chapter 13

30 2 1
                                    

"akin na bag mo maiden! ilalagay ko  sa likod ng Van" sigaw ni mike binitawan ko naman ang bag ko at inihagis Kay mike pumasok na ako sa Van

Umupo ako likuran ni dambo yun nalang kasi iyong may bakante nakaupo duon Ang class president namin

"Tristan Pwede umupo? " paalam ko sakanya sinulyapan niya ako at tumango ibinalik niya ulit ang attensyon niya sa librong binabasa niya

kinalabit ko ulit ito hindi kasi ako komportable pag Hindi Ako Nakaupo malapit sa bintana gusto ko kasi ng hangin pag nagbabyahe

"pwede palit tayo ng pwesto?" tumayo naman ito at nakipagpalit sakin

Tatlong Van ang inihanda nila hanna para magkasya lahat, puno na ang dalawang van Kaya dito kami nila Mike sa ikatatlong Van 

hindi na ako nakapagpaalam Kay manager kasi sila hanna na daw Bahala tutal si thirteen naman ang bagong May-ari OK lang daw

Pinikit ko ang mata ko at nakinig sa music na pinatugtog ni dambo kumanta kanta pa Ito na parang baliw

"oohhh~ you stressed me out you killed me, you drag me down you fuck me up

we're on the ground we're screaming I don't know how to make stop

I loved it I hated it but I can't help it but I keep on coming back to you~ oh no no" napadilat Ako nang magtawanan Ang mga tao sa Van

May lumipad na unan at sumapol ito sa mukha ni dambo ngumuso si dambo at umupo na

Pinikit ko ulit ang mata ko at hinayaan sila

---------------

"maiden gising! " napabalikwas ako sa upuan nang sigawan ako ni dambo

Nakaharap Ito sakin ngumunguya pa ito ng popcorn habang ang kanang kamay niya may hawak na popcorn

Pinakita niya ang cellphone niya na may picture ko habang natutulog Ngumise ito at tumakbo palabas ng Van

"Hoi tabachoy burahin mo yan!!" tumayo ako at sinundan si dambo hindi na ako tumakbo dahil paniguradong madali lang siyang hulihin

Eh pano sa sobrang taba niya yung takbo niya parang jogging lang patuloy na tumatakbo si dambo papuntang cottage

Muntik na itong madapa dahil napatid ang paa nito sa buhangin ng dagat napailing nalang ako at tumakbo para habulin si dambo

"tulong! Si maiden lelechunin ako  WAAAH!" napatawa narin ang mga tao paikot ikot lang kami sa cottage na parang tanga

"Sira! Burahin mo kasi iyan!" nagbhelat ito at umiling

tumigil ako at napahawak sa magkabilang tuhod ko napahawak ako sa dibdib ko sobrang bills nang tibok ng puso ko dahil sa pagod hinihingal na rin ako

"habulin moko! " sigaw nito

"madapa ka sana! "natatawang sigaw ko sakanya

Nagdilang Anghel yata ako at nadapa siya tumilapon ang cellphone niya at nasobsob Ang Mukha nito sa buhangin

Maraming tumawa lumapit ako sakanya at tinulungan siya. tumayo ito at pinagpagan Ang sarili niya,Tinulungan ko naman siyang pagpagan

Pinulot ni Tristan ang cellphone niya at may kinalikot doon

"may gusto ka ba Kay maiden Ignacio?"seryosong tanong nito kay dambo

nanlaki ang mata ni dambo at inagaw Ang cellphone niya sa kamay ni Tristan

"wala! Wala akong gusto sayo!" sigaw ni dambo sakin at nagwalk out

Problema nun? Wala naman akong sinasabing may gusto siya sakin ah

Tinignan ko si Tristan na nakatingin Kay dambo na umaalis Kung Ano ano nalang kasi pinagsasabi Kay dambo eh alam namang madali lang mapikon iyong si dambo

"Bakit mo Sinabi iyon?" tanong ko sakanya

"Pakialam mo" sumunod ito kay dambo ngumuso ako at naglakad papuntang cottage

"nailagay ko na iyong gamit mo sa loob ng kwarto niyo" narinig kong Sabi ni tristan nilingon ko si tristan na ngayon ay nagbubuhat ng gamit

Ako ba yung Sinabihan niya"ako?" tanong ko sakanya at tinuro ang sarili ko tumango si tristan at tumalikod na

Saang kwarto ba yung sinasabi niya ang sabi ni hanna maraming kwarto dito hinabol ko si Tristan at kinalabit ito "Saang kwarto?" ibinaba niya ang bagahe at hinarap Ako

"baka sa loob ng lobby" pamimilosopo nito

"seryoso ako" ipinakita ko pa iyong seryoso kung mukha

"room mate kayo ni hanna si hanna nalang tanungin mo"binuhat niyo ulit ang bagahe at tinalikuran ako

Nanggigigil akong napatingin sakanya Bakit ko pa tatanungin si hanna eh nandyan naman siya na malapit lang so kailangan ko pang hintayin Ang van nila hanna bago ko pa malaman?

Naku naku pasalamat ka gwapo kang loko ka

Gwapo naman talaga si Tristan eh Kaya lang NGSB no girlfriend since birth eh pano? Pag-aaral lang naman ang inaatupag niyan Kaya Nga siya president at top 1 namin

Mga tipo ng babae karamihan nasa kanya matalino,mabait,gwapo at gentleman kaya lang Pagdating sakin ang suplado niya at dinaig niya pa may regla sa sobrang sungit inloved nga yata si de guzman sakanya eh

Speaking of de guzman

"geez so hot!, you people wag na magsunog ng plastic na kasi binubutusan niyo lang ozone layer ng earth! Gosh Natutunaw na make up ko"

Naiinitan pa ba siya sa lagay na iyan Naka crop top ang gaga at Naka pony tail hindi nga ako nagrereklamo na balot na balot ako ngayon sa suot ko

Inutusan niya ang mga alipores niya na paypayan siya.  yung alipores niyang ginaya ang Porma niya ,Napatingin ako kay fei mataba si fei tas Naka crop top nagmukha na nga siyang si Winnie the Pooh sa suot niya

"maiden tignan mo dali" Tawag ni mike sakin kumunot naman ang noo ko at lumapit sakanya hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila ako

Hawak niya ang cellphone ni dambo
selfie naming dalawa ni dambo nung prom ang wallpaper niya Pinuntahan niya ang gallery ni dambo may password Ito nagulat ako nang matanggal niya ang password at makita yung puro stolen picture ko

"may gusto si tabachoy sayo" humagikgik si mike

Karamihan stolen ko pa binatukan ko si mike ngumuso ito

"Anong ginagawa niyo? " agad kaming napaharap sa nagsalita Mabilis na itinago ni mike ang cellphone ni dambo sa likod niya

"wala kinocompare lang namin Kung sino mas maputi saamin ni maiden ngayon Alam ko na mas maputi si maiden talaga!" palusot ni mike

Mukhang napaniwala niya naman si dambo napakamot sa batok si dambo at umalis 

Nakahinga kami ng maluwag ni mike

-----------

falling for challenge(Montefalco Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon