CHAPTER I: New Life

54 1 0
                                    

Carysa's POV

"Your going to transfer to a new university"

Sabi ni papa sakin

"Bakit po?..maayos naman po ang grades ko wala rin akong violation sa record ko sa school."

Tanong ko kay papa dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya ako itatransfer ng school.

"Hindi naman dahil dun anak ,sa tingin ko lang ay ngayon ang nararapat na panahon para ilipat kana sa school na yun."

"Hindi ko po kayo maintindihan papa."

"Basta anak malalaman mo rin. Sa ngayon mag impake kana at bukas ay aalis na tayo"

Hindi pwede kaylangan ko ng sagot.

"Pero papa ......"

"Wag kanang maraming tanong bukas ay sasabihin ko rin sayo mag impake kana muna at ng makatulog ka ng maaga,mahaba pa ang biyahe bukas "

Pano yung mga kaibigan ko?
At sinong kasama ko dun?

"Papa pano yung mga kaibigan ko di man lang ba ako magpapaalam sa kanila?"

"Wala na tayong oras para diyan. Sa phone ka nalang mag paalam at talagang mahaba ang biyahe"

"Sige po aakyat na ko sa kwarto."

Umakyat na ko sa kwarto at nagimpake na nga at mukhang isang mahabang paalamanan ang kaylangan kong gawin.

Haysss talagang mamimiss ko sila..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Good morning papa!! Oh bat andito si kuya?"

Bati ko sakanila at pumasok na sa dining room.

Bacon,ham,egg and fried rice.
Hmmm just enough to complete my breakfast and to start the day.

"Bakit baby sis ayaw mo ba na nandito si kuya?"

Tanong ni kuya at nag-pout pa.

"Sa university kasi na pinapasukan ng kuya mo ka magtatransfer kaya nandito siya para sunduin ka. When he heard that your going to transfer there."

Ahhh kaya pala.... atlis alam kong may kakilala ako dun . Si kuya kasi simula nung mag-aral siya dun tuwing may occasion nalang siya nakakauwi ,may dorm kasi dun. Matagal tagal ko rin palang hindi makikita si papa iniisip ko palang naiiyak na ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nasa sasakyan na kami at kasalukuyang bumabiyahe.

"Baby sis tulog ka muna mahaba pa ang biyahe" sabi ni kuya sakin ,sinunod ko naman siya at pinikit na ang mga mata ko.








Naglalakad ako sa kagubatan hindi ko alam kung nasaan na ako...may nakita akong bata naglalakad din siya .

Napadpad kami sa isang gate ,isang malaking itim na gate na kasing taas ng pinakamataas na building ganun din ang pader na nakapalibot dito. Papasok na sana yung batang babae ng biglang may lumitaw na isang aso na kulay puti at mabalahibo, na may itim na itim na mata. Ang cute nga eh tumakbo ito at hinabol ng batang babae ewan ko ba pero napasunod ako sakanila . Napadpad kami sa malapit sa kalsada. Parang tinulungan siya nung aso na makaalis dun sa gubat.

Itong kalsada.....


At bigla akong nagising sa katotohanan . Nanaginip pala ako . Nagsuot ako ng earphones at nakinig sa kanta. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ,umuulan pala, basa na ang kalsada....

"Kuya malapit naba tayo?" tanong ko kay kuya

" Malapit na tayo baby sis... musta ang tulog mo?"

"Maayos naman kaso ang weird ng panaginip ko"

"Kaya pala may panis na laway ka pa"
Dali dali ko namang kinapa ang gilid ng labi ko

"Wala naman kuya eh niloloko mo nanaman ako" maktol ko kay kuya pinagtitripan nanaman niya ako.
Tinawanan niya lang ako.

Namiss ko ang ngiti ni kuya . Niyakap ko si kuya I just really miss him so much.

"Ngayon mo pa ko namiss eh magkakasama naman na tayo dun. Si dad ang dapat mong mamiss."

"Oo nga anak hindi mo ba ako mamimiss" sabi naman ni papa habang nagdadrive

"Papa siyempre po mamimiss kita ,ngayon pa nga lang po miss na kita eh " sabi ko , may namumuong luha sa mata ko pero pinigilan ko ito.

"Dad tama na baka umiyak na to eh"
Pang aasar sakin ni kuya

"Sinong iiyak? Ako? Hindi no!!" Sabi ko sakanya....hmp!! Di kaya ako iyakin.

"Papa bakit parang nasa gubat tayo saan ba yang school na yan? At bakit dito tayo dumadaan? Hindi ba tayo naliligaw?!" Tanong ko kay papa . Puro kasi puno ang nadadaanan namin at mamataas na damo. Meron pa ngang mga patay na puno eh nakakatakot tignan.

"Hindi tayo naliligaw baby sis dito talaga ang daan papunta dun." Si kuya ang sumagot sa tanong ko

"Eh parang nakakatakot naman yung school na yun" sabi ko medyo makulimlim narin dahil nahaharangan ng mga puno ang kalangitan

"You'll never know till you get there baby sis....Oh andito na pala tayo hahah"

Ewan ko pero parang may meaning yung sinabi ni kuya. Ewan pero parang kinabahan ako bigla.

Lumabas na kami ng sasakyan at nakita ang isang napakataas na bakal na itim na gate at nagtatasang pader. It really give me the chills.

"Sure ba kayong dito?! Eh parang di naman school to eh"

"Basahin mo kasi yung SIGN" sabi naman sakin ni kuya














LYKOS UNIVERSITY

The University Where YOU Belong


















################################################################################

Pasensiya na po kung boring ang first chapter pero gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para mas maging exciting pa lalo ang mga susunod na chapters.......

Thank you sa nagbabasa at more thank you sa magpapatuloy sa pagbabasa
^_^

The Melody of the Alpha and his LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon