Love ano 'yon?

29 7 7
                                    

Love is not enough.

Hindi sa sapat ang pag-ibig para masabi mong mahal mo ang isang tao.
Ang love hindi mo agad  ma-explain. May process pa ito, charot lang.

Simple reason to pursue love. Para maabot mo ang tunay na pag-ibig.

Faith, hope, love.

'Yan ang rason para maabot mo ang tunay na pag-ibig.

Faith- Panamnampalataya.
Dapat may pananampalataya ka kay God. Isa 'yan sa rason kung bakit may mga relasyon na nagtatagal dahil may pananampalataya sila kay God. Naniniwala sila sa Power ni God sa pagmamahal.

Kung magmahal ka wag mong kalimutan maniwala sa sarili mo. Wag mong kalimutan si God.

Hope- Inaasahan o pag-asa.
Lahat naman tayo ay may inaasahan sa buhay natin. Inaasahan mong may magmahal sa'yo ng walang kapalit.

Ang Hope ay isang parte ng pagmamahal kasama parin si God n'yan.

Love- Pagmamahal.
May Love yourself. Mahalin mo muna ang sarili bago ang iba. Tama! Bago ka magmahal ng iba make sure minahal mo na ang sarili mo. Kasi pag nasaktan ka hindi totally masakit kasi nag-iwan ka ng pagmamahal sa sarili mo.

Pag nagmahal ka kasama ang tatlo 'yan. Dahil kung mabubuo 'yan d'yan mo maramdaman ang kahulugan ng pag-ibig.At kung center mo si God sa puso mo, makakamtan mo ang tunay na pag-ibig.

Ang love hindi lang 'yan para sa mag-boyfriend o girlfriend. Para din 'yan sa Pamilya, friends at kay God. Kahit wala kang jowa, maramdaman mo ito.

Ano nga ba ang love? Nasa atin na'yan kung ano ba ang pagkakadefine mo sa pagmamahal. Ikaw lang ang makakaalam n'yan kasi hindi man tayo pareho ng nararamdaman 'pag nagmamahal. May ibat-ibang way tayo na paano bang magmahal. ikaw lang ang makakadefine n'yan sa'yo at ako makakadefine sa'kin.

Ikaw, siya, ako.. May ibat- ibang kahulugan ng pag-ibig.

Mga Payo Ni Zet (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon