Babe Troy ❤
Active nowBabe:
AJ.Angelou:
Yez??Babe:
I have to tell you
something.Angelou:
Sure, ano yun?Babe:
Labas ka dyan.Angelou:
Ha?Babe:
Nandito ako sa gate.
Let's talk, personally.
Seen••••••
Lumabas si Angelou ng bahay nila Aria at naabutan si Troy na naka-sandal sa lamborghini car nya.
"So.. ano ba yung sasabihin mo at napadalaw ka pa talaga dito? Is it something important?" tanong ni Angelou.
"Yeah. I just.. want to say tha---" hindi nakapagpatuloy si Troy nang biglang tumunog ang cellphone ni Angelou.
Kinuha ni Angelou ang cellphone nya mula sa bulsa ng shorts nya.
"Sorry, sagutin ko muna, ha?" sabi ni Angelou at sinagot ang call.
"Hello, Ky?"
"AJ.. can you come here? I-i really need someone r-right now."
"Kyla.. umiiyak ka ba?"
"AJ, I r-really need someone to talk to."
"S-sure, pupuntahan kita. Nasaan ka ba?"
"Starbucks."
"Sige, I'll be there. Wait for me, okay?"
"Thank you." ---endcall.
"Uhmm.. Troy, sorry, next time mo nalang sabihin sakin. Kyla needs me right now."
"Ha? S-sige. Hatid na ba kita?"
"Ha? Sure ka? Wala ka bang ibang pupuntahan?" tanong ni Angelou.
"Wala, sige na, sumakay kana."
Sumakay na si Angelou at Troy sa kotse at agad namang pinaharurot ni Troy ang kotse paalis.
••••••
"Thank you sa paghatid Troy, ah?"
"No problem."
"S-sige, baka hinihintay na ako ni Kyla, mauna na ako." mabilis na paalam ni Angelou at tumakbo papasok ng Starbucks.
Agad nyang hinanap si Kyla at naestatwa sya nang makitang tahimik na umiiyak si Kyla sa isang sulok.
Lumapit sya doon at umupo sa tabi ni Kyla. Nang mapansin siya ni Kyla ay agad sya nitong niyakap. "AJ.."
"What happened? Bakit ka naiyak?" nag-aalalang tanong ni Angelou habang yakap-yakap sya ni Kyla.
Kumalas si Kyla sa yakap at pinunasan ang kanyang mga luha. "He.. he broke up with me."
"B-break na kayo n-ni PJ?" napatango si Kyla.
"A-akala ko kaya ko.. but no, it hurts. Sobra. Sobra akong nagsisisi na niloko ko sya noon.. kung hindi ko sana sya pinagpalit.. edi sana mahal parin nya ako ngayon. Sana ako parin." niyakap ni Angelou si Kyla.
"Bakit ganon, AJ? B-bakit kung kailan handa na akong ibigay sa kanya ang lahat.. tsaka pa sya nagmahal ng i-iba?"
"Stop crying, Kyla.. it's not your fault na nagmahal sya ng iba. Maybe you deserve someone better, someone who's willing to love you even if it hurts. It's okay to cry pero.. wag mo namang sisihin ang sarili mo." napakalas ulit ng yakap si Kyla.
"This is why I somehow hate you.. you are way too kind." napangiti si Kyla.
"Thank you ulit, ah? I owe you a lot na tuloy, hahaha."
"Always welcome, Kyla.. that's what friends are for. Someone na maaasahan mo at makakaramay mo kapag gusto mong umiyak at maglabas ng hinanakit. D ba?"
Tumigil na sa kakaiyak si Kyla. "You're the best friend everyone have been wishing for, AJ."
••••••
"BOOOIII!! LUMABAS KA DYAN, TANGINAMERS KA!" sigaw ni Angelou mula sa labas ng apartment ni Patrick.
"NAKO, PATRICK JOSEPH SALVADOR! IKAW NA NGA TONG NAKIPAG-BREAK, IKAW PA TONG MAY GANANG MAG-KULONG?! BUKSAN MO TONG PINTO! MABABATUKAN TALAGA KITA!"
"B-boi, paano ko b-buksan yung pinto eh galit na g-galit ka?" sabi ni Patrick mula sa loob ng apartment.
"AISH, NAKO! BASTA BUKSAN MO TONG PINTO! KAILANGAN NATING MAG-USAP!"
"Angelou Jezafinn M-Mendoza, c-calm down first and I'll open the door."
Huminga ng malalim si Angelou.
"Okay na, buksan mo na kasi!"
Binuksan ni Patrick ang pintuan at agad syang sinugod ni Angelou ng tulak sa dibdib. "Ikaw ha! Ba't mo pinaiyak si Kyla?! Gago ka ba?!!"
"Teka, teka.. let me explain, boi."
"Anong explain-explain? Walang ganon---" napatigil si Angelou sa pagsasalita nang biglang hawakan ni Patrick ang magkabilang wrist nya at i-corner sa pader habang hawak-hawak parin ito.
Napuno ng katahimikan ang dalawa at nagkatitigan sila sa isa't-isa hanggang sa mapunta sa kanilang mga labi.
They were about to kiss.. but Troy came and punched Patrick's face.
BINABASA MO ANG
Hiling [COMPLETED]
Short Story"I wish you were mine." A Chat + Narration Story Written by miraculixx Genre: Romance, Drama and Comedy Language: Tagalog-English / TagLish Status: COMPLETED Date Published: May 18, 2018