Tanong ng kabataan 101: 01

12 5 23
                                    

Tanong galing kay, Jasmine Dyasmeeenqt

- what is the real meaning of love?

- Yung kaya mo s'yang palayain. Kahit sobrang mahal mo ang isang tao, pinalaya mo parin para sa kaligayahan n'ya. Kahit nasasaktan ka pinili mo parin ginawa ang makakapaligaya sa kanya. Makita mo lang s'ya na masaya, masaya ka narin.

Love is a sacrificial.

*Bakit may  mga taong gustong manatili ka pero hindi naman gumawa ng paraan para ipag laban ka?

-May taong gustong manatili ka sa tabi nila dahil mahalaga ka sa kanila. Hindi ka ipinaglaban kasi hindi ka naman n'ya mahal 'mahalaga' ka lang. Magkaiba ang 'mahal' sa 'mahalaga'.

*Bakit ang hirap mag move on kahit hindi naman naging kayo?

- Unang-una ang hirap naman talaga pag hindi naging kayo. Ang hirap kalimutan lalo na't hindi naging kayo. Ewan ko ba, siguro nasaktan ka lang kasi hindi naging kayo. Yung asang-asa kana na magiging kayo pero hindi pala, iba pala gusto n'ya. Hindi naman totally mahirap magmove-on lalo na't hindi naging kayo. Bakit ka magmo-move on kung hindi naman naging kayo? Nasa sa'yo na 'yan kung magpapadala ka sa agos.

*Bakit may mga taong mapagbigay ng motibo?

-Ang tanong baka guni-guni mo lang 'yan. Nagbigay s'ya ng motibo, umasa ka naman? Hindi porket nagbigay s'ya ng motibo sa'yo may pag-asa kana. Minsan may mga tao talagang ganyan, yung balewala lang sa kanila ang pagbibgay ng motibo. Sa'yo may pahiwatig na.

*Bakit puro magaganda/gwapo na lang ang nagugustuhan? Itsura naba ang basehan ng mga tao ngayon?

-May iba, hindi naman mukha ang basehan nila. Sadyang nagkagusto lang sila sa taong gifted. Hindi itsura ang basehan ng mga tao ngayon. Aanhin mo ang kagandahang panlabas kung hindi naman kagandahan sa panloob.

*Bakit may mga taong kahit pagod na hindi parin magawang sumuko?

-Good example 'yan sa tao, tulad ng maghanap ka ng trabaho diba kahit pagod kana kailangan mong maging matatag at h'wag sumuko sa buhay. Kung susuko ka, hindi ka makakahanap ng trabaho. Tulad ng pag-ibig pag gusto mo talaga ng isang tao o bagay, kahit pagod kana di mo parin magawang sumuko hangga't di mo ito makukuha.

*Suko o Laban? Bakit?

-Pwedeng both? Hahahaha. Both, kasi kung may ipaglalaban pa ako laban lang hangga't hindi pa ako napapagod. Tsaka lang ako susuko pag hindi na n'ya ako pinaglaban. Kung wala ng panghahawakan, wala ng kakapitan.

*Bakit may mga taong kahit kailan hindi makita ang halaga mo?

-Simple, kasi bulag s'ya. Bulag kasi hindi na kita ang kahalagahan mo.  Busy s'ya sa iba, kahit isang sulyap lang sa kahalagahan mo di n'ya tinitingnan.

--------*
Tanong galing kay, Andrea Joy AkoSiAndreaaa

*Bakit pinapahalagahan natin ang mga taong di alam ang halaga natin?

-kasi may care ka sa kanya.
Kasi mahalaga s'ya sa'yo kaya pinahalgahan mo s'ya na para bang isang gold na sobrang halaga sa'yo.

* Bakit umaasa pa tayo kung alam naman nating walang pag asa?

- Pinili mo, pinili mong umasa sa kanya kahit wala ka ng pag-asa.

*Bakit ka naghahabol, aso ka ba?

-Porket naghahabol aso na agad? Parang pangarap ko kasi s'ya, kailangan kong habulin para makamit ko.

*Mahal mo siya, mahal ka ba?

-Hindi ko alam kung mahal n'ya ako. Hindi naman importante sa'kin kung hindi n'ya ako mahal as long as nandyan s'ya sa tabi ko oks lang sa'kin. Pinili kong mahalin s'ya kahit hindi n'ya ako mahal.

Ang pagmamahal walang hinihintay na kapalit.

* Should I smile because we're friends, or cry because that's all we'll ever be?

-Maging masaya dahil kahit papano gusto n'ya ako maging kaibigan. Tanggapin ang katotohanan na hanggang kaibigan lang ako. Friendzone ganern hahaha.

--------*

Tanong galing kay, Joice MsTenshi

* Paano magwowork  ang LDR?

-Magwowork ang LDR pag center n'yo si God sa relasyon n'yo.

Trust, kailangan may tiwala sa karelasyon mo. Kailangan babaan rin ang pride pag nag-aaway kayo, kasi yan ang pag-aaway ang dahilan kung bakit may naghihiwalay.
H'wag magalit pag wala s'yang time sayo tandaan, hindi lang sa'yo umiikot ang mundo n'ya.
Honest, magiging honest ka sa gf/bf mo.
H'wag gumawa ng kalokohan lalo na't hindi alam ng gf/bf mo.
At magtiwala sa isat-isa.

Kung mai-apply mo 'yan magwowork talaga ang relasyon n'yo, tsaka magtatagal kayo. Always put God first in your relationship.Tutulungan kayo ni God na magwork ang relasyon n'yo kahit malayo kayo sa isat-isa.

* Masasabi ba nating nagmamahalan ang dalawang tao kahit na hindi pa sila nagkikita sa personal? Bakit at paano?

-Oo, maramdaman mo kasi 'yan.
Tulad ng Dummy User. May nagmamahal sa kanila kahit hindi nakikita ang mukha o sa personal.

Kahit na hindi pa sila nagkikita sa personal, minahal parin nila. Wala naman 'yan sa 'nakikita mo' o 'di mo nakikita sa personal' basta mahal mo.

* Bakit kadalasang hindi tayo mahal ng mahal natin?

-Kasi iba ang mahal n'ya. Iba ang nilalaman ng puso n'ya.
Hindi lahat ng nahal natin mamhalin tayo pabalik. Ang pag-ibig may pagka-unfair.

* Mahal mo o mahal ka?

-Mahal ako. May posibilidad na matutunan ko rin s'yang mahalin pabalik.
Kahit iba mahal ko, minahal n'ya parin ako. Nakakataba ng puso.

* Sang-ayon ka ba na pwedeng isabay ang pagmamahal sa pag-aaral? Hehehe. Yung pagboboypren

- Oo na hindi? Hahahaaha.

Oo, kasi papasok ka sa school na may inspirasyon araw-araw.

Hindi, kasi pag nasosobrahan na aabusuhin nalang kasi pinayagan.

Depende naman 'yan kung paano mo dalhin ang relasyon n'yo. Kung paano mo hatiin ang time mo sa pagiging gf/bf at sa pag-aaral mo. Ang kailangan mo lang time management.

--------

Any comment? Hahaha sorry, maikling payo lang ang aking nabigay.

Salamat sa support SweetyPrincess1602 harthartqt

Mga Payo Ni Zet (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon