32

704 15 0
                                    

4 years.

Apat na taon na ang lumipas pero pareho paring nagdaramdam si Angelou at Patrick.

Akala nila mawawala yung sakit as time passes by, but they were wrong.

Sa paglipas ng panahon, lalong sumasakit kasi.. lalo nilang minamahal ang isa't-isa.

Kahit anong pilit ni Angelou na maging masaya sa pagta-travel nya kasama ang Ninang Lalhein nya, hindi nya parin magawang ngumiti. Kaya nga sa lahat ng picture eh matamlay ang mukha nya o d kaya naman ay nakatalikod.

Si Patrick naman, kahit anong success ng business life nya, hindi parin sya nakukuntento kasi alam nyang may kulang.. si Angelou.

Totoo ngang kahit anong yaman mo, kapag wala sa tabi mo ang taong pinakamamahal mo.. anong silbi non?

Money can't buy happiness. Money can't buy LOVE. Dahil ang pag-ibig, dinaramdam hindi binabayaran.

"Sir Patrick, may bisita po kayo." sabi ng assistant ni Patrick.

"Sige, papasukin mo." sagot ni Patrick habang tutok na tutok parin sa computer nya.

"Yow, Mr. Most Successful Bachelor of 20**!" automatikong napangiti si Patrick nang marinig ang pamilyar na boses.

"Uy, bro! HAHAHAHA." nakipag-fist bump si Patrick kay Kurt. "Beym."

Umupo ang dalawa sa sofa. "Musta? Ba't napadalaw ka?" tanong ni Patrick.

"Grabe ka. Kung makapagtanong ka parang ayaw mong nandito ako ah." natawa naman si Patrick kaya natawa din si Kurt.

"Seryoso kasi. Sagutin mo nalang, hahaha." natatawang sabi ni Patrick.

"May reunion kasi ang barkada."

"Reunion? Anong barkada? Ang dami nating barkada, gago HAHAHA." malakas na tawa ni Patrick.

"Barkada natin nina.. AJ." napatigil si Patrick sa pagtawa.

"I'm not going." seryosong sabi ni Patrick at bumalik sa tapat ng computer nya.

Agad namang tumayo si Kurt at umupo sa tapat ng desk nito.

"Bakit naman? Hindi mo ba namimiss si AJ?" masamang napatingin si Patrick kay Kurt.

"Bro, alam mo namang---"

"Ay hindi ah! Hindi na galit sayo yun. She's WAY TOO mature now.. yun ang sabi ni Aria."

"Like how?"

"Seryoso na daw, halos laging emotionless ang mukha. Walang kabuhay-buhay.. laging tulala." napabuntong-hininga si Patrick.

"Oh? Nag-aalala ka ba na ikaw ang dahilan kung bakit naging lifeless si AJ?"

"Oo."

"Oh edi buhayin mo, bro! Ikaw ang sumira kaya ikaw ang mag-ayos!" napatayo si Patrick at tinanaw ang view sa likuran nya, mga buildings.

"Hindi yun ganon kadali, bro. Natatakot akong masaktan ko ulit si AJ. Natatakot akong umiyak na naman sya nang dahil sakin." tinabihan ni Kurt si Patrick na tinatanaw ang view.

"Bro, love comes with pain nga daw. Hindi mo maiiwasang masaktan si AJ, kahit mag-ingat ka pa o kahit hindi ka kumibo. Ang tunay na nagmamahal.. nasasaktan." gulat na napatingin si Patrick kay Kurt.

"Saan mo natutunan yan, bro?"

"Hehehe.. kay Misis."

"Ay oo nga, no? Kamusta asawa mo?" tanong ni Patrick.

"Buntis bro kaya torture ako eh. Ang daming pinaglilihian, pati nga amoy ng pawis ko pinaglilihian nya. Nagagalit pa kay Yaya Erlinda kapag nilabhan agad yung damit ko, hahaha." natatawang kwento ni Kurt.

"Buhay may asawa nga naman." nasabi nalang ni Patrick.

"Ikaw, bro? Wala ka pa bang balak magpakasal?" nabatukan ni Patrick si Kurt. "Aray!"

"Paano ako magpapakasal eh yung nagmamay-ari ng puso ko nagta-travel around the world?!"

"HAHAHAHA! Lakas talaga ng tama mo kay AJ, bro! Sumama kana kasi sa reunion, uuwi daw si AJ."

"T-talaga?"

"Oo! Kaya nga inimbita agad kita ngayon.. nabalitaan ko lang kay Aria na nakapag-book na daw ng flight si AJ pauwi dito." kwento pa ni Kurt at dahil dun ay abot-langit ang ngiti ni Patrick.

"Eto naman, parang ngayon lang narealize na uuwi si AJ, eh kanina ko pang sinabi sayo na may reunion."

"Gago! Iba parin kasi kapag sure na sure, hehehe."

"Para kang bakla, bro." nabatukan na naman ni Patrick si Kurt. "PUTA, BRO! Nakakadalawa kana!"

"Gusto mo tatluhin ko?!"

"Ahehehe, u-uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Misis.. bye, bro!" agad na umalis si Kurt at muli namang napatingin si Patrick sa view.

"Ayaw kong mawala ka sakin, PJ. Alam mong mahal na mahal kita.. kaso yung nakita ko? Sobrang sakit non eh. At ayaw ko na maulit pa yun, I don't want to say this but.. let's break up."

Ang kanyang mga ngiti ay unti-unting nawala at nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha.

"Tama pa bang lumapit ulit ako sayo? Okay lang ba sayo? Masama ba kung sasabihin kong hanggang ngayon ikaw parin ang mahal ko?"

Hiling [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon