chapter 12

23 4 0
                                    

tumakbo ako papuntang garden umupo ako sa ilalim ng puno doon ko Pinunasan ko ang luha kong nagwawala Kanina pa

"Maganda ka pa rin naman" parang baliw kong sabi sa sarili ko

Bumuhos ang luha ko humagulgol ako sa iyak Kaya Ito yung gusto Kong part ng school eh walang Makakarinig sakin kahit magsisisigaw ako dito

Kumuha ulit ako ng Milo sa bag at pinakpak ulit ito, milo lang naman nagpapatahan sakin kahit nagmumukha na akong tanga kakapakpak nito

Humagulgol ako habang ninanamnam ang powder ng Milo kahit maubos ko pa ang isang dosenang Milo parang hindi parin yata Ako titigil neto

"the heck kahit pa ba dito sa garden ang iingay niyo parin? " Napapitlag ako sa gulat nang may nagsalita sa ibabaw ng puno tumingala ako sa puno

Nandon si thirteen Nakaupo habang nakasandal ang likod nito sa Sanga ng puno nakapikit Ang mata nito

Umilag ako sakanya ng tumalon Ito papalapit sakin humikbi ako at patuloy na kinakain ang milo wala akong Pakialam kong maturn off siya

Pakialam ko sakanya

"you really look like an idiot" puri niya sa katangahan ko humagikgik pa ito

Tumabi Ito sakin at gaya ko sumandal rin ito sa puno,Ipinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko at doon humikbi binitawan ko ang Milo. Ayaw ko na sa Milo ang Pangit na ng lasa niya nakakasawa na

"Bakit ka lumipat dito Mas maganda naman doon sa America?"tanong ko sakanya na may kasamang hikbi

"ayaw mo nun?.may kaklase kang sobrang gwapo" natatawang sabi niya at nag pogi poise pa napatawa na rin ako

Nililibang ko lang sarili baka sakaling tumahan ako, gumaya rin ito sakin Ipinatong rin nito ang ulo niya sa tuhod niya Pati ba naman sa pagpatong ng ulo gaya gaya?  wala rin ba siyang originality?

"Bakit business administration kinuha mo? " tanong ko ulit sakanya

"dahil gusto nila?" walang kasiguraduhan niyang sagot

"Alam mo magsama kayo nang de guzman na iyon pareho kayong matinong kausap eh"

"shhhhh!" saway nito

Umayos ito ng upo at sumandal sa puno

Pinikit niya ang mata niya at natulog,Pinanuod ko lang si thirteen Kung Paano matulog para akong tanga nakatitig sa taong tulog,Kinuha ko ang dahon sa buhok niya

ang gwapo pala talaga nitong si thirteen ang tangos ng ilong iyong pilik mata niya parang Babae sa haba napatingin ako sa labi niya manipis at mapula pula ito sinamahan pa ng perpektong hubog ng Mukha  at pagiging mestizo niya

"done checking me? " dumilat ito at inilapit niya ang mukha niya sakin

Napalunok Ako bigla. ang lapit kasi ng mukha niya nakikita ko rin iyong nunal niya sa gilid ng kilay ito rin nakakadagdag sa kagwapuhan niya.nakaka attract kasi iyon

Hinawakan Ko ang mukha niya at itinulak iyon

"thirteen?" napatingin ako sa nagsalita

"tanya" mahinang sambit ni thirteen sa pangalan niya

Nakatayo Ito sa harapan namin at palipat lipat ang tingin nito saamin ni thirteen

Ngumite at naglahad ng kamay Kay thirteen hindi iyon tinanggap ni thirteen at kusa itong tumayo pinulupot ni tanya ang braso niya sa braso ni thirteen

Hinayaan naman ni thirteen iyon Pakialam ko sakanila

"besprend!" sigaw ni gino

Nagtataka akong napatingin sakanya pawisan ito nagulat ako ng yakapin niya ako

Wala ba siyang klase? Napatingin ako kay thirteen nakatingin samin hinila siya ni tanya iniwas niya ang tingin niya at sumunod Kay tanya

"OK ka lang? nalaman ko iyong ginawa ni patricia sayo" Kumalas ito at nag-aalalang napatingin sakin

Hinawakan niya Ang Magkabilang pisnge ko at itinagilid tagilid Ito para bang sinusuri niya ako kung nasaktan ba ako

"umiyak ka ba?  namumula ilong mo" tumango ako pinitik niya ang noo ko at tumayo siya

"aish! " reklamo ko at napahawak sa noo ko ang sakit kaya!

Naglahad siya ng kamay tinanggap ko naman itinayo niya ako, tinulungan niya akong pagpagan ang damit ko

Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko pinalo ko naman kamay niya

Tumakbo papalapit sakin si mike at hanna at dinambahan ako ng yakap pilit ko naman silang itinutulak  Pero dalawa sila

tumikhim si gino agad kumawalas ang dalawa sakin

"gusto mo sugurin naman siya? patayin? o ano?!" naghehysterical na sabi ni mike habang niyogyog ang balikat ko

Umiling ako

"Ang OA niyo"

"uhmm maiden totoo bang peke ka saamin?" mahinang tanong ni hanna nakayuko ito

Pinalo naman ni mike si Hanna sa braso ng mahina

."Bakit mo naman naisip iyan hanna?  Pati ba naman ikaw naniniwala sa baliw na Patricia na iyon? Totoo si maiden saatin kaibigan niya tayo "

"sorry" wika nito

Pinilit kong ngumite ngunit parang hilaw yata ang kinalabasan

"nga pala umu-O na si Papa sa resort namin pinayagan niya na tayo Pwede na tayo doon nang isang linggo sinabihan ko na rin ang lahat kanina sama ka maiden ah kundi magtatampo ako?" tumango lang ako

falling for challenge(Montefalco Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon