Tanong ng kabataan 101: 02

13 5 11
                                    

Tanong galing kay, Dyantnio

*Bakit may mga taong ginagawang biro ang pagsabi ng iloveyou?

- Sa panahon kasi ngayon, basta-basta nalang sinasabi ang salitang I love you kahit hindi naman nila mahal. Akala nila sa basurahan lang pinupulot ang salitang 'yan.Akala nila d'yan lang 'yan sa kanto. Akala lang nila na ang kahulugan ng 'I love You' ay 'Biro'.

Mga taong ginagawang biro ang i love you, sila ang taong hanggang biro lang ang relasyon. Hindi kayang magseryoso sa lovelife.  Lahat ng bagay ginagawang biro.

Wag sasabihin ang salitang  i love you kung hindi naman totohanin  kasi d'yan magsisimula mag-assume ang isang tao sa salitang "I love You". I love you na hindi naman totoo.

Ang totoong I LOVE YOU mahirap hanapin. Hanapin sa totoong tao.

*Bakit may mga taong anlakas loob na sasabihan kang mahal ka pero anlakas din ng loob para iwanan kalang  niya?

-Hindi sapat ang salitang 'Mahal kita' para hindi ka n'ya iwan.
Mahal ka nga n'ya pero iba naman ang nasa puso n'ya. Hindi mo alam sa likod ng 'mahal kita' may 'iba na akong mahal'.

Siguro. Baka. Ewan. May rason s'ya kung bakit ka n'ya
iniwan. Iniwan ka n'ya para makahanap ka pa ng iba. Mas better sa kanya. Mas mahahalin ka kung sino o ano ka man. Baka narealized n'yang hindi kayo para sa isat-isa. Mahal ka n'ya bilang kaibigan,relatives o ano pa man.

Ibang level ang mahal ka n'ya dahil mahal ka n'ya bilang 'kaibigan, relatives'.

*Bat ganon bago sila magmahal babasehan muna nila sa mukha?hindi ba pedeng mahalin nila yung totoong may halaga hindi yung puti lang ang nagdadala?

-Hindi naman lahat. May ilang tao na ugali ang basehan meron namang mukha ang basehan. Hindi natin sila masasabihan na 'Uy, sa ugali ka magbase wag sa mukha'  hindi natin sila masasabihan dahil sila naman ang magmahal hindi ikaw. Hindi natin sila mahuhusgahan kung bakit binabasehan nila sa mukha'.

Tinamaan talaga sila sa taong gifted..

*Kaya bang diktahan ng isip ang puso?

-Hindi ko masabing OO at HINDI.
Oo kasi minsan sinunsunod mo ang isip kaysa sa puso.
Hindi kasi minsan ipinairal mo ang puso kaysa sa isip.

Hindi lahat ay tama ang isip o puso. Minsan kailangan mo ng payo galing sa ibang tao kung ano ba talaga ang gagawin mo.

Tanong galing kay, patreeengsxz

*Sa tingin mo babaguhin mo ba ang sarili mo para lang mahalin ka ng isang tao?

-Hindi.
Hindi ko babaguhin ang sarili ko para mahalin lang ako. Ako ay ako. Kung ano o sino pa ako hindi ko babaguhin kasi d'yan ako nakilala bilang ako. Kung mahal talaga ako, tatanggapin n'ya ako at mamahalin.

Hindi ko babaguhin ang sarili ko para magustuhan o mahalin ako ng isang tao.

* Kaya mo pa bang mahalin ang isang tao kung niloko ka na nya?

-Kaya. Kaya ko pang mahalin kahit niloko n'ya ako. Kung niloko ka man n'ya 'kailangan mong patawarin s'ya' may rason s'ya kung bakit n'ya nagawa ang ganyang bagay. Lahat ng tao may chance na patawarin at mahalin ulit.

forgive at forget. Kung mahal mo talaga ang isang tao. Balewala na sa'yo kung niloko ka n'ya,sinaktan at iba pa.

Tanong galing kay, Clarisse mynameisRisswp

*Bakit kailangan mong saktan yung taong mahal mo?

-Hindi talaga maiwasang saktan ang taong mahal mo. Ang sakit parte ng pagmamahal.  Kailangan mong saktan ito, para gumising ... gumising sa katotohanan na may nagmamahal sa kanya.

*Mahal mo ko dahil kailangan mo ko o  kailangan mo ko dahil mahal mo ko?

-Kailangan mo'ko dahil mahal mo'ko.
Mas gugustuhin ko pa 'yan kaya kailangan n'ya akong nasa tabi n'ya kasi mahal n'ya ako. Kailangan n'ya ako kasi mahal n'ya ako.

*Mahal kita pero aasa pa ba ako ng mamahalin mo din ako?

-Ang pagmamahal walang hinihintay na kapalit. Kung mahal mo s'ya pero di ka n'ya mahal h'wag ka ng maghintay na may kapalit 'yan. Hindi n'ya kasalanan na hindi ka mahalin pabalik. Kasalanan mo 'yan.

Sa dinami-raming tao sa mundo 'bakit s'ya pa ang minahal mo?' Gumising ka, may taong mahal ka pero di mo mahal kasi iba ang mahal mo. Don ka sa mahal ka.

*Kung mahal mo ipaglaban mo  kaso pinaglaban karin ba?

-Hindi naman importante kung pinaglaban ka rin n'ya. Ang importante ipinaglaban mo s'ya. Kahit napapagod at nasasaktan kana. Pinili mo paring ipaglaban s'ya kahit alam mo sa sarili mo na 'hindi ka n'ya pinaglaban.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Payo Ni Zet (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon