kaibigan. Sila ay sina:
- Mhikee Sanchez. Ang makulit, masayahin, NBSB(hindi yata naniniwala ang babaeng ito sa love), mataray, maganda at sexy. Maraming nanliligaw.
- Elaine Reyes. Tahimik, seryoso, mataray din ito pero friendly din naman. Maganda, chubby at nagkaroon na ng 3 bf. Hindi naman pala-kausap sa lalaki, maraming nanliligaw, pero yung iba umaatras kasi natatakot na sakanya. Naniniwala sa multo 'to, kasi nakakaramdam sya at nakakausap ang mga multo tska nakakakita siya ng future kapag nahahawakan niya yung tao pero hindi nya masyadong ginagawa ito.
- Clark Reyes. Gwapo, mabait, habulin ng babae pero wala siyang paki sa ibang babae kasi daw may babae na siyang mahal at nag-iisa lang sa puso niya. May third eye siya at nakikipag-usap din siya sa multo. Kakambal siya ni Elaine.
Naging kaibigan ko sila noong grade one kami. Simula nun hindi na kami nagkahiwahiwalay hanggang sa napag-isipan ng mga magulang namin na maging neigbours kami sa iisang village. Kami ay nagaaral sa Colegio de San Pascual Baylon. At ngayon ang unang araw namin.
Speaking of unang araw. Shit! Ako ay late na.
Ay an tanga tanga naman kasi Evelyn. Ang daldal ko kasi ano ba yan. Kainis naman.
Pumasok na ako sa cr ko. Oo, may cr ako sa kwarto. Hindi naman kami mayaman, may kaya lang kasi businesswoman at businessman ang parents ko. 3 story ang bahay namin at may swimming pool at gym sa roof top.
Naligo na ako at ginawa ang ritual ng mga babae. Simple lang naman ako manamit.
After nun nagkita kita kami ng mga kabarkada ko at sabay sabay kami naglakad papuntang school. Tatawid lang naman kami dahil tapat lang naman ng village namin yung school.
Nang pumasok na kami ng gate, may napansin akong babae. Malungkot siya at umiiyak. Nagulat ako sa nakita ko dahil nung pagtingin nya sakin wala siyang mukha.
At bigala siya nawala!
Bakit ganon? Kinurot ko ang pisngi ko at sinabing, "Eve, guniguni mo lang yun."
BINABASA MO ANG
Third eye (TAGALOG) --- COMPLETE ---
Teen FictionRead the prologue :)) this is my first book hope you guys like it.. Please support :))