Aalis, dumating, bumabalik

16 5 16
                                    


Common na'tong problema diba? Marami na akong nababasa sa mga post ng kabataan sa social media.

Bakit may taong aalis?

Bakit may taong dumadating?

Bakit may taong bumabalik?

Everything's happened for a reason.

Lahat may rason kung bakit may taong aalis, dumadating at bumabalik sa'ting buhay.

Hindi lang kayo ang naka-experienced ng ganyan, pati narin ako. (hahahaha lols) Lahat naman tayo naka-experienced ng ganyang scenario diba?

I'm proud to say na isa ako sa nabiktima ng scenario na 'yan. Palaging may umaalis sa'king buhay. Oo, masakit pero unti-unting lumilipas ang panahon na wala na s'ya, hindi na gaanong ka sakit tulad ng pinakauna. Oo, may kunting kirot pa ang naiwan dito sa puso ko, pero unti-unti rin itong nawawala dahil may taong biglang dumating sa buhay ko at ginamot ang sugat sa'king puso. Hindi katagalan bumalik ang taong kadahilanan ng sugat sa puso ko.

Ang ginawa ko? Tinanggap ulit s'ya sa buhay ko. Ganyan naman diba? Tanggapin ang taong kumakatok sa puso mo. Give her/him a chance na maging parte parin ng buhay mo. Hindi masamang bigyan ng isa pang pagkakataon ang tao.

May taong aalis dahil tapos na ang mission n'ya sa'ting buhay. Tapos na tayong tulungan, pasayahin, paiyakin, bigyan ng leksyon at tapos na tayong mahalin.

This person is a gift from God. Parang binigyan lang tayo ni God ng taong makakapagbago  sa'tin. Makakapagbago sa'ting sarili.  May taong ganyan, aalis na sila dahil nagbago kana. Nagbago na ang lahat sa'yo.

Okay lang na umiyak, sumigaw, magwala pag may taong aalis sa buhay n'yo. Hindi naman mawawala ang tinuro n'ya sa inyo.

Kung may aalis may dumadating na tao sa buhay natin.
Nawalan man tayo pero may dumating naman na bago.

May taong bumabalik dahil hindi pa tapos ang mission n'ya.
May taong bumalik dahil may naiwan s'ya dito sa mundong kinagagalawan natin.

Lahat may reason kung bakit sila aalis,dumating at bumabalik.

Walang temporary sa mundo, lahat pwedeng magbago, mamaya, ngayon, o  bukas.

Tanggapin nalang natin ang katotohanan na nasa realidad tayo.  Nasa mundo tayo na hindi natin alam ang takbo ng panahon.

Mga Payo Ni Zet (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon