KABANATA 7

263 17 1
                                    

JANE POV

"O TO THE M TO THE G. TIGNAN MO ANG SWEET NILANG DALAWA"

"Wag kang maingay baka marinig ka nila"

Nagising ako dahil sa flash ng mga camera at sa ingay ng mga tao dito sa van.

"Panaginip lang pala" nanghihinayang na sabi ko.

Pero bakit naramdaman ko ang labi ni Jaxiel sa labi ko.

Mapatingin naman ako sa katabi ko.

Jaxiel??

Si Jaxiel na kasandal sa balikat ko at naka holding hands pa kami.

Totoo ba tong nakikita ko?

Pinag masdan ko lang ang muka nyang maamo . Kapag tulog parang anghel pero pag gising parang anghel na galit sa mundo.

Inalis ko yung kamay nya sa kamay ko at pinabayaan ko nalang ang ulo nyang naka sandal sa balikat ko. Linaksan ko ang aircon kawawa naman pawisan na pawisan. Kaya pinunasan ko ang pawis nya.

'Itatabi ko tong towel ko, hindi ko lalabhan may pawis ni Jaxiel .'

Natawa naman ako sa naisip ko

Bumaba kami sa malaking bahay. Kung saan makikita mo ang dagat at ang sunset.

Ang ganda kitang kita ang reflection ng papalubog na araw .

"Kuya Nestor, paki lagay nalang po nang gamit sa loob" sabi ni tita sa taga pag-alaga ng bahay.

"Sige ma'am " sabi ni Kuya Nestor.

Hindi muna ako nag pahinga.

Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ang mga alon.

Ito lang talaga ang bagay na nakakapag relax sakin.

Lalo na ang simoy nang hangin na dumadampi sa aking mukha.

Lumingon ako sa likod ko biglang nahagip nang mata ko si Jaxiel na nakatingin sa akin.

Sa akin? Tumingin naman ako sa tabi ko. May babae pala naka bikini .

Okay medyo nag assume ako.

Lumayo ako sa babaeng iyon at umupo sa buhangin.

May lumapit sakin at umupo sa tabi ko.

"Bakit ka nandito? " tanong ni Jaxiel.

"Wala lang. "Tipid na sagot ko .

Napuno ng katahimikan ang buong paligid tangin huni lang ng ibon at hampas ng alon sa dalampasigan.

" Alam mo may weird akong panaginip ." Pambasag ko ng katahimikan.

Napakunot lang ang noo nya na parang nag tataka.

"Kasi may panaginip ako, hinalikan mo daw ako sa noo at labi ko . "Sabi ko.

Napalunok sya sa sinabi ko.

"Anong weird dun? " tanong nya.

"Well di naman sya gaanong weird , kasi I always dream of you " nahihiyang sabi ko.

Natahimik lang sya.

"Ang weird lang, para kasing totoo. " sabi ko.

"Paanong totoo? " parang kinakabahan na tanong nya.

"Kasi naramdaman ko yung lips mo" sabi ko

."Impossible "sabi nya.

"Yeah, impossible kasi alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan . " mapait na sabi ko.

Crush To LoverWhere stories live. Discover now