Angelou the Jologs
Active nowAngelou:
Nandito na ako sa
SM Terminal, boi.
Nasaan kana?Angelou:
Uy, boi! Nangangalay na
ako dito kakahintay sayo!
Kanina pa akong nakatayo
dito, mukha akong tanga.Patrick:
Tingin sa likod, boi.
Seen••••••
Napatingin si Angelou sa likuran nya at nakita si Patrick na hawak-hawak ang kanyang cellphone.
"BOI!!" kumakaway-kaway na bati ni Patrick nang makita sya ni Angelou. Agad nyang nilapitan ito at niyakap ng mahigpit.
"Grabe, boi! Ang taba parin ng pisngi mo, HAHAHAHA!" agad na nabatukan ni Angelou si Patrick.
"Hindi kana talaga nagbago! Puro ka kalokohan! Pero walang halong biro.. namiss kitaaa, HAHAHA."
"Ang ingay natin, boi. HAHAHA."
"Gagi ka kasi eh. Payatot pa nyahahaha." pang-aasar ni Angelou.
"Psh, tara na nga." nanlaki ang mga mata ni Angelou nang bigla syang akbayan ni Patrick.
Nang makapasok sila sa loob ng SM ay sapilitan namang inalis ni Angelou ang pagkakaakbay sa kanya ni Patrick.
"Ang payat-payat mo pero ang bigat mo, boi!"
"To naman, masmabigat ka kaya..." halos mamula si Angelou sa kilig nang kurutin sya ni Patrick sa pisngi. "Buti nalang cute ka, hahaha."
Napa-pout si Angelou. "Psh, cute daw."
"Tampuhin talaga eh, gutom yan, boi.. tara na nga." Hinawakan ni Patrick si Angelou sa kamay at hinila papunta sa isang sikat na fast-food chain.
Nang maka-upo sila ay agad na tinanong ni Patrick si Angelou. "Anong gusto mo, boi?"
"Uhmm.. fries nalang tapos chicken, at spaghetti."
"Sige. Dito ka muna, oorder lang ako." paalam ni Patrick at pumila na.
Napahalumbaba si Angelou habang pinagmamasdan si Patrick. "Buti nalang cute ka, hahaha."
"Psh, ikaw nga tong cute eh." may kakaibang ngiti na gumuhit sa labi ni Angelou.
"Hindi ka parin nagbabago.. ikaw parin ang Deib ng buhay ko.. kaso.. hindi ako yung Maxpein mo." napabuntong-hininga si Angelou.
Napaayos ng upo si Angelou nang makitang papalapit si Patrick dala-dala ang order nila.
Umupo si Patrick at nagtama ang mga kamay nila. Iaabot kasi sana ni Patrick yung chicken at spaghetti tapos si Angelou naman kukunin sana iyon.
Napalunok ng laway si Angelou bago sumubo ng spaghetti.
"So.. bakit mo naisipang ilibre ako? May kailangan ka sakin no? Aminin mo, boi." pagbasag ni Angelou sa katahimikan.
"Manghuhula ka talaga, boi, eh no? Hahaha." napatigil si Angelou sa pag-nguya ng spaghetti.
"Eh? So may kailangan ka nga sakin?"
"Oo.. kung pwede sana?"
"Uhmm.. ano ba yun?"
"Magpapatulong sana ako sayo sa panliligaw kay Kyla?" nabulunan si Angelou kaya agad nyang kinuha yung iced tea at uminom.
"S-seryoso? Seryoso ka kay Kyla? Eh d ba niloko ka nya noon?"
"Oo, boi.. seryoso ako sa kanya."
"Ayan asa pa."
"Eh kasi naman.. akala ko dinate nya ako kasi namiss nya ako tapos.. magpapatulong lang pala sa ex nyang niloko sya noon."
"Nakalimutan ko.. bestfriend nga lang pala ako."
"So ano? Tutulungan mo ba ako?"
"Eh ano pa nga bang magagawa ko? Eh mahal kita eh.. matatanggihan ba naman kita?"
"Oo naman."
"Talaga?! Thank you, boi!"
"The ultimate.. #boizoned. Haha."
"Basta ikaw, boi."
"Ikaw pa.. mahal kita eh, mahal na mahal."
Malungkot na napangiti si Angelou habang pinagmamasdan ang pagdidiwang ni Patrick.
"Sana lahat masaya, d ba?"
"Ang sama ko na bang bestfriend kung sasabihin kong hindi ako masaya na liligawan nya si Kyla?"
"Bakit ba kasi hindi nalang tayo?"
"Bakit hindi nalang ako?"
"I'm so much better than her pero bakit sya itong minamahal mo?"
"Psh, wala ka talagang taste, payatot!"
••••••
Patamaan mo'to
15 minutes • 🌎
Yung saksakan ka ng ganda pero iba parin yung minahal nya.
😢😂❤ 4.9k | Comment | ShareAngelou Jezafinn Mendoza
Loko-loko talaga admin neto. Ako talaga pinatatamaan mo eh no? Halika sa kanto, bugbugan tayo. 😑
😂👍❤ 1.6k | 1.2k repliesView more comments...
BINABASA MO ANG
Hiling [COMPLETED]
Short Story"I wish you were mine." A Chat + Narration Story Written by miraculixx Genre: Romance, Drama and Comedy Language: Tagalog-English / TagLish Status: COMPLETED Date Published: May 18, 2018