CHAPTER X: Dear no One

8 0 0
                                    

Carysa POV,

(Play the music in the multimedia: Dear no One by Tori Kelly)

Nandito ako ngayon sa isang garden...naupo ako sa isa sa mga bench.

Kahit gabi na mkikita mo pa rin ang magagandang kulay ng mga bulaklak dahil sa poste ng ilaw. parang kumikinang rin ang mga ito dahil sa sinag ng buwan. Buwan, next week na ang birthday ko, at isang full moon ang gabing iyon. Sa gabi ring iyon mangyayari ang aking pagpapalit ng anyo. Ewan pero bigla nalang akong kumanta. Lagi kasi ako kumakanta kapag nalulugkot ako. Kasama na siguro talaga ng buhay ko ang musika.

"I like being independent
Not so much of an investment
No one to tell me what to do
I like being by myself
Don't gotta entertain anybody else
No one to answer to"

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa lahat ng natuklasan ko. Isang simpleng babae lang naman ako na may simpleng buhay, bakit naging ganito? bakit biglang gumulo ang lahat?Kung sana pwedeng bumalik ang lahat sa dati.

"But sometimes, I just want somebody to hold
Someone to give me the jacket when its cold
Got that young love even when we're old
Yeah sometimes, I want someone to grab my hand
Pick me up, pull me close, be my man
I will love you till the end"

May mga tanong ako na gustong kong mabigyan ng kasagutan pero hindi ko alam kung paano sasabihin. Sa nararamdaman ko ngayon na labis na pagkalungkot hindi ko alam kung bakit pero , sana ,SANA may kasama ako ngayon. Na mapapagsabihan ko ng lahat ng nararamdaman ko . Alam kong pwede ko namang sabihin ito kay Candra pero bakit may nagtutulak sakin na huwag itong sabihin kahit kanino hangang hindi dumadating ang araw na yun. Kaya napagsesisyunan ko na hindi na rin sabihin.

"So if you're out there I swear to be good to you
But I'm done lookin', for my future someone
Cause when the time is right
You'll be here, but for now
Dear no one, this is your love song"

Habang kumakanta ako may naalala ako. Yung taong lagi kong kasama nung bata pa ko, yung batang laging nagpapasaya sakin. Yung ayaw akong nakikitang umiiyak na kahit lagi niya kong inaasar alam kong para tumahan lang ako kaya niya ginagawa yun. Na akala ko kahit anong mangyari hindi niya ako iiwan. Pero iniwan niya ko ng walang paalam. Pero sana ngayon nandito siya. Wala na kasing tigil sa pag-agos yung luha ko eh kahit anong gawin ko ayaw na tumigil.

Hindi ko nga maintindihan eh inaasar niya ko pero imbis na lalo akong umiyak, tumatahan akong bigla at tumatawa nalang sa mga pinagsasabi niya.

"I don't really like big crowds
I tend to shut people out
I like my space, yeah
But I'd love to have a soul mate
And God will give him to me someday
And I know it'll be worth the wait"

Pero sana makita ko ulit siya kahit nagalit ako nun sakanya dahil hindi ko maintintihan, hindi ko maintindihan kung bakit siya nawala nalang bigla. Masaya naman kami nung araw na yun pero bakit pagdating ng kinabukasan bigla siyang nawala. Teka.....bat ko ba siya biglang naalala.....baka dahil yung naramdaman ko noon nararamdaman ko ulit ngayon.. nagagalit ako na hindi ko alam kung bakit at nalulungkot kasi ang sakit at ang pakiramdam na nagiisa .

"So if you're out there I swear to be good to you
But I'm done lookin', for my future som——"
"BLAGG!!!"
Napatigil ako sa pagkanta ng may narinig ako na nahulog. At dahil kinabahan narin ako, akala ko ako lang mag isa dito may kasama pala ako....

The Melody of the Alpha and his LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon