44

800 14 1
                                    

Patrick Salvador
47 minutes • 🌎
My date for today. 😍😘

👍❤😮 48

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

👍❤😮 48.6k | Comment | Share

Sera Villafuente
Yung feeling na mas-maganda at mas-fashionista yung bata sayo...
😂❤😢 7.8k | 7.1k replies

Angelou Mendoza-Salvador
Grabe sila! Hindi kami sinama ni Angelo! BABAWI KAMI HAHAHA.
😂❤👍 32.9k | 30.2k replies
• Patrick Salvador
HAHAHHAA BLEEEHH!! 😜
• Angelou Mendoza-Salvador
Paalis na kami ng bahay ni Angelo! Mag-date din kami, hmp! 😑😂

View more comments...

••••••

Angelou Mendoza-Salvador
42 minutes • 🌎
May ka-date din ako! 😝

Angelou Mendoza-Salvador42 minutes • 🌎May ka-date din ako! 😝

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❤😮😂 41.8k | Comment | Share

Marissa Claire
Hihintayin namin toooo!! 😍
👍❤😂 3.8k | 3.4k replies

Rosalie Gonzaga
KAMUKHA NI JUNGKOOK SHEYT HAHAHAHAH NANAKAWIN KO YANNNNN JUSQQQ HAHAHAHA.
👍😂❤ 3.7k | 3.5k replies

Patrick Salvador
Nasaan kayo, boss ko? :((
😂❤👍 29.8k | 23.1k replies
• Angelou Mendoza-Salvador
Secret. D ko sasabihin. 😙
• Patrick Salvador
Andayaaaa huhuhu. :((
• Angelou Mendoza-Salvador
HAHAHAHA nasa SM kami.
• Patrick Salvador
Sige papunta na kami dyan. ❤
• Angelou Mendoza-Salvador
Sige, hintayin namin kayo. 😘

View more comments...

••••••

Hawak-hawak ni Angelou ang kamay ni Patricia, tapos hawak naman ni Angelo ang kamay ni Patricia at ni Patrick.

Lining:
Angelou - Patricia - Angelo - Patrick

"Mommy, pasaan po tayo?" tanong ni Patricia.

"Hmmm.. arcade or cinema? What do you want, anak?"

"Arcade tayo, Mommy! Laro tayo baril-barilan!" excited na sabi ni Angelo.

"No! Mommy, sine tayo. Nood tayo princesses!"

"Eeehhh! Ate naman eh, arcade nalang!"

"Psh, oo na. Mommy, arcade daw po." nagkatinginan si Patrick at Angelou, natawa sila dahil sa kanilang mga anak.

Mga aso't-pusa kung mag-away pero akala mo mag-jowa sa sobrang sweet.

Nang makarating sila sa Arcade ay tinuruan ni Angelou si Angelo na bumaril, habang si Patrick naman ay sinusubukan paring makuha yung teddy bear sa claw machine para kay Patricia.

"Daddy, ang bulok mo naman po maglaro eh!"

Natawa si Angelou habang pinapanood si Patrick na nilalait ng kanilang anak na babae.

"Mommy, ang hirap naman bumaril!" pumantay si Angelou sa laki ni Angelo. Hinawakan ni Angelou ang mga kamay ni Angelo na nakahawak sa toygun. "Focus your eyes on your target, anak. Calm your self and then... fire!"

"Wow! Ang galing mo, Mommy!" ngiting-ngiti na pagkamangha ni Angelo nang tumama sa target ang bala ng toygun.

"Daddy, ang bulok mo!" natatawang lumapit si Angelou kina Patrick. "Hahahaha."

"Ate oh, sayo nalang. Napanalunan namin ni Mommy." nakangiting sabi ni Angelo at iniabot ang isang malaking panda na stuffed toy. "Thank you, Hann."

"Ang bulok mo daw kasi, boi! Hahahahaha." natatawang pang-aasar ni Angelou kay Patrick, napa-pout naman na parang bata si Patrick dahil don.

"Mommy what is boi?" napatingin ang mag-asawa kay Patricia.

"Callsign namin ng Daddy mo nung mag-bestfriends palang kami, anak."

"Mag-bestfriends po kayo ni Daddy?"

"Nako, anak! Patay na patay pa nga sakin Mommy mo---" nabatukan ni Angelou si Patrick. "Kung ano-ano pinagsasasabi mo!"

"Mommy, sana makahanap din ako ng bestfriend na katulad ni Daddy." nakangiting sabi ni Patricia.

"Ako din, Mommy! Gusto ko din ng bestfriend na katulad mo, Mommy!" cute na pagkakasabi ni Angelo.

"Basta magpakabait kayo, okay?"

"Opo, Mommy!" sabay na sagot ng dalawa nilang anak.

Pagkatapos non ay sabay-sabay silang umalis papuntang park.

Habang pinapanood ang kanilang dalawang anak na naghahabulan ay hindi maiwasang mapangiti ni Angelou at Patrick na nakaupo sa isang bench.

"Nakakatuwa sila, no? Sana habang buhay.. ganito lang tayo. Masaya.. buo.. at walang mabigat na problema." nakangiting sabi ni Angelou at nagkatinginan silang dalawa.

"Pangako ko yan, sayo boi. Ikaw lang.. tayo lang.. forever and for always, it will always be us." and Patrick sweetly kissed Angelou.

Tinakpan ni Patricia ang mga mata ni Angelo nang makita nila ang ginagawa ng Mommy at Daddy nila.

"Ate, andaya mo!" pilit na inaalis ni Angelo ang kamay ng Ate Patricia nya na nakatakip sa kanyang mga mata.

Pulang-pula ang pisngi ng dalawa nang makita nilang naghahalikan sina Angelou at Patrick.

Napansin ni Patrick at Angelou ang kanilang mga anak at natawa dahil sa kanilang itsura.

"Eehh, Mommy.. d namin sinasadya ah!" pagtatanggol agad ni Patricia kahit wala pang imik yung dalawa.

Umaktong galit ang dalawa, expressionless silang tumayo. "Ate, takbooo!!" sigaw ni Angelo at magkahawak na tumakbo ang magkapatid.

Natatawa namang hinabol ng dalawa ang kanilang mga anak, at nang mahuli nila ito ay agad nilang kiniliti.

"Mommy, stop! Hahahaha!"

"Daddy, tama na! Hahahahaha!"

"Yieeee!! Cute-cute ng baby namin!"

"No I won't stop, hahahaha!"

"Mommy, ano ba! Hahahaha!"

"Daddy naman eh! Hahaha!"

For Angelou and Patrick, their children's laughs are priceless. Something that they won't exchange for any worth of money.

Because their children.. is their real happiness, the love of their lives.

THE END---- char lang, hahaha! Syempre may 45 at epilogue pa!

Hiling [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon